Chapter 21

129 11 5
                                    

Nathalie's POV

"Sama kami! Pa-libre na rin!"

Natawa ako at umiling dahil sa mukha ni Ackley na naka-simangot habang nakataas ang kilay na nakatingin ki'la Gab at ki'la Hope.

Nandito kami sa mall, balak muna sana naming bumili ng pagkain dahil nag-suggest ako kay Ackley na picnic na lang. Pero nakita namin ang anim at hindi na kami tinigilan.

Siniko ko si Ackley kaya naka-simangot siyang tumingin sa'kin. Tumango ako at ngumiti sa kanya.

I looked at them. "Magpi-picnic kami, wanna come?" I asked.

Agad naman silang ngumiti nang malaki at um-oo at habang ang tatlong tukmol ay inakbayan si Ackley na naka-simangot pa rin.

"Bro, maga-ambag kami," nakangising sabi ni Acel.

Tinaasan siya ng kilay ni Ackley. Nilapitan naman ako nila Amethyst at nakipagkuwentuhan pero ang atensyon ko ay nasa apat na mokong.

"How much?" Ackley asked, raising his eyebrows.

Nagkatinginan ang tatlo at sabay na sumagot.

"Piso!"

Natawa naman kami dahil sa mukha ni Ackley na mas lalong sumama.

"Ang yayaman ninyo pero piso ang ambag?" pang-aasar ni Luisa at tinaasan pa sila ng kilay.

Nagsitaasan ang mga kilay nila at isa-isa nilang nilabas ang kanilang wallet. Nag-aabang kami kung magkano ang ilalabas nila, akala namin ay isang daan o singkuwenta pero ang nilabas ay..

Piso?!

"The f*ck?" nasambit na lang ni Ackley sa tatlong mokong na proud pang inaabot ang piso sa kanya.

"My goddesness!" hindi makapaniwalang sabi ni Luisa.

Si Hope ay napapailing na lang habang si Amethyst ay piningot silang tatlo. Nagsireklamo ang tatlo habang hawak ang tainga nilang piningot ni Hope.

"Ang yayaman niyo tapos–" Hope was cut by Gab.

"Ha?" Gab asked at akmang magsasalita na si Hope nang sumabat ulit si Gab.

"Harurot HAHAHAHAHA!"

Napakurap-kurap ako nang makita si Gab na tumatawa nang malakas. Ngayon ko lang kasi siya nakitang ganito kakulit, tahimik kasi siya palagi pero laging na kay Hope ang paningin.

Tumigil lang sa pag-tawa so Gab nang pingutin na siya ni Hope. Marami na ding tao ang kanina pang tumitingin sa'min at halatang kinikilig pa. Napailing na lang ako habang nakatingin sa kanila.

Ang tahimik ko ba?

"We need to tipid-tipid guys, mindset ba mindset," pagyayabang pa ni Acel.

Tama nga naman pero grabeng tipid 'yan, pero okay lang, ako nga din walang pera at walang mai-ambag kung di ang sarili ko lang hehe.

Nandito na kami sa loob ng grocery store sa mall at namimili ng mga pagkain namin. Kanina pa nga namin nakukuha ang atensyon ng mga tao dahil sa ingay nila, while me? Tahimik at tumitingin sa mga snacks.

Sana all may pera.

Napatingin ako sa tabi ko nang biglang lumapit si Luisa at tinaasan ako ng kilay. Naku, kung hindi ko lang ito kaibigan ay baka natarayan ko na din ito. Mataray na babae si Luisa but trust me, mabait din siya at may malambot na puso.

"Kuha ka'na ng mga want mo, ako bahala," she said and smiled.

Nahihiya akong ngumiti at umiling. Gustong-gusto ko magpalibre pero, noong nakaraang linggo pa lang kami naging magkaibigan kaya kapag ginawa ko iyon ay feeling close naman ako.

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon