Chapter 26

146 9 6
                                    

Nathalie's POV

"A-Aray!"

Napangiwi ako nang mahawakan ko ang pasa sa aking pisngi. I hold my tears at nilagyan ng foundation ang mga pasa kong ginawa ng demonyo.

Hinawakan niya ulit ako at natatakot akong baka hindi lang hawak ang gawin niya sa'kin..

"P*tangina, ayoko na!" naiiyak kong sabi at kinuha ang blade sa lamesa.

Naglaslas ako habang pigil ang sariling sumigaw. Gusto kong sumigaw, ilabas lahat ng sakit pero dahil bawal… sa sarili ko na lang ilalabas ang galit at sakit.

"Nathalie!"

Hindi ko pinansin ang sumigaw 'non at itutuloy na sana ang paglaslas nang may humawak sa kamay ko at niyakap ako. Bigla na lang bumalik sa isipan ko ang mga pambababoy na ginawa sa'kin ng lalaki.

Hinampas ko ang yumakap sa'kin at tinulak-tulak.

"L-Lumayo ka sa'kin! W-Wag! W-Wag mo akong g-galawin," pagmamakaawa ko.

Mas lalo lang humigpit ang yakap niya sa'kin at pinakalma ako.

"Little sis, si Kuya 'to. W-What do you mean?"

Mas lalo lang akong napaiyak nang marinig ko ang boses ni Kuya. He hushed me and whispered comforting words.

"W-Why are you cutting y-yourself? Nathalie…"

I smiled at him as tears fell from my eyes.

"I-I want to play fruit ninja b-but I don't have storage s-so I decided to just p-play it on my hand."

Niyakap ulit ako ni Kuya at pinunasan ang aking luha. Napatingin ako sa kamay niya nang ibigay niya sa'kin ang phone niya.

"Y-You can install fruit ninja on my phone naman eh, just please don't cut yourself," he whispered at binuksan ang phone niya at nag-install ng fruit ninja.

Gusto kong matawa dahil sa kanya, pero hindi ko magawa dahil sa pagkabigla. Pinindot niya ang fruit ninja at binigay sa'kin ang phone niya.

He stared at me with his teary eyes. "Little sis, ayoko nang mawalan ulit ng kapatid."

Muling tumulo ang luha ko. Niyakap niya ako ulit at umiyak sa balikat ko.

"Y-You can tell me all your problems, little sis."

Tumango ako sa kanya. Sa kanya ko na muna sasabihin, siya na muna ang pagkakatiwalaan ko ngayon.

Sinabi ko lahat ng ginawa sa'kin ng lalaking iyon, pati na rin ang pagtrato sa'kin ni Mama noong una pa lang at kung paano nasira ang pamilya namin. He listened to my rants at pinatahan ako. Paulit-ulit din niyang sinasabi na wag ko siyang iwan.

I want to know kung bakit namatay ang kapatid niya but, I guess sa susunod na lang.

"Sa kwarto ko na muna ikaw matulog, ako na sa sahig at ikaw na sa kama para hindi ka magalaw ng hayop na ama ko," galit na sabi ni Kuya.

Dahan-dahan akong tumango at ngumiti sa kanya.

"Thank you Kuya," I said and smiled.

He smiled at me. "Please if you're in your darkest phase, don't hurt yourself and don't blame yourself dahil naghiwalay ang Mom and Dad mo. It's not your fault na naging ganoon ang family niyo. Hurting yourself is not the answer to your problem, okay?"

Ngumiti ako at niyakap siya. Masasabi kong mala's ako dahil ganito kamiserable ang buhay ko pero ang swerte ko dahil nandito sa tabi ko sila Kuya, Ackley, Luisa, Amitel, Acel, Hope, Amethyst at Gab para pasayahin at i-comfort ako.

"The visitor is already downstairs, tara na?" he asked and wiped my dry tears.

Tumango ako at tinulungan naman niya akong takpan muna ang mga pasa ko. Nag-suot na rin ako ng long sleeve na maluwag para matakpan ang mga pasa at laslas ko.

Hawak ni Kuya ang kamay kong bumaba kami at naabutan silang nagtatawanan. Naagaw naman namin ang atensyon nila, sinamaan ako ng tingin ni Mama kaya umiwas na lang ako at umupo sa kabilang sofa katabi si Kuya.

"Who's this beautiful lady? Anak mo?" The woman asked and smiled at me.

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Napatingin ako kay Mama na masama ang tingin sa'kin pero agad ding ngumiti nang tumingin sa kanya ang babae.

"Hindi ko siya anak! Kaibigan siya ni Josh," nakangiti pang sabi ni Mama na parang wala ako sa harapan niya.

I felt a pang on my chest, I bit my lips to stop my tears. Napatingin ako kay Kuya nang pisilin niya ang kamay ko, ngumiti ako sa kanya nang makita ang pag-aalala sa kanyang mata.

"O-Okay," sabi ng ginang at tumingin pa sa'kin saglit bago tumingin kay Mama.

My own mother introduced me as her son's friend, not as her daughter.

Ang sakit na sabihin sa harapan mo na hindi ka niya anak. I smiled para hindi mahalata na nasaktan ako at nakinig sa kwentuhan nila.

"May kilala akong batang babae na may depression at anxiety daw!" chismis ni Mama sa ginang.

Nang malaman kong ako ang tinutukoy ni Mama ay napayuko na lang ako pero nakinig pa rin ako sa usapan nila.

"Eh depression-anxiety, arte lang 'yon! Wala namang ganyan noong mga dalaga tayo–" pinutol ng ginang si Mama.

"Depression and anxiety is not a joke Norene, sakit iyon at hindi pag-iinarte," may diin na sabi ng ginang.

Kahit nakayuko ay alam kong kanina pa masama ang tingin sa'kin ni Mama dahil napapahiya na siya.

"Ah basta! Arte lang yo–"

Napaangat ako ng tingin nang hindi ko na marinig sila Mama at ang naririnig ko na lang ay malakas na music. Sinuutan pala ako ni Kuya ng headphone kaya hindi ko sila marinig, ngumiti siya sa'kin at binigay ang phone niya. Kinuha ko ito at napangiti nang makitang fruit ninja ang naka-open kaya nilaro ko ito.

Fruit ninja will now be my favorite game. Lahat naman ata ng teenagers ngayon ay paboritong laruin fruit ninja pero sa kamay nila ginagawa, katulad ko.

Naiinis ako dahil binabalewala lang ng ibang tao ang depression at anxiety. Sasabihing arte lang daw ito at nakikita lang sa social media kaya ginagaya natin. Kung nasa sitwasyon natin sila ngayon, sasabihin pa rin kaya nilang arte lang ang depression at anxiety?

Words are like knives that can cut us. Hindi kasi lahat ng biro ay gagawing biro din ng iba, lalo na ang mga softhearted. Sasabihin ng iba na iyakin sila, yes iyakin sila kasi sobrang lakas ng impact ng mga words ng mga panlalait ng mga tao.

Para sa'kin, ang mga matured ng tao ay yung mga mas bata pa. Tapos ang mga mas matatanda sa'tin ang hindi matured. For me, being matured sa maagang edad ay hindi pagiging "feeling matured". Ang mga matured ay dapat iniisip muna ang mga lalabas sa bibig nilang mga salita bago nila ito ilabas.

Parang ang pagbibiro ng mga masasakit na salita like "Ang pangit mo, mas maganda pa si echetera-echetera" Para sa ibang tao ay nakakatawa 'yan, pero hindi mo alam na sa loob-looban nila ay nasasaktan sila.

Life now really sucks.

____
A/n: Depression and anxiety is not a joke! And para po sa mga nakakaranas ng ganito, wag kayong susuko dahil darating din ang araw na magiging masaya na tayo. I love you! Keep fighting dahil mayroong isang tao ang nagmamahal at nag-aalala sa'yo. I'm so proud of you, love!

Kung may mali man po akong nasabi, you can message me directly here po sa Wattpad para po maayos ko. Thank you!

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon