Nathalie's POV
I planned to woke up nang maaga and I'm here, nasa balcony ng kwarto at hinihintay si Papa. I want to see my father, I want to hug him and ask him so many questions.
Pinapanood ko ang buwan at ang nakakalungkot lang, walang bituin pero napapangiti na lang ako nang makitang parang nakangiti ang buwan sa'kin. Agad kong kinuha ang camera na binigay sa'kin ni Ayi ko. Naka-kandong sa'kin si Moonie habang nasa katabing upuan ko naman si Zai, natutulog.
Naka-ilang click ako sa camera kaya tinignan ko ito at napangiti na lang. Ang ganda ng kuha at sobrang aesthetic!
Hinarap ko sa'min ang camera at kinuhaan ng litrato ang sarili kasama sila Moonie at Zai.
"Anak."
Agad akong napatingin sa loob ng kwarto ko. Bumaba si Moonie sa hita ko kaya agad akong tumayo at tumakbo kay Papa.
"Papa…" I hugged him tight and cried on his chest.
He kissed my forehead and hugged me back. I miss him so much, kung kaya ko lang siyang pigilan na wag na akong iiwan… ginawa ko na.
I lifted my head and looked at my Father.
"P-Papa, bakit ba lagi mo na lang akong i-iniiwan?" I felt my cheeks becoming wet because of my tears.
Ngumiti siya at nataranta ako nang umubo-ubo siya, kaua agad ko siyang pinaupo at binigyan ng tubig na nasa lamesa ko. Ininom niya ito at nagulat ako nang may ilabas siyang gamot at ininom ito.
"M-May sakit ka pa?" I asked, my voice shaking.
Ngumiti siyang muli at nilapag ang baso sa lamesa. Niyakap niya ako at pinatahan. Hindi siya nagsasalita pero gusto kong marinig ang masiglang boses ng Papa ko! Ayaw ko nang ganito siya tahimik, iba na ang pakiramdam ko.
"P-Pa, bakit–" he cut me.
"Sasagutin ko lahat ng tanong mo… bukas."
Bakit bukas pa? Gusto ko na ng kasagutan ngayon, alam na ba niyang nakakulong si Mama? Alam ba niyang muntikan na akong gahasain? Alam ba niyang nag-d-droga na si Mama dati pa?
Hinawakan ko ang kamay ni Papa at umiyak sa harapan niya. He wiped my tears and smiled.
"Pa naman–" again, he cut me.
"May favor si Papa, pwede anak?" he asked, nakangiti siya pero alam kong may kakaiba sa mga tingin niya.
Agad akong tumango sa kanya. "A-Ano po 'yon?"
Hinawakan niya ang kamay ko at napatingin ako dito nang may ilagay siyang malaking envelope at isang USB.
"Anak, I want you to handle my company–your company to be exact."
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Papa. May kompanya kami? Ako? Paano kami nagka-kompanya? Bakit sa'kin?
"P-Paano–"
"Your questions will be answered tomorrow," he said and held my hand tight.
May kinuha siya sa kanyang bulsa at napatingin ako dito nang isuot niya ito sa leeg ko. It's a key na nakalagay sa kuwentas.
"For me, be a strong woman, maging matatag ka kay Papa sa mga malalaman mo," malambing niyang sabi at pinatayo ako.
Lumapit siya sa closet ko at nagulat na lang ako nang may buksan siyang pader doon. Isa iyong pa-kahon na parang lalagyan at kailangan susiin.
"Open this box once you know the truth," he said and looked at me.
Tinuro niya ang kuwentas na sinuot niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Loving The Moon (COMPLETED)
RomanceIf you're already tired on loving me, I won't get tired on loving you." - Ackley Zaire Hampton. "Kapag sumang-ayon ba ulit ang panahon, sasang-ayon ka pa ba?" - Nathalie Dionne Crawford / Bezella Jemisha Reina Cobra. Started: 03/02/22