Nathalie's POV
"Kuya, gusto ko na umuwi."
Napahinga nang malalim si Kuya at pinaupo ako sa malaking kama. Si Kuya Josh ay nakatitig sa'kin na parang may iniisip.
"Princess, we need you to understand. Dito ka'na titira–" agad ko siyang pinutol.
"Ayokong tumira dito! Gusto kong puntahan si Mama!" agad kong sigaw nang sabihin iyon ni Kuya Haze.
Hindi, hindi ako papayag na dito tumira. Kailangan ko pang makausap si Mama, kailangan kong malaman kung bakit sila sugatan at bakit siya sumama sa lalaki niya.
"Bezella, listen to your brothers," seryosong sabi ni Kuya Josh at diniinan pa ang salitang brothers.
Agad akong tumayo. "Sa ayaw at sa gusto niyo, aalis ako."
Akmang lalapit na ako sa pinto nang agad na mahila ni Kuya Josh ang braso ko at tinitigan ako nang seryoso. Natakot ako sa uri ng tingin niya pero mas lalo akong natakot nang hilahin niya ako palabas.
"Josh! Where are you taking her?!" sigaw ni Kuya Haze at hinabol kami.
"She wants to see her oh so called mother."
Hindi ko makilala si Kuya Josh sa kanya. Nakakatakot siyang magsalita at kung makipagtitigan ka sa kanya ay para ka nang mamamatay. Hindi naman ako nasasaktan sa paghila niya sa'kin kaya hindi ako umaangal.
Nakarating kami sa isang basement at nagulat ako nang pagka-bukas ni Kuya ng malaking pinto ay bumungad si Mama na nakagapos sa upuan.
Napatakip ako sa aking bibig nang makita ang lalaki ni Mama na wala ng buhay na nakahiga sa semento. Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa harap ng bangkay ng at nanlaki ang mata.
"A-Ackley?"
Napaatras ako nang magsalubong ang aming tingin. Puro dugo ang kanyang puting polo, nakasabit ang necktie sa leeg habang may mga talsik ng dugo sa kanyang mukha at may hawak na mahabang espada.
Natakot ako sa kanyang hitsura nang ngumiti siya sa'kin.
"Happy Birthday baby."
Nanginginig ang tuhod ko at napaluhod habang nakatingin kay Mama at sa lalaking wala ng buhay.
"N-Nathalie," umubo ng dugo si Mama at pilit akong inaabot.
Napaluha ako sa aking nakikita. Si Ackley ba ang nay gawa nito sa kanila? Siya ba ang pumatay sa lalaki? Siya ba may gawa nito kay Mama?
May humawak sa aking balikat at dahan-dahan akong tinayo.
"I told you, stay away from Ackley."
Lumalabo ang aking paningin dahil sa luha. Nanginginig ang tuhod at kamay dahil sa takot at kaba. Hindi ko alam ang gagawin.
Tumingin muli ako kay Mama. Nakangiti siya sa'kin habang umuubo ng dugo. Hindi ko siya kayang matitigan nang matagal, pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng malay.
"P-Patawad Bezella," huling salita ni Mama bago siya nawalan ng hininga at nahulog sa upuan.
Wala na si Papa, wala na din si Mama.
Hindi ko na alam ang nangyari at bigla na lang akong nilamon ng dilim.
"What happened to her?!"
Napamulat ako nang may marinig na mga boses. Walang emosyon akong napabaling sa mga taong nasa gilid at paanan ko. Blangko akong napatitig sa kisame habang iniisip ang nasaksihan kanina.
He killed my mother.
"Nathalie, are you okay?"
Tumingin ako sa babaeng nasa gilid ko. Nag-aalala siyang nakatingin sa'kin pero napalitan ng gulat nang titigan ko lang siya nang walang emosyon.
BINABASA MO ANG
Loving The Moon (COMPLETED)
RomanceIf you're already tired on loving me, I won't get tired on loving you." - Ackley Zaire Hampton. "Kapag sumang-ayon ba ulit ang panahon, sasang-ayon ka pa ba?" - Nathalie Dionne Crawford / Bezella Jemisha Reina Cobra. Started: 03/02/22