Nathalie's POV
"Nathalie, dito lang kami ah? Babantayan ka namin,"
Ngumiti ako. "Thank you, t-thank you nang marami."
Umiiyak ako kanina nang in-add nila ako sa GC nila at nag-video call. Heto sila, kino-comfort ako kaya hindi ko maiwasan ang mapangiti. Akmang magsasalita na sana sila nang may marinig na naman akong sigawan.
"Mag-hiwalay na lang tayo!"
Naibaba ko ang cellphone ko at tumakbo palabas ng kwarto ko. Tumakbo ako papunta sa kwarto nila Mama at Papa. Nang buksan ko ito at tumulo na naman ang mga luha ko. Napatingin sila sa'kin at lalo na akong napaiyak nang hilahin ako ni Mama.
"Ayan! Mag-hiwalay tayo sa harapan ng anak natin!" sigaw ni Mama.
Umiiyak akong napatingin kay Papa. I started to shake again, depression and anxiety are attacking me, again. Nakatingin sa'kin si Papa nang nag-aalala. Napahilamos siya sa mukha at galit na tumingin kay Mama.
"Huwag mong idamay ang anak natin! She doesn't deserve to see us like this!" sigaw ni Papa.
Binitawan ako ni Mama at kinuha ang papeles na nasa lamesa nila at binato kay Papa.
"Pirmahan mo na iyan nang matapos na ito," galit na sabi ni Mama.
Tama na, ayoko na.
Lumapit ako kay Papa at lumuhod sa harapan niya. Pinapatayo ako ni Mama pero hindi ko ito pinansin.
"N-Nathalie, tumayo ka diyan," pagbabanta ni Mama.
"P-Papa, don't sign that p-please, d-dont leave me," pagmamakaawa ko but Papa just looked at me, crying.
Humarap ako kay Mama at hinawakan ang kamay niya.
"M-Ma, please naman, m-maawa kayo sa a-anak niyo. All I w-want is a h-happy and complete family, M-Ma...P-Pa," nanginginig kong pagmamakaawa.
Mom shook her head. "N-Nathalie, tayo."
Umiling ako. No, I won't stand up. Magmamakaawa ako hanggang sa mapilit ko kayo, ayokong maghiwalay kayo. Ayokong mas masira ang pamilya natin.
Umiling ako nang paulit-ulit.
"M-Ma, P-Pa just this o-one."
Hinawakan ako ni Papa at pinatayo. He wiped my tears and kissed me on my forehead.
"Anak, we're so sorry…" he whispered at kinuha ang papeles at ballpen.
Inagaw ko iyon sa kanya at umiling.
"P-Papa naman! H-Huwag," umiiyak kong pagmamakaawa.
Humarap ako kay Mama at Papa. I can't let my emotions anymore, suko na akong kontrolin ito. Pagod na pagod na ako, pero ayokong sumuko.
"M-Ma, P-Pa, am I not worthy to love? K-Kailan niyo ba ako m-mamahalin? Ilang beses na a-akong humihingi ng a-atensyon niyo. Ma, ginagawa ko n-naman lahat para lang m-makapasa at maging p-proud ka! Pero, hindi m-mo man lang ako pinagpapaliwanag, l-lagi na lang kayo ang tama! Kahit na alam niyo naman na mali na ang ginagawa ninyo!" Napahawak ako sa dibdib ko nang magsimula itong kumirot.
Nakayuko sila at walang masabi.
"M-Ma, kailan niyo ba makikita ang mga p-paghihirap ko? Kailan niyo ba masasabi na proud kayo s-sa'kin? Puro 'Buti pa ang mga pinsan at anak ng kapit-bahay natin ang talino'. Puro bobo at tanga na lang ba ang s-sasabihin niyo sa'kin?" umiiyak kong sabi.
I heard her sobs. Humarap ako kay Papa na nakayuko.
"D-Dad, lagi ka nandyan para sa'kin pero ang selfish mo, ang sobrang selfish mo! You promised that you won't leave me at dito ka lang sa tabi ko. But ano na? Kamusta ang p-pangako mo Dad? A-Akala ko ba hindi mo I-ipapako ang mga ipinangako mo sa'kin? You're so selfish Dad! H-Hindi mo man lang iniisip ang mararamdaman ko! Parehas kayo ni M-Mama!" sigaw ko kay Papa at nagpa-padyak.
Nanginginig kong tinaas ang kamay ko at pinigilan ito. Napatingin sila sa'kin at sinubukan akong lapitan pero umatras ako.
"A-Anak ko.."
Mama..
"A-Ang gusto ko lang naman ay k-kumpleto at masayang p-pamilya, but you two w-won't let me. Ma, P-Pa deserve ko din namang s-sumaya," umiiyak kong sabi.
Napahawak ako sa dibdib ko. Nahihirapan na akong huminga pero nilabanan ko ito.
"Huwag mo akong artihan, Nathalie. Hindi u-obra ang arte mo," galit na sabi ni Mama.
Haha, arte? Arte lang ba ito? Parang kanina lang, tinawag mo akong anak. mood swings Ma?
Ngumiti ako kay Mama, umiwas siya ng tingin.
"A-Arte lang naman talaga l-lahat sa'yo Ma, sa t-tuwing mahihirapan na akong h-huminga ay a-arte pa din? P-Paano kung sa m-mamatay na ako, a-arte pa din?" tanong ko kay Mama.
"Nathalie, sumasagot ka'na?"
Napatingin ako kay Papa. Nahihirapan na akong huminga but hindi ko ito pinahalata dahil ayokong mag-alala sila.
"Where's the 'Anak, p-proud na proud ako sa'yo,' bakit puro p-panlalait na lang ang natatanggap ko? And P-Pa, akala ko n-naiintindihan mo ang s-sitwasyon ko. H-Hindi ko sinasagot si Mama, bakit ba k-kapag pinagtatanggol lang namin ang sarili n-namin, sumasagot na kaagad kami? G-Gusto din naming mga k-kabataan na ipagtanggol ang sarili namin," nahihirapan kong sabi.
Hindi sila nakapag-salita at umiwas ng tingin.
"I don't need your Judge Mom and Dad, I need your trust and support," I said and walked towards them.
"D-Dad, Mom kahit ito lang, h-huwag lang kayong mag-hiwalay," I said, crying.
Tumingin si Mama kay Papa at tinuro ang papeles.
"Pirmahan mo na yan," madiin na sabi ni Mama.
Hindi ito sinunod ni Papa at tumunganga lang. Hinahabol ko na ang hininga ko kaya nilapitan na ako ni Papa but umatras ako.
"A-All I want is a happy and complete family, all I w-want is your s-support and trust but, hindi niyo m-mabigay.."
Tumakbo ako palabas ng bahay. Rinig ko ang pag-sigaw ni Papa sa pangalan ko but I ignored it. Nanlalabo ang mata ko at nawawalan na ako ng hininga. Malapit na ako sa gate namin at saktong pagkasira ng gate at ang pagkapasok nila Ackley ay ang pagka-bagsak at wala ko ng malay.
"Nathalie!"
![](https://img.wattpad.com/cover/303509587-288-k611735.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving The Moon (COMPLETED)
RomanceIf you're already tired on loving me, I won't get tired on loving you." - Ackley Zaire Hampton. "Kapag sumang-ayon ba ulit ang panahon, sasang-ayon ka pa ba?" - Nathalie Dionne Crawford / Bezella Jemisha Reina Cobra. Started: 03/02/22