Nathalie's POV
Masama ang tingin ko sa lalaking kasama ni Mama. Alam kong ito ang pinalit ni Mama kay Papa. Ha! Ang bilis naman? Parang isang linggo lang? At hindi ako comfortable sa pagtitig niya sa'kin, para niya akong ginagahasa sa isip niya.
Wag kang mag-isip ng ganyan!
Lumabas ang lalaki sa bahay kaya kaming tatlo na lang ang naiwan dito sa loob ng bahay. Wala kaming imikan sa isa't-isa kaya sinira ko na ang katahimikan.
"Ano pong kailangan niyo?" tanong ko.
Kahit ang dami na nilang pagkukulang sa'kin, hindi ko pa rin magawang magalit sa kanila at hindi ko magawang hindi sila galangin.
Tumingin sa'kin si Mama at napadako ang tingin niya sa kamao kong may sugat. Ginamot na ito ni Ackley kaya for sure hindi nila ito mahahalata.
T*nga ka sa part na iyon Nathalie.
"Kukunin ka namin ni Jack at sa amin ka'na titira–" Pinutol ko si Mama.
"Ma, paano si Papa?" Hindi ko napigilan ang sarili ko at naitanong iyon.
"Anak,"
Hindi ko pinansin si Papa at tinitigan lang si Mama na nakatingin din sa'kin.
"Ang bilis mo namang magkaroon ng bago." Tumawa ako pero bigla akong sininok.
Iiyak ka na naman.
"Hindi ko siya bago! Dati pang kami–!" Napatigil si Mama at mukhang natauhan sa sinabi niya.
Pumalakpak ako nang malakas at napatingin kay Papa na gulat din sa sinabi ni Mama.
"Kailan pa?" Ginulo ni Papa ang buhok niya dahil sa gulo na nararamdaman.
Naaawa na ako kay Papa, naaawa ako sa sarili ko kasi hindi ko magawang magalit kay Mama.
Hindi sumagot si Mama at nakayuko lang. Ma, sumagot ka naman oh. Niloko mo kami, kami ang naloko hindi ikaw. I want to say that pero walang lumalabas sa bibig ko.
"F*ck! Sumagot ka!" galit na sigaw ni Papa na ikinagulat namin ni Mama.
Ngayon ko lang siya narinig manigaw at magmura. Kilala ko siya bilang mahinahon at hindi nagagalit pero, sabi nga nila "Don't Judge The Book By It's Cover."
"S-Simula noong lagi ka ng gabi u-umuuwi." Mautal-utal at umiiyak na si Mama habang sinasabi iyon.
Nakatingin lang ako sa kanila habang umiiyak at….walang magawa.
Napahilamos si Papa sa mukha niya at huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili.
"Lagi akong gabi umuuwi para sa anak natin! Papasok ako sa office at sumaside-line sa restaurant para makapag-ipon! Gusto ng anak mo maging lawyer pero wala tayong pera kaya magiging writer na lang siya." Pahina nang pahina ang boses ni Papa at hindi ko mapigilan ang luha kong tulo nang tulo.
Papa ko.
K-Kaya pala gabi na siya umuuwi, para makapag-ipon para sa'kin. Papa naman..
Gulat si Mama dahil sa nalaman pero nagulat ako nang bigla niya akong sinugod at pinagsasabunutan.
"P*nyeta kang bata ka! Kasalanan mo lahat!" sigaw ni Mama sa'kin habang sinasabunutan at pinagsasampal ako.
Hindi ko siya pinigilan at umiyak lang nang umiyak. Hinila ni Papa si Mama palayo sa'kin at inawat ito. Wala akong ginawa kung di ang umiyak dahil sa ginawa ni Mama.
Kasalanan ko naman talaga lahat.
"Wala siyang kasalanan! Ikaw ang nagsira ng lahat! Nangangarap lang ang anak mo! H'wag mo siyang idamay dito!" sigaw ni Papa kay Mama.
Napatingin ako kay Mama na dinuduro ako at masama ang tingin.
"Iyan? Maga-abogado? Ha! Eh b*bo nga 'yan sa math?!" Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa sinabi ni Mama.
Sakit mo naman magsalita Ma.
"Tama na!"
Pilit akong Inaabot ni Mama kaya puro kalmot at pasa na ako sa pagsampal at sabunot ni Mama.
"At ano itong nalaman ko?! Basagulera ka'na ba?!"
Agad akong napatingin kay Mama na galit ang titig sa'kin. Pati si Papa ay nagtaka sa sinabi ni Mama.
"Hindi basagulera ang anak mo–"
"Eh ano ito?!" Nilabas ni Mama ang cellphone niya at nag-play ng video.
Nang marinig ko ang sigaw nila Hope at Ackley ay alam ko nang yung video iyon na pinagsusuntok ko ang lalaking nambastos sa'kin.
"Galing manuntok ng anak mo! Mana sa'yong basagulero!" sigaw ni Mama kay Papa.
Gulat na nakatingin si Papa sa video. Pagkakatiwalaan pa kaya ako ni Papa? Kakampihan pa rin ba niya ako sa nakikita niya?
"H-Hindi mo nakita lahat–" Naputol ang sasabihin ko nang sampalin na naman ako ni Mama.
"Sinungaling!"
Agad akong tumayo at pinunasan ang luha ko.
"Lagi akong sinungaling sa paningin mo! Lagi akong mali!" Naisigaw ko dahil hindi ko na mapigilan.
Lumayo sa'kin si Mama habang si Papa ay nilapitan ako at niyakap. Pilit niya akong pinapatahan pero walang hinto ang pag-tulo ng luha ko.
"Sana man lang pakinggan mo anak mo kahit minsan." Nanghihina na naman ako, ang sakit-sakit na.
Natahimik si Mama at yumuko.
"Lagi na lang kayong naniniwala sa sarili niyo! Sa social media! Makinig ka naman sa'kin Ma, hindi 'yong puro sarili mo lang!"
"Kukunin ka namin ni Jack bukas–" pinutol ko si Mama.
"Tinanong niyo ba ako kung gusto kong sumama sa inyo? Hindi diba?!" sigaw ko kay Mama pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Kami ang magulang, dapat lagi kami Ang masusunod!" sigaw ni Mama na ikinasinghap ko.
"Hindi porket kayo ang magulang kayo na lagi ang masusunod! Paano naman akong anak ninyo? May isip na ako, Ma naman eh!" iyak ko pa.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at agad na kinuha ang bag niya bago kami tinalikuran palabas.
"Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka sa amin." Huli niyang sabi at iniwan na kami ni Papa sa bahay.
Niyakap ko na lang si Papa at umiyak nang umiyak sa dibdib niya. Pilit niya akong pinapatahan at hinalikan ako sa ulo.
"P-Papa, ayoko sumama sa kanila," sumbong ko at sininok pa.
"Anak, susunduin ka naman ni Papa kapag wala kang magawa doon. Tahan na," pagpapatahan ni Papa sa'kin.
Humarap ako sa kanya at tinignan siya sa mata. Pagod na pagod na ang mata niya at maitim.
"P-Paano na po kayo?"
Ngumiti siya pero ang ngiti niya ay hindi masaya, lungkot, pagod ang nakikita ko sa ngiti niya.
"I'm okay, basta patuloy ka lang sa pangarap mo anak ah? I'm always here by your side, hindi ka iiwan ni Papa," he softly said and hugged me.
Niyakap ko pabalik si Papa at napaiyak muli.
Sana nga hindi mo ako iiwan Papa.
![](https://img.wattpad.com/cover/303509587-288-k611735.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving The Moon (COMPLETED)
RomanceIf you're already tired on loving me, I won't get tired on loving you." - Ackley Zaire Hampton. "Kapag sumang-ayon ba ulit ang panahon, sasang-ayon ka pa ba?" - Nathalie Dionne Crawford / Bezella Jemisha Reina Cobra. Started: 03/02/22