Chapter 13

141 8 8
                                    

Nathalie's POV

It's so relaxing to stare at the moon. Nababawasan nito ang kalungkutan na lagi akong binabalot. The moon is my weakness, saksi ang buwan sa mga pag-iyak ko sa aking kwarto tuwing gabi.

Ang buwan din ang nagbigay liwanag sa madilim at malungkot kong mga gabi. Mas gusto kong laging gabi, sa tuwing tataas ang araw ay may maririnig akong sigaw at batuhan ng gamit at sa gabi lang sila hihinto.

"Ijha, matulog ka'na gabi na oh."

Tumingin ako sa kapit-bahay naming nag-aalalang nakatingin sa'kin. I smiled and shook my head.

"Dito na muna po ako sa labas, ayoko munang pumasok," nakangiti kong sambit.

Ayokong maramdamang, mag-isa ako.

Ningitian niya ako nang may pag-aalinlangan. Pumasok na siya sa bahay nila kaya itinuloy ko ang panunuod sa langit na puno ng mga stars kasama ang maliwanag na buwan.

Nakaupo ako dito sa upuan na nasa labas ng bahay namin. Nakabukas pa ang gate ng bahay namin, ko. Ako na lang ang nasa labas dahil malalim na din ang gabi.

Napatingin ako sa phone ko nang umilaw ito at nag-ring. My forehead creased, number lang ang nakalagay. Sasagutin ko na sana nang huminto ito sa pag-ring.

I shrugged.

Baka namali ng number.

Sumandal ako at tumingin ulit sa buwan nang tumunog ang phone ko, indikasyon na may nag-chat.

Binuksan ko ito at napakagat sa ibabang labi nang si Ackley ang nag-chat. I open it and my eyebrows met, voice message kasi ang nakita ko kaya agad kong pinindot ang play button at pinakinggan ang boses niya.

"Answer my call."

Gwapo ng boses!

Agad namang nag-ring ang phone ko at bumungad ang number na tumawag din kanina lang. Sinagot ko ito at hindi nagsalita, hinintay kong magsalita siya.

"Kumain ka'na?"

I bit my lips when I heard his voice, ang lambing ng tono ng boses niya pero minsan naman ay ang lalim.

Tumango ako kahit na hindi naman niya nakikita.

"O-Oo," I lied, ang totoo ay hindi pa ako kumakain.

"Really huh?" Narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya.

Napalunok ako. Bakit ko ba kasing kailangan magsinungaling? At bakit ko ba kailangan sabihin?

"K-Kumain na ako," nautal pa ako.

I heard him giggling. "Then, bakit ka nasa labas?"

Nangunot ang noo ko at agad nanlaki ang mata at napatayo nang ma-gets ang sinabi niya. Nagpalinga-linga ako pero, hindi ko naman siya makita kaya umupo ulit ako.

"How did you know? Wala ka naman–"

"Bakit hindi ka pa kumakain?"

"Isdang gumapang!" Naisigaw ko na lang sa gulat at napatingin sa likod ko.

Nakayuko siya sa'kin habang ang kilay niya ay nakataas at ang sama ng titig sa'kin. Napalunok ako at nakaramdam ng kaba dahil nasa harap ko siya at ang lapit niya.

Unti-unti siyang napangisi at parang pinipigilan ang tumawa.

"May isda bang gumagapang?" natatawa niyang tanong na ikinanguso ko.

Meron, walking fish. Charot.

"Bakit ka'ba kasi nandito?" matapang kong tanong.

Tumigil siya sa pag-tawa at sinamaan ako ng tingin. Lumapit siya sa gilid ko at umupo sa tabi ko.

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon