Chapter 42

101 7 5
                                    

Nathalie's POV

"I'm so sorry for your loss, Lily."

I gulped and wiped my tears. Hinawakan ni Tita ang kamay ko, nandito ang Mama ni Hampton at ngayon na ang araw na ililibing si Papa.

Hindi ako sumagot, niyakap niya lang ako at hinaplos ang likod ko. I cried hard on her chest. Ngayon na ang araw na tuluyan ko nang hindi makikita si Papa. Kung pwede lang na huwag na siyang ilibing at ihiga na lang sa bahay ay ginawa ko na.

"Your Dad is now gone and I hope hindi ka tuluyang maging malandi tulad ng Nanay mo."

I bit my lower lip. Humigpit ang yakap sa'kin ni Tita. Umuwi dito kahapon si Tita Lita and now, she's here judging me without knowing my story.

"Excuse me, if you're going to judge her, make sure you know her story hmm? I'm sorry Madam but you're disrespecting her, nawalan na siya tapos wala na kayong ginawa kung di ang siraan siya, are you really her Family?" rinig kong galit na sabi ni Tita.

"W-Who are you to say things like that to me?"

"I'm Bella Jane Hampton, and I can make your company down Mrs. Enrique."

Pinakinggan ko lang sila sa sagutan nila nang hilahin na ako ni Tita palapit sa anak niya at asawa. Katabi nila si Luisa at 'yung anim na naka-itim din. Hindi na ako umangal nang itabi ako ni Tita sa anak niya na nakatitig sa'kin.

"Dito ka'na muna sa'min Lily," Tita said and held my hand.

I looked at her and stood up. Umalis ako doon at panay ang tawag nila sa'kin pero hindi ako lumingon. Lumapit ako sa kabaong ni Papa at binuksan ito na ikinagulat ng mga tao.

Gusto kong mayakap Papa ko, kahit sa huling pagkakataon man lang.

"Thalie anak…"

Bumuhos ang luha ko nang mayakap ko na si Papa. Pilit akong inaalis nila Tita Christy at Hampton palayo kay Papa pero hindi ako bumitaw.

"P-Papa ko, PAPA!"

Niyakap ako ni Hampton at nilayo kay Papa. Gusto ko pa siyang mayakap, Papa gusto kitang mayakap. Hindi na kita makikita, hindi na kita mayayakap.

"Papa, namatay si P-Pochi."

Lumapit sa'kin si Papa at niyakap ako. He caressed my hair and gently kissed my forehead. My puppy is gone, wala na ang Pochi ko.

"B-Bakit siya namatay?" I asked and cried on his chest.

"Everything happens for a reason anak, may mawawala at may darating. Don't cry anak, someday… babalik si Pochi sa'yo."

"Kapag namatay si Papa, babalik ako as a dog na not a human."

I looked at him and pouted. "Hindi ka mamamatay Papa, stop saying words like that."

He chuckled and caressed my hair.

"Basta, kapag may lumapit na isang puppy sa'yo na kulay white with brown, ako 'yon tapos ipangalan mong Ace ah?"

Naalala ko 'yung sinabi ni Papa noong bata ako. May mawawala at may darating, at sana ikaw ulit ang dumating. Kapag sakaling babalik ka Papa, ako piliin mo ah? Hihintayin kita na bumalik, hihintayin ko ang paglapit sa'kin ng isang tuta.

Ako lang ang maingay dito sa libing ni Papa. Iyak ako nang iyak habang pilit na hinihukay ang lupa kung saan nakalibing si Papa.

"A-Alie, please stop."

May yumakap sa'kin at pilit akong inaalis doon. Kaagad ko siyang hinarap at malakas na sinampal sa pisngi.

"Hindi kita kailangan! Hindi ko kailangan ng manlolokong tulad mo!" sigaw ko sa kanya.

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon