Chapter 44

90 5 1
                                    

Nathalie's POV

"Anak, bakit hindi kayo nag-uusap ni Maria?"

Hindi ako nakapagsalita at ngumiti na lang kay Tita habang nakatingin sa puntod ni Papa at buhat si Ace.

"N-Nagtampuhan lang po," mahina kong sabi.

Ngumiti siya at inayos ang buhok ko. "Magbati na kayo ah? Hindi na maingay ang bahay dahil ang tahimik niyo na ni Maria."

Ngumiti lang ako kay Tita at tumingin sa puntod ni Papa at hinaplos ito. Tahimik kaming nakatingin sa puntod ni Papa nang biglang nilapit ni Ace ang mukha niya sa'kin at dinilaan ang pisngi kong puno ng tuyong luha.

Napangiti ako at hinaplos-haplos siya. Araw-araw kitang pupuntahan dito Papa, Hinding-hindi ako magsasawang puntahan ka dito.

"Anak, nakawala na ang Mama mo."

Agad akong napatingin kay Tita. Nakatingin siya sa puntod ni Papa at tumingin sa'kin. Nakalaya na si Mama? Gusto ko siyang puntahan! Alam ba niyang wala na si Papa? Bakit hindi siya dumalaw? Hindi siya dumating noong libing ni Papa…

Bakit?

"P-Puntahan po natin siya," pagmamakaawa ko na ikinahinga niya nang malalim.

"Wala na Nathalie, sumama siya sa lalaki niya at pumuntang Pampanga."

Hindi ako nakapagsalita at napasuklay ng buhok. Mas pinili niya pa rin ang lalaking nambaboy sa'kin kaysa sa sarili niyang pamilya?! Humingi na siya ng tawad pero iiwan din naman ako, kami.

"Tangina."

Napaiyak na lang ako sa balikat ni Tita habang si Ace ay panay ang pag-higa sa hita ko at dila sa kamay ko. Mas pinili pa niya ang lalaki niya kaysa sa anak niya?

Anak ba talaga niya ako?

"Magpahinga ka muna hmm? Paglulutuan ko kayo ng paborito niyo ni Maria."

Tumango ako at umakyat. Nang malapit na ako sa kwarto ko ay nakasalubong ko si Ate. Dinaanan niya lang ako pero agad ko siyang hinila.

"Ano ba!" sigaw niya na ikinagulat ko.

"M-May problema ba Ate?"

Masama ang tingin na ibinigay niya sa akin. Wala na akong karapatang magalit dahil mali din naman ako, pero bakit siya galit sa'kin? May nagawa ba ako?

"Ikaw ang problema!" sigaw niya na ikinatigil ko.

Ako?

Nagulat ako nang may luhang tumulo sa mga mata niya at tinuro ako.

"Hindi lang naman ikaw ang kailangan ng comfort eh, kailangan ko din 'yon!" umiiyak niyang sigaw na ikinagulo ko.

"A-Ate–"

"Don't call me Ate dahil hindi kita kapatid!"

Kusang tumulo ang luha ko dahil sa narinig. May ginawa ba akong masama sa kanya? May kasalanan ba ako?

Napatawa siya nang sarkastiko at pinunasan ang luha niya habang nakatingin sa'kin.

"Ikaw ang laging dinadamayan ni Mama, ang dami mong kaibigan na laging nandyan para damayan ka, mahal na mahal ka ng lalaking hindi ako kayang mahalin pabalik."

Hindi ako nakapagsalita sa huli niyang sinabi. Si A-Ackley ba? Mahal ba niya si Ackley?

Ngumiti siya nang may guhit ng sakit. "Lagi akong nandiyan para i-comfort ka kahit sobrang wasak na wasak na ako. Kailangan ko din ng pagmamahal eh, pero inagaw mo lahat ng iyon! INAGAW MO!"

Kusang tumulo ang luha ko nang sumigaw siya. Inagaw ko na sa kanya lahat, hindi ko alam na mahal niya si Ackley. Sana pala sinabi na niya dati pa para layuan ko si Ackley para sa kanya.

"M-Mahal mo si Ackley?" mautal-utal kong tanong.

Tumingin siya sa'kin at napakagat sa labi bago tumango.

"M-Mahal na mahal."

I smiled with pain. Ang hirap palang magmahal ng may nagmamahal din. Hindi ko alam kung sinong pipiliin kong sumaya, pero pinsan ko 'to eh, pero si Ackley…

"P-Papalayain ko siya para sa'yo Ate."

"What?" gulat niyang tanong.

Ngumiti ako. Alam kong masasaktan ko siya sa desisyon ko, masasaktan ko ang mahal ko dahil sa katangahan ko.

"I'm letting him go for you."

Pero nagulat ako nang tinawanan niya lang ako at ningisian. Pinunasan niya ang luha niya at masama akong tinignan.

"Hindi mo siya kailangang palayain, dahil aagawin ko siya sa'yo tulad ng ginawa mo sa'kin," nakangisi niyang sabi.

Para akong nakahinga nang maluwag sa sagot niya. Hinding-hindi ko naman talaga papakawalan si Ackley, sinusubukan ko lang ang pinsan ko at mukhang gusto niya ng may thrill. Sa tingin naman niya maaagaw niya sa'kin si Ackley?

Let's see.

"At sa tingin mo naman maaagaw mo siya?" I asked and smirked which made her glare at me.

"He's a man not a boy. Hindi siya katulad ng mga lalaki na naka-fling mo sa bar na madaling magsawa."

She smirked and shook her head. "A man is a man Nathalie, maaakit at maaakit pa rin sila."

Natawa naman ako sa sinabi niya. Pang-aakit lang pala ang kaya.

"Ah so, aakitin mo siya dahil hindi mo nga siya maagaw sa'kin dahil ako ang mahal niya?" I teased her more which made her roll her eyes.

"You've changed Nathalie," she said with disgust in her eyes.

I shrugged and smirked. "Guess who made me do it."

Nawala ang ngisi ko at napalitan ng malungkot na mukha nang naglakad na siya paalis. Napahinga ako nang malalim at pumasok sa kwarto.

Hindi ko inagaw sa'yo ang lahat, sadyang nabubulag ka lang at hindi mo makita ang pagmamahal na binibigay namin sa'yo dahil sa inggit at galit mo.

"Arf!/ Meow!"

Napangiti ako nang sumalubong ang dalawa sa'kin at agad namang silang sinugod ni Ace at nakipaglaro na. Napatingin ako sa leeg ko nang maramdamang sumabit ito sa damit ko. Nang tignan ko ay susi ito na binigay sa'kin ni Papa bago siya mawala.

Mawala..

Nang maaalala ko ang sinabi niya.

"Mahalaga ang susi na iyan anak, gamit'yan malalaman mo ang lahat ng hindi mo alam."

Agad kong ni-lock ang pinto at binuksan ang closet ko. Tinanggal ko kaagad ang mga damit ko na nandoon at nakita ang box na nakadikit sa pader. Hinawakan ko ang susi at sinusian ito.

Ang lakas ng tibok ng puso ko sa di malamang dahilan. Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang kahon na bakal.

Nang mabuksan ay nakita ko ang isang USB. Napakunot ang noo ko dahil USB lang ang laman? Akala ko ba ay malalaman ko ang katotohanan lahat dito?

Kinuha ko ang USB pero napaigtad nang pagkuha ko sa USB ay biglang lumaki ang bakal na kahon. Nanlaki ang mata ko sa nakita at kaagad na kinuha ito.

"Baril?"

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon