Chapter 4

211 13 4
                                    

Nathalie's POV

"I want us to have a privacy because I'm going to ask you a questions."

Nagulat ako sa sinabi niya at napatango. Anong sasabihin ko? Ano?! Anong sasagutin ko?!

"Don't worry, I won't ask some private questions," he said which made me comfortable.

Tumango ako sa kanya. "S-Sige."

He cleared his throat. "Do you have anxiety? I'm staring at you a while ago, I can sense that you're not comfortable in the public."

Napalunok ako. Masyado na ba akong halata? Napansin niya agad, detective ba ito? At sana hindi niya napansin na may paghanga ako sa kanya. Joke lang.

"Y-Yeah, I have depression and anxiety," I said and scratched the back of my head.

He nodded. "Uminom ka'na ba ng gamot mo?"

Napakurap-kurap ako. Nag-aalala ba siya sa'kin? May gusto ba siya sa'kin? Crush niya ba ako?

Napatingin siya sa'kin bago binalik ang tingin sa daan. He chuckled and ang gwapo! Shit nagiging malandi na talaga ako.

"I just wanna ask, huwag mo bigyan ng malisya."

Ouch talaga, pighati talaga.

Napatawa ako nang mahina dahil sa hiya. Halata na ata talaga ako masyado.

"Hindi, nagulat lang ako kasi parehas kayo ng tanong nila Hope," palusot ko at umiwas ng tingin.

"And yes, nainom ko na ang gamot ko," dagdag ko pa na ikina-hum niya.

"Okay, that's for today–"I cut him.

"Class dismissed," asar ko na ikinatawa namin nang mahina.

"You're really something," he whispered.

Napatingin ako sa kanya, nagtataka. Napailing siya at tumingin ulit sa kalsada. I'm really something? Napailing na lang ako at hindi na iyon inisip.

"Iyan muna ang tatanungin ko, sa susunod na araw naman," he said at huminto na kami sa Starbucks.

Hininto niya ang makina habang ako ay nakatingin lang sa kaniya. Sa susunod na araw naman? It means magkikita pa kami? O baka gusto niya akong makita araw-araw? Or am I just assuming?

"Sa susunod na araw? Edi magkikita pa din tayo?" ulit ko pa sa sinabi niya.

He looked at me and smirked. Nagulat pa ako nang ilapit niya ang mukha sa'kin.

"Crush mo'ko ano?" he whispered, smirking.

Napalunok ako at napailing. Natatawa siyang lumayo at lumabas na ng kotse. Pinagbuksan niya ako kaya lumabas na ako at nakita sila Luisa kasama ang iba na nakatingin sa'min nang may nakakaloka na tinigin.

Tulala pa rin ako dahil sa ginawa niya at sinabi niya. Pag-hanga lang naman not love so chill.

"Bakit ka nag-left sa video call?" naniningkit na tanong ni Luisa.

Ackley just smirked at her and hinila na ako papasok sa Starbucks. Nagtaka ako dahil pagka-pasok namin ay walang tao maliban sa mga waiter at guard.

"Walang tao?" I whispered to myself na mukhang narinig ni Ackley.

"Hmm, pinasara ko muna because I know you're not comfortable with people," he said na ikinapula ng mukha ko.

"Ang caring naman," asar pa nila sa likod namin kaya umiwas ako ng tingin.

Umupo kami sa may malaking lamesa na walo ang upuan. Tumabi ako kay Luisa na ikinataka ni Ackley at nakatingin sa'kin. Umiwas ako ng tingin at tinignan si Luisa na nakatingin sa'kin nang nakaloloko.

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon