Chapter 47

97 9 7
                                    

Nathalie's POV

"Class dismissed."

Agad kong inayos ang mga gamit ko, gusto ko na umuwi kanina pa. Stress na stress ako kanina pa sa dalawang mokong na iyon. Napatingin ako sa tatlo na sila Luisa. Nakatingin sila sa'kin at mukhang hinihintay ako.

"Hintayin niyo na lang ako sa labas ng gate," I said and smiled.

"You sure?" tanong ni Amethyst at tinulungan ako sa pagligpit ng gamit.

Tumango ako kaya agad naman silang huminga nang malalim at nagpaalam nang lalabas. Nang maayos ko na ang gamit ko ay akmang lalabas na ako nang biglang may humawak sa pulsuha ko.

"Miss Nathalie."

Nagulat ako nang si Sir Richard pala ito. Agad kong hinila ang kamay ko sa kanya at wala sa sariling napangiti. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa'kin.

"Bakit po–"

"Layuan mo si Ackley."

Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi ni Sir. May kinalaman ba si Sir sa mga lalaki? Kilala ba siya ni Papa? Magka-ano sila?

"Bakit po? Sino ka ba talaga Sir?" seryoso kong tanong.

Ngumiti si Sir. "I'm going to introduce myself kapag sumama ka sa mga lalaking may marka ng tigre." Napakunot ang noo ko dahil doon.

May alam siya.

"Bakit ako lalayo kay Ackley–"

"Alie."

Napatingin ako sa pinto ng classroom. Napalunok ako nang makitang si Ackley ito at masama ang aura na nakatingin kay Sir. Agad akong hinila ni Ackley palapit sa kanya habang masama pa rin ang tingin kay Sir.

"Good afternoon Ackley, mag-iingat kayo," nakangiti pang sabi ni Sir na parang hindi siya tinitigan nang masama ni Ackley.

"Alguien trató de detener mi plan y simplemente murió. ¿Quieres seguirlos?"

Hindi ko naiintindihan ang sinabi ni Ackley pero bigla akong kinabahan at natakot. Anong ibig niyang sabihin? Ang naintindihan ko lang ay ang "plan". At alam kong spanish ang gamit nilang lengguwahe dahil medyo familiar ako dito.

"Los seguiré una vez que estés muerto," nakangising sabi ni Sir.

Mukha na akong tanga dito sa gitna nila. Hindi ko talaga sila maintindihan, pero ang kailangan ko lang gawin ngayon ay ang kausapin si Ackley tungkol sa nalaman ko. Kailangan ko bang sabihin sa kanya?

"Nagpapanggap siyang anghel sa harapan mo para makuha ka niya."

Naalala ko ang sinabi ni Papa sa video. Si Ackley ang tinutukoy niya pero bakit kailangan niyang magpanggap? May tinatago ba si Ackley? Isa ba siyang…

Criminal?

Agad akong umiling dahil sa aking naisip. Hindi, hindi magiging kriminal si Ackley. Mabait siyang tao at hindi niya kayang gumawa ng mga ibang krimen. Kilala ko siya.

Kilala ko nga ba?

"T-Tara na Ackley," pag-aawat ko kay Ackley na masama pa rin ang tingin kay Sir.

Umigting ang panga niya at hinapit ako sa baywang. Hinila niya ako paalis doon habang malalim ang iniisip. Tumingin ako sa paligid, wala ng mga estudyante. Kami na lang at mukhang ito na ang pagkakataon para tanungin ko siya.

Agad ko siyang hinila papunta sa garden at hinarap siya. Hindi na galit ang hitsura niya at nagtataka nang nakatingin sa'kin.

"Why–" I cut him.

"I'll go straight to the point, sino ka?"

Nagtataka niya akong tinignan. "I'm Ackley baby, you're soon to be husband–"

"Bakit ka nagpapanggap?" seryoso kong tanong.

Nilapitan niya ako at sinubukang hawakan ang kamay ko pero agad ko itong pinalo palayo.

"Hindi ako nagpapanggap? Baby look, what's our problem?" naguguluhan niya pang tanong.

Hindi ko pinansin ang tanong niya. "Bakit ka nabanggit ni Papa sa video? Bakit nandoon ang pangalan mo sa letter? Bakit nila ako pinapalayo sa'yo? Bakit lagi kang wala?" sunod-sunod kong tanong na ikina-seryoso niya.

"I don't want to tell you–" I cut him off.

"Akala ko ba sasabihin mo sa'kin lahat?!" sigaw ko at frustrated na napasabunot.

Napayuko siya at hindi nakapagsalita. "Bakit ayaw mong magsalita? Sumagot ka!"

"Ackley–"

"Because I'm afraid that you will leave me!"

Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Nagulat ako nang may luhang pumatak sa mga mata niya. Hindi ko alam ang gagawin ko nang makita ko ang luha niya.

"H-Huwag kang matakot Ayi, hindi kita i-iiwan okay? Sabihin mo sa'kin, please," pagmamakaawa ko nang matauhan ako.

Umiiyak siyang umiling at huminga nang malalim.

"Promise me, you won't leave me," pagmamakaawa niya na ikinatahimik ko.

Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko at tumango.

"P-Pangako."

Huminga siya nang malalim at hinalikan ang noo ko.

"I'm obsessed with you."

Nagulat ako sa sinabi niya. Obsessed siya sa'kin? Kailan pa? Paano nangyari? Kaya ba lagi siyang lumalayo sa'kin kapag nagseselos na baka masaktan niya ako?

"Dati na kitang kilala, I first saw you when you're grade 7. Simula noong araw na una kitang nakita, I started following you, I started to search information about you. I'm your crazy stalker, ako 'yung laging nakatitig sa'yo kaya you always feel that someone is looking at you. Lahat ng paborito mo, ayaw mo, saan ka allergic ay alam ko. Lahat ng mga lalaking nag-tangkang manligaw sa'yo–"

Hindi niya natuloy ang sasabihin niya at nagulat ako nang lumuhod siya sa harapan ko. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Anong ginawa niya? Binugbog ba niya?

"A-Anong ginawa mo sa kanila?" nanginginig kong tanong habang nagsisitulo na ang mga luha sa mata ko.

Hindi siya tumingin sa'kin at umiyak habang naka-luhod sa'kin.

"I-I killed them."

Nanlumo ako sa sinabi niya. Nagbibiro ba siya? Siguro nagbibiro siya para patawanin ako, pero hindi ako natatawa. Bakit niya sila pinatay? Bakit niya kailangang gawin 'yon?

"B-Bakit–"

"I-I'm sorry, I was a-afraid that they might get y-you away from m-me," iyak niya sa harapan ko.

Tulala pa rin ako sa kanya dahil sa nalaman.

"I-I won't do it a-again, please d-don't leave me. Y-You're mine okay? Y-You're mine."

Pinatayo ko siya at nanginginig na hinawakan ang kamay niya. Tinignan ko ang kamay niya, nadumihan na ito ng mga dugo ng tao. Nakapatay na siya.

"M-Magpa-gamot ka'na Ackley, p-please," pagmamakaawa ko na ikina-seryoso niya.

Tumigil siya sa pag-iiyak at hinaplos ang mukha ko.

"Promise me that you're mine."

Napalunok ako at napa-iwas ng tingin. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at pinaharap ako sa kanya. Gagawin ko ito para magpa-gamot na siya, mahal ko siya kahit nasa ganito siyang kalagayan.

"I-I'm yours "

Pero seryoso pa rin ang mukha niya. Ang mga mata niya ay para bang binabasa ako dahil sa kaseryosoha nito.

"I'm a killer, do you still love me?"

Tumingin ako sa mga mata niya at ngumiti.

"M-Mahal kita, mahal kita kahit ikaw pa ang maging pinaka-masama sa buong mundo."

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon