Nathalie's POV
"Balik na naman sa school."
Natawa na lang ako sa hitsura ni Amethyst, nakanguso siya habang nakatinysa blackboard. Wala pa ang adviser namin at maiingay pa ang mga kaklase at may sari-sariling grupo at kuwentuhan.
"Masaya din naman dito," natatawang sabi ni Hope.
Mas lalo lang napanguso si Amethyst. Napailing na lang ako at nagpahalumbaba at napatulala. Naalala ko na naman ang nangyari noong isang araw.
Nag-kiss kami!
Tapos hihi, hindi ko makilala sarili ko 'non! Diretsong english ba naman ang confession? Pero, shuta! Nakakakilig!
"Saan ka noong tulog na kami?"
Napatingin ako kay Luisa na naniningkit ang matang nakatingin sa'kin. Tumingin ako ki'na Amethyst at Hope na nililiitan din ako ng mata na ikinatawa ko naman. Napakamot ako sa batok ko dahil sa hiya.
"K-Kasama ko si–"
"Guys! Truth and dare!"
Naputol ang sasabihin ko nang sumigaw ang kaklase naming–hindi sa nang-aano ako ah? Kaklase naming bakla, but he's/she's kind. Sumang-ayon naman ang mga kaklase namin lalo na sila Luisa, Hope at Amethyst. Habang ako ay nakapa-halumbaba na nakatingin sa kanila.
Lumapit sa'kin si James, 'yong sumigaw ng truth or dare. Pinamey-wangan niya ako at tinaasan ng kilay.
"Sumali ka'na Nathalie! Tuktukan kita diyan eh," sermon pa nito sa'kin na ikina-iling ko na lang at napa-tawa.
Ganyan siya kabait.
Tumayo ako at tumulong sa kanila na igilid ang mga upuan at umupo sa sahig, katabi ni Hope. Nakapabilog kaming lahat at hinihintay si James na kumuha ng bote na may lamang kalahating tubig.
Nilagay niya ito sa gitna at napapalakpak. Umupo na rin siya sa kaliwa ko.
"Kung sino man ang matutukan ng takip ng bottle ay siyang sasagot ng truth at gagawa ng dare, tapos kung sino man ang matapatan ng puwet ng bottle ay siyang mag-uutos at tanong, pero remember! Truth and dare ito hindi truth or dare! game!" pagpapaliwanag pa niya at pina-ikot ang bote.
Napakagat ako sa ibabang labi at napadasal na sana hindi ako ang matapatan ng bote. Pero dahan-dahang nanlaki ang mata ko nang huminto ang takip ng bote sa'kin at ang puwet ng bote ay kay Luisa na kaharap ko lang.
Shuta.
Nakangisi pa siya at parang matatawa sa reaksyon ko.
"So, sa truth…" pambibitin pa niya na mas lalo kong ikinakaba.
Nag-aabang ang mga kaklase namin sa sasabihin niya habang ako ay kabado na dahil, kilala ko na rin kung paano makipag-laro si Luisa.
Ngumiti siya nang matamis. "May first kiss ka'na?"
Hala gagi.
Nanlaki ang mata ko dahil sa tanong niya. Napatingin ako sa mga kaklase ko na nakatingin na sa'kin at hinihintay ang sasabihin ko.
Sasabihin ko ang totoo, hindi naman nila malalaman kung sino.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at dahan-dahang tumango.
"O-Oo–"
"Waaaaaaah! Shuta ka!"
Napatakip ako sa tainga ko nang tumili si James na nasa tabi ko pa at niyugyog pa ako.
"Sino?!" tanong nilang lahat na ikinangiwi ko.
"Isang tanong lang ah!" angal ko pa at napalunok.
"Hayaan niyo na," mapang-asar na sabi ni Amethyst na nakangisi sa'kin.
BINABASA MO ANG
Loving The Moon (COMPLETED)
RomanceIf you're already tired on loving me, I won't get tired on loving you." - Ackley Zaire Hampton. "Kapag sumang-ayon ba ulit ang panahon, sasang-ayon ka pa ba?" - Nathalie Dionne Crawford / Bezella Jemisha Reina Cobra. Started: 03/02/22