Chapter 9

159 14 5
                                    

Nathalie's POV

"Isuot mo na."

Pumadyak-padyak ako at ngumuso. Nandito na kami sa beach at tinulak ako ng tatlong ito sa kwarto kung saan kami mag-i-stay. Gusto pa nilang suotin ko ang swimsuit.

Ayoko nga!

Kaya pala sila na ang nag-handa ng gamit ko dahil dinala nila ang swimsuit ko na trip kong binili dati.

Lumapit silang tatlo sa'kin kaya umatras ako.

"Wear this or sasabihin namin na you have a crush on Ackley?" sabi pa ni Luisa na ikinalaki ng mata ko.

P-Paano nila nalaman?

Hope chuckled. "And sige ka, maraming mga girls na naka-bikini, baka makakita ng iba si Ackley."

Umiling ako. "Wala namang kami ah, and crush lang naman."

Lumapit sa'kin si Amethyst at binigay sa'kin ang bikini. Kanina pa nga sila nakasuot ng bikini eh and ang sexy nila, sana all na lang.

"Wala namang mawawala kapag nag-suot ka ng bikini, right?" Amethyst asked na ikinatango ng ni Hope maliban kay Luisa na nakangisi.

"Sana nga wala," rinig kong bulong ni Luisa.

Napabuntong hininga ako at sumuko na. Kinuha ko ang bikini kay Amethyst na ikinapalakpak nila. Tinulak nila ako sa bathroom at agad na sinara ang pinto.

Huminga ako nang malalim at hinubad ang mga damit ko bago isinuot ang bikini. Medyo nalito pa ako dahil may tela na see through na kulay black ang kasama.

Nang matapos ay tumingin ako sa salamin at napangiwi. Kasyang-kasya sa'kin ang bikini na kulay itim. Hindi kalakihan ang boobs ko dahil nga 16 years old pa lang ako, pero may kalakihan naman na ito.

Mabuti na lang talaga lagi akong naghihilod.

Lumabas ako ng CR na ikinatingin nila sa'kin. Napangiti sila at lumapit naman sa'kin si Luisa at kinuha ang see through na tela na hawak ko.

"Hindi ka magsusuot ng tela o kahit ano, bikini lang," sabi pa ni Luisa at sinuot sa aking leeg ang tela at ginawang necktie.

Napailing ako at huminga nang malalim.

"Opo," nguso kong sabi.

Hinila na nila ako palabas ng kwarto at naglakad papuntang dagat. Maraming mga tao ang napapatingin sa'min lalo na ang mga lalaki na ikinatago ko sa kanilang likod.

Natawa ang tatlo at hinila ako paharap.

"Don't be shy, let them see your sexiness," Hope said at tinulak ako para maunang maglakad.

Napailing na lang ako at naglakad na. Nang matapakan na namin ang buhangin ay agad kaming lumapit sa apat na nakatingin sa'min. Ningitian ako ni Acel na ningitian ko rin naman. Si Gabriel at Amitel naman ay ningunguso si Ackley. Napatingin ako kay Ackley at agad na napalunok dahil sa tingin niya.

Agad akong nagtago sa likod nila Luisa nang lumapit ang apat sa'min. Pero napanguso ako nang lumapit si Luisa kay Acel, habang si Hope ay kay Gabriel, at si Amethyst ay nahila ni Amitel.

Susunod na sana ako kay Amethyst nang may humila sa'kin. Nabunggo ako sa matigas na dibdib kaya napa-hawak ako sa noo ko. Nanlaki ang mata ko nang makita si Ackley sa harapan ko na walang damit, shorts lang.

Napatingin ako sa katawan niya.

Ang sarap sigurong kumain ngayon ng pandesal, ano?

Napakurap-kurap ako nang hawakan niya ang baba ko at tinaas ito para mapatingin ako sa kanya. Napalunok ako dahil nakataas ang kilay niya. Tumingin ako sa ibang direksyon, at hindi ko maiwasan ang mapanguso dahil may ginagawa na sila Amethyst at iba pa. Tapos by partner pa!

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon