Nathalie's POV
"Ma, a-aalis po ako bukas–"
"Bakit? Maglalandi ka?"
I immediately shook my head at kumain na lang nang tahimik.
"Mom! Irespeto niyo din naman anak niyo," pagtatanggol ni Kuya Josh.
Ramdam ko ang sama ng tingin ni Mama sa'kin at hinampas ang lamesa.
"Kumain na lang tayo," malamig na sabi ni Kuya Josh at tinignan ako saglit bago kumain.
Dahan-dahan akong sumubo ng pagkain habang nakayuko. Nasa bahay na ako galing sa practice kanina, but for me, this house is never been a home for me. Alam mo 'yong feeling na you feel like going home kahit nasa bahay ka'na?
I feel that.
"Nathalie! Ikaw maghugas!" pasigaw na utos ni Mama kahit kaharap niya lang ako.
"Ako na," Kuya Josh said.
Tumingin sa'kin si Kuya Josh at ningitian ako bago tinanguan. I smiled and thanked him and stood up, ignoring the demon's f*cking eww stares. Nasa hagdan na ako pero rinig na rinig ko pa rin silang nagsasagutan.
"Kaya mas lalong nagiging tamad 'yon eh! Wala na nga siyang ginagawa kung di ang maglandi sa school!" rinig kong sigaw ni Mama.
I hold my tears at dahan-dahang humakbang paakyat.
"Nakikita niyo ba ang ginagawa niya sa school?! You even don't know na depress ang anak mo Ma!" sigaw ni Kuya.
Hindi ko na napigilan ang luha ko at tumulo na lang bigla. Pinagtatanggol pa rin ako ni Kuya kahit step brother ko lang siya.
Karapat-dapat ba akong ipagtanggol?
"Maarte lang 'yon! Naga-artihan para makuha ang gusto!"
"Ma!"
Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sigawan nila at tumakbo na papunta sa kwarto ko. Ni-lock ko ang pinto at dumiretso ng higa sa kama. Nabasa na naman ang unan ko dahil sa mga luha kong hindi mapigilan sa pag-agos.
Napatingin ako sa bedside table nang tumunog ang phone ko, indikasyon na may tumatawag. Kinuha ko ito at napapunas ng luha nang makitang GC namin ito nila Ackley at ng anim. Ngumiti pa ako sa salamin na nakatapat sa'kin at agad na naghilamos sa banyo para hindi mahalata ang pamumula ng mata ko.
Nang maayos na ay nakangiti kong sinagot ang tawag at bumungad naman ang noo ni Hope, nakakatawang hitsura ni Luisa, lobong pisngi ni Amethyst na puno pa ata ng pagkain ang bibig.
Sila Ackley na nakatitig na sa'kin habang nakapa-halumbaba at malapit sa camera. Si Acel na baliktad ang pagsuot ng salamin, habang sa camera ni Amitel ay ang nguso ng aso niya and kay Gabriel ay naka-make up na naka-simangot.
I laughed at their faces, they really make me smile even when I'm in my darkest phase. Kahit na mas sobra pa ata ang problema nila sa'kin ay pinapasaya pa rin nila ako.
"Gab! Say material girl, HAHAHAHHA!" tawa ni Hope.
Natawa na lang ako nang umirap si Gab at pinunasan ng wipes ang mukha.
"Para kang t*nga Acel," umiiling na sabi ni Luisa.
"Ikaw nga nangungulangot pa!" nakangising pang-aasar ni Acel.
Luisa rolled her eyes. "Lahat naman ata nangungulangot."
"Gwapo ng nasa camera ni Amitel, HAHAHAHA!" Amethyst said and laughed like crazy.
Tumingin ako kay Amitel at natawa na lang din. Paano ba naman, picture ng asong may kilay na make-up ang nandoon.
"Kamukha ni mo Zeke! HAHAHAHA!" tukoy ni Acel kay Amitel.
Nawala na lang bigla ang litrato ng aso at bumungad ang nakakunot na noo ni Amitel at nakataas na middle finger.
"Ul*l!"
"Alie, are you feeling okay now?"
Napatingin ako sa camera ni Ackley. Natahimik ang iba at hinintay ang isasagot ko. I smiled at dahan-dahang tumango.
"S-Syempre naman!" Ngumiti ako at umayos ng upo.
I'm not feeling okay.
Natahimik sila at pinakatitigan ako, ngumiti pa ako nang mas malaki at binago ang usapan namin. Ang hirap talagang magpanggap na masaya ka sa mata ng ibang tao, dapat magaling kang magpanggap.
"Remember! We have a practice bukas ah? 8:00, don't be late!" pinanliitan pa kami ng mata ni Luisa na ikinatawa na lang naming tatlo nila Hope at Amethyst.
"Sasama ako."
Lahat kami ay napatingin sa kay Ackley nang sabihin niya iyon. Nakatitig siya sa'kin nang seryoso na parang binabasa ang nasa isip ko. Umiwas agad ako ng tingin at tumingin ki'la Gab na tumango.
"Sasama din kami," sabi ni Gab na sinangayuan naman nila.
"Sure! Basta–"
Naputol ang sasabihin ni Amethyst nang may biglang padabog na nagbukas ng pinto ng kwarto ko. Dahil sa kaba na baka ang lalaki ni Mama iyon ay agad kong nabitawan ang phone at tumayo.
Nakita ko si Mama na masama ang tingin sa'kin at nagpameywang.
"Hindi naman siguro panlalandi ang ginagawa mo 'no?" pang-iinsulto sa'kin ni Mama.
Napayuko ako at agad na umiling. Lumapit siya sa'kin at napahiyaw ako sa sakit nang pingutin niya ako at nagalaw ang pasa sa likod ng tainga ko.
"T-Tama na po–"
"Subukan mo lang maglandi Nathalie at baka palayasin kita ng wala sa oras!"
I bit my lips to hold my sobs and tears. Tumango ako sa kanya at akala ko ay lalabas na siya pero nagsalita pa rin siya.
"Dadating bukas ang kamag-anak ng Tito mo, wag mo akong ipapahiya bukas Nathalie! Sinasabi ko sa'yo," nanggigigil na banta ni Mama at padabog na sinara ang pinto.
Pagkalabas ni Mama sa kwarto ko, doon na bumuhos ang luha ko at ang mga hikbi kong paulit-ulit ko nang naririnig.
"Nathalie?"
Napahinto ako at agad na kinuha ang phone ko. Nagulat na lang ako nang makitang naka-video call pa rin pala at naka-on pa ang mic. Nakita ko ang mga mukha nilang may bakas ng pag-aalala.
"I'm going–" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Ackley at agad na pinatay ang call.
Napatakip na lang ako sa aking mukha at umiyak. Ang sakit na ng mga sinasabi at ginagawa sa'kin ni Mama, hindi ko na siya matiis. Ayoko na dito..
Huminga ako nang malalim nang magsimula na namang lumalim ang paghinga ko at uminom ng tubig na nasa gilid ng higaan ko. Nanginginig kong kinuha ang phone at nag-text kay Papa.
Me: Papa, dyan na lang ako sa'yo.
Ilang minuto pa akong tumitig sa phone nang mag-reply si Papa.
Papa ko: Anak, dyan ka muna ah? Hindi ka maaasikaso ni Papa dahil busy ako ngayong buwan, mag-iingat ka dyan ah? Wag pabayaan ang sarili. Sorry anak.
Napaiyak na lang ako at mas lalong nanginginig nang may magbukas ng pinto at pumasok ang lalaking nambababoy sa'kin. Napaatras ako nang sumampa siya sa higaan pero agad ding napatigil nang hawakan niya ang braso ko nang madiin at sinimulan akong halikan sa leeg.
"W-Wag! P-Pakiusap…"
W-Wag…
BINABASA MO ANG
Loving The Moon (COMPLETED)
RomanceIf you're already tired on loving me, I won't get tired on loving you." - Ackley Zaire Hampton. "Kapag sumang-ayon ba ulit ang panahon, sasang-ayon ka pa ba?" - Nathalie Dionne Crawford / Bezella Jemisha Reina Cobra. Started: 03/02/22