Nathalie's POV
Bumaba na kami at pumasok sa loob. Sakto lang ang mga tao at maganda ang loob. Umupo kami sa may walo na upuan at katulad nang nabunot nag-order kami ng Juice lang. Nagtaka ako dahil may apat na upuan naman sa iba pero dito pa talaga kami sa may walo na upuan. Hindi kami napaghahalataan na grade 10 dahil sa matured ng mukha.
"Ang daming gwapo!" mahinang tili ni Hope.
Gulat pa rin talaga ako sa kanya. Ang akala ko talaga mahinhin siya at inosente! Pero naghahanap pala ng gwapo. Napatingin ako kay Amethyst, may kausap ito sa cellphone niya pero binaba din niya ito at ngumiti.
"Papunta na din sila!" masaya niyang sabi ki'na Luisa at Hope na ikinangiti nila.
Nagtaka ako. "Sinong sila-"
"Sorry we're late."
Napatingin ako sa likod at nakitang may grupo ng lalaki and puro gwapo. Apat sila at naka-suot din ng uniform na ganon sa university. Napatingin ako sa lalaking nasa gitna nila at nagulat ako nang magkatitigan kami. Walang emosyon ang mata niya, so masungit.
Umiwas ako ng tingin. Pinaupo nila sila at kung minamalas ka nga naman, nakatabi ko pa ang lalaking nakatitigan ko kanina. Ramdam ko na nakatingin sa'kin ang mga lalaking bagong dating at ang anxiety ko, baka umatake naku.
"Hi! Kaibigan ka nila Luisa, right?"
Napatingin ako sa kaliwa ko nang magsalita ang lalaki. Gwapo din siya at mukhang gentleman. Nakangiti siya at hinihintay ang sasabihin ko. Ngumiti ako nang maliit at tumango.
"Y-Yes," utal-utal kong sabi.
Lumaki ang ngiti niya at napatango. Napatingin ako sa lalaking katabi ni Hope dahil kinalabit niya ako, at muntikan na akong matawa dahil kailangan pa niyang ilapit ang sarili sa lamesa para lang makalabit ako.
He smiled. "What's your name?"
Nahihiya akong napakamot sa batok. "I-I'm Nathalie Dionne Crawford."
Ngumiti siya at umayo na ng upo. Ramdam ko ang titig sa'kin ng lalaking nakatitigan ko kanina, hindi ko ito pinapansin at hinayaan.
"I'm Acel Mace Winston, nice to meet you," pagpapakilala ng nasa kaliwa ko.
I smiled at him and nodded.
"I'm Gabriel Fernandez, Hope's soon to be husband, nice to meet you," sabi pa ng nangalabit sa'kin kanina.
Natawa ako sa reaksyon ni Hope. Napatingin naman ako sa katabi ni Amethyst nang umubo ito.
He smiled. "I'm Amitel Zeke Jasquez, I'm Amethyst crush," pagyayabang pa niya.
Kinurot naman siya ni Amethyst na ikina-aray niya. I giggled and nodded my head. Tumingin sila sa katabi ko kaya tumingin din ako kahit naiilang ako. He's still looking at me kaya tiniis ko ang makipag-titigan sa kanya.
"Bro, makipagkilala ka'na," rinig ko pang sabi ni Acel.
He just looked at me and hindi man lang siya ngumiti.
"Ackley Zaire Hampton," pagpapakilala niya at hindi ako tinigilan sa pagtitig.
I just smiled at him at umiwas ng tingin. Tumingin ako kay Amitel nang nag 'ehem' siya.
"Sorry sa kaibigan namin, masungit lang iyan sa una pero kapag nakilala mo na, mabait talaga," he said and smiled.
Tumango ako at iinumin na sana ang Juice nang may maramdaman akong hininga sa tainga ko.
"You're not comfortable with this kind of place."
Napalunok ako at napatingin sa kanan ko. Muntikan pang magdikit ang labi namin, he's looking at me seriously kaya wala akong nagawa kung di ang tumango. Lumayo siya at tumayo. Napatingin sa kanya ang anim.
"Sa Starbucks na lang tayo, Nathalie is not comfortable in this place," he seriously said and looked at me.
Napa-iwas ako ng tingin. Yes, he's right. Hindi ako komportable sa ganitong lugar dahil pakiramdam ko nakatingin lahat sa'kin ang mga tao. But sa Starbucks? Marami ding tao doon ah?
Napangiti sila nang nakaloloko at tumayo na din kaya napatayo na din ako.
"Ehem, first move ba tawag diyan?" asar pa ni Gabriel.
Ackley just rolled his eyes and shook his head.
"I'm just being friendly, hindi komportable ang kaibigan natin."
Ouch. Kaibigan, friendly. Ouch sakit talaga.
Umiling ako dahil sa mga pinag-iisip ko. Lumabas na kami pero binayaran na muna ng mga boys ang mga ininom namin bago lumabas. Pag-labas namin ay may magagarang sasakyan na nakapark. Lumapit sa'kin si Luisa at binunggo-bunggo pa ang braso ko habang ang tingin ay nang-aasar.
"Uyy, crush mo si Ackley?" asar pa niya.
Napailing naman ako pero hindi niya ako tinigilan hanggang sa lumapit sa'min si Ackley.
"Sa'kin sasakay si Nathalie-" Luisa cut him.
"Anong sasakay?! Inosente pa si Nathalie! Huwag kang manyak Zaire!" sigaw ni Luisa at nagpameywang pa.
Ackley and I shook our heads. Lumapit sa'min ang iba. Binatukan ni Hope si Luisa na ikina-aray nito.
"What Zaire mean is, sa sasakyan niya sasakay si Nathalie! Buang!" sigaw pa ni Acel kay Luisa na ikinatawa ko.
Ackley just shook his head at nagulat ako nang hilahin niya na ako sa kamay.
"Let's go," sabi pa niya.
Sh*t! Ano ba! Kinikilig ako!
Kinurot ko ang sarili ko dahil sa nagiging malandi na naman ako. Pero napatigil kami nang humarang si Amethyst sa'min.
"Hep-hep!"
"Hooray!"
Napatawa kami dahil kay Amitel. Inirapan siya ni Amethyst at pinamey-wangan kami.
"Baka kung saan-saan mo dalhin si Nathalie, huh?!" naniningkit ang matang sabi ni Amethyst.
Napangiti ako. I somehow forget my problems. Ang caring nila kahit minsan may pagka-baliw din.
Ackley raised his eyebrows. "Nathalie is safe with me, she's our new friend so kailangan ko siyang interviewhin."
Ouch, pighati talaga. Friend lang?
Napuno ng 'ayieee' kaya napailing na lang ako. Napapatingin na din sa'min ang mga tao dahil sa kainganyan namin. Pinagbuksan ako ni Ackley kaya sumakay na ako, pero bago pa ako makasakay ay nagpagpag muna ako ng sapatos baka madumihan kotse nila.
I heard Ackley's manly chuckle. "You don't need to do that."
Napatingin ako sa kanya at nahihiyang napatawa. Nakasakay na kami sa kani-kanilang kotse at umandar na. Nang biglang mag-ring ang cellphone ni Ackley at sinagot niya ito. Video call iyon at lumabas ang mukha nila Amethyst, Amitel, Gabriel, Hope, Acel and Luisa.
"Sa Starbucks ninyo Zaire?" tanong ni Acel.
"Yeah."
Napatingin ako sa kanya nang mag-left siya sa video call.
"B-Bakit ka nag-left?" I asked, looking at him.
Tumingin siya sa'kin at binalik ang tingin sa daan.
"I want us to have a privacy because I'm going to ask you a questions."
BINABASA MO ANG
Loving The Moon (COMPLETED)
RomanceIf you're already tired on loving me, I won't get tired on loving you." - Ackley Zaire Hampton. "Kapag sumang-ayon ba ulit ang panahon, sasang-ayon ka pa ba?" - Nathalie Dionne Crawford / Bezella Jemisha Reina Cobra. Started: 03/02/22