Nathalie's POV
Kung ang bilog na buwan ay maputi, bakit ka niya hindi pinaglabang muli?
Charot.
Nakanguso akong nakapa-halumbaba sa lamesa habang nakatingin sa dagat at nakaupo sa upuan. Ramdam ko pa rin ang titig ni Ackley at alam kong gusto niya akong lapitan, at nagpapasalamat ako ki'na Luisa dahil pinipigilan nila ito.
Gabi na at nagluluto sila ng barbeque at iba pa, hindi nila ako pinahawak ng kung ano at ayaw ata nila ako mapagod–
"Nathalie! Can you get that Toyo?"
"Nathalie! Paabot naman ng tong diyan oh!"
Joke lang pala, gusto pala nila ako pagurin sa pag-utos.
Kinuha ko ang Toyo na isang pack at tong. Kahit labag sa kalooban ay lumapit ako sa kanila, katabi lang nila si Ackley na nakapa-halumbaba at nakatitig sa'kin. Hindi ko siya pinansin at lumapit kay Luisa at Gabriel.
"Yan lang ba?" tanong ko nang maiabot ko na.
Ngumiti sila at umiling pero lumapit sa'kin si Hope, Amethyst, Acel at Amitel.
"Paabot ng malaking plato, hehe," Hope.
"Can you get the chicken Nathalie? Thank you," Acel.
"Pwede paabot ng Juice? Salamat ng marami, thalie hehe," Amethyst.
"Nathalie ganda! Paabot ng soju na nakalagay sa ice box, salamat sa lahat," Amitel.
Kaya ko pa naman.
Napangiwi ako dahil sa dami ng inutos nila. Tumalikod na ako at bumalik sa lamesa para kunin ang mga pinapakuha nila. Kinuha ko ang malaking plato sa gilid, pagkatapos ay kinuha ko ang chicken na nakabalot pa.
Akmang kukunin ko na ang Juice at soju nang may kumuha nito galing sa aking likuran kaya nayayakap na ako nito.
"I'll help you."
Lumingon ako at napasimangot nang makitang si Ackley ito. Napataas ang kilay ko nang hindi pa rin siya lumalayo, kaya lumusot ako sa kamay niya at akmang aalis na nang harangan niya ako.
Sinamaan ko siya ng tingin at dumaan sa gilid niya pero hinarangan pa rin niya ako.
"I'm sorry for making you worried, but I'm not going to say sorry because I kissed you," he softly said and I just raised my eyebrows at him.
Magaling.
"Sorry not accepted," I said and shook my head.
Anong akala niya sa'kin, marupok?
Ngumiti siya sa'kin at lumapit kaya agad kong iniharang ang mga dala kong gamit sa kanya, pero panay pa rin ang lapit niya hanggang sa ilapit niya ang mukha niya sa'kin na ikinalaki ng mata ko.
"Hindi pa naman namin kailangan 'yong gamit! Enjoy muna kayo!" rinig kong sigaw ni Amitel na sinabayan nila ng tawa.
Pati ba naman sila?
Ackley smirked at mas lalo pang nilapit ang mukha niya sa'kin. Aatras pa sana ako nang hawakan niya ang bewang at batok ko. Nakatitig pa din siya sa'kin na para bang kinakabisado ang bawat detalye ng mukha ko.
"Ahm–"
"Luto na!"
Napatingin ako ki'na Luisa nang sumigaw sila. Tumingin ako kay Ackley na nakatitig pa rin sa'kin kaya agad ko siyang tinulak at tumakbo papunta sa kanila. Umupo akp sa tabi ni Hope na nakatingin sa'kin nang mapang-asar.
I rolled my eyes at her which made her laugh.
"Kain na tayo–"
"Excuse me!"
BINABASA MO ANG
Loving The Moon (COMPLETED)
RomanceIf you're already tired on loving me, I won't get tired on loving you." - Ackley Zaire Hampton. "Kapag sumang-ayon ba ulit ang panahon, sasang-ayon ka pa ba?" - Nathalie Dionne Crawford / Bezella Jemisha Reina Cobra. Started: 03/02/22