Chapter 12

143 13 6
                                    

Nathalie's POV

"Manong, kwek-kwek nga po 100 pesos,"

Nakatingin lang ako sa kanila na bumibili ng kwek-kwek. Nakaupo lang ako dito sa tabi habang hinihintay sila nang tumunog ang cellphone ko. May nag-chat sa'kin sa insta kaya tinignan ko ito kung sino.

Ackleyzton: I have a banat for you.

Napatawa na lang ako at tumingin sa kanya na nasa likod ko. He smiled at me na ikinalakas ng dalawa niyang dimples.

Binalik ko ang tingin ko sa phone at nag-type ng ime-message sa kanya.

NathalieIonC: Sige nga.

Pinindot ko ang send button na agad naman niyang na-seen. Pasimple akong tumingin sa kanya at hindi ko mapigilan ang sarili na mapatawa dahil sa hitsura niya. Nakangiti siya habang nanggigigil na kinakagat labi niya.

Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito.

Ackleyzton: May Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ba ako sa'yo?

What?

Nakakunot akong tinignan ang message niya at ngayon ko lang na-gets ang banag niya. Mahirap talagang bumanat ang matatalino.

P-Philippine
A-Atmospheric
G-Geophysical
A-Astronomical
S-Services
A-Administration

Tumunog ulit ang phone ko, napatakip ako sa mukha dahil doon.

Ackleyzton: May pag-asa ba ako sa'yo?

Tinignan ko siya sa likuran ko at muntikan pa akong mapatili nang magka-salubong ang mukha niya at nagkadikit ang ilong namin.

"Butiki ka!" sigaw ko sa kanya at hinampas siya sa braso but he just laughed at me.

Hinawakan niya ako sa kamay at umupo sa tabi ko.

"What's your answer, baby?' he asked, smiling.

Inirapan ko siya at pinigilan ang sarili na pisilin ang pisngi niya.

"Luma naman na 'yang banat mo," I said and crossed my arms.

Talaga ba Nathalie?

Muntikan na akong matawa nang ngumuso siya pero nanlaki ang mata ko nang nilapit niya ang mukha niya sa'kin.

"H-Hoy, maraming n-nakakakita," mautal-utal kong sabi at napapatingin sa mga taong kung makakilig ay parang wala ng bukas.

Nakatitig lang siya sa'kin at kahit na itulak ko pa ata siya ay hindi pa rin siya lumalayo. Tumingin ako sa pwesto nila Acel na busy bumili ng kwek-kwek.

Wag kang titingin sa kanya, wag kang–

"Look at me," I heard him say and hinawakan ang baba ko para ipatingin sa kanya.

Napasandal ako sa lamesa na nasa likod ko nang humawak siya doon kaya ang kinalabasan ay, naka-corner na ako.

Napalunok ako. "A-Ano ba kita?"

Napapikit ako dahil sa hiya nang tanungin ko iyon. Ano ba 'yan! Bakit 'yon pa ang tinanong ko?!

Napamulat ako nang halikan niya ang sarado kong mata. He smirked at me and leaned on my ears and whispered.

"Your future husband and your future Engineer," he whispered at nakiliti pa ako nang ihipan niya ang tainga ko.

Tinulak ko siya at nahihiyang tumayo at tumalikod sa kanya para maitago ang namumula kong mukha. Napakagat ako sa labi ko dahil sa kilig at hiya.

"T-Tara na nga," yaya ko sa kanya.

Narinig ko siyang tumawa nang mahina at nabigla ako nang hapitin niya ako sa bewang.

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon