Nathalie's POV
"Pagod na ako mag-review."
Nagpa-halumbaba si Luisa at ngumuso. Napailing na lang ako at sinubukang mag-concentrate sa pagre-review. Nandito kami sa school at nasa room kami ngayon, pinagre-review dahil wala na naman ang mga teachers.
"Shut up Luisa, mag-review ka dyan." Umirap si Hope kay Luisa na ikinatawa lang nito.
"Mamaya na ako magre-review sa bahay, ingay eh," mataray na sabi ni Amethyst.
Natawa na lang ako at sinara ang aking libro. Napatingin sila sa'kin at agad na sinara din ang kanilang libro at nilagay ito sa kanilang mga bag, habang si Hope ay nakataas ang kilay sa'ming tatlo.
"May bukas pa naman," tawa-tawa kong sabi habang nakatingin kay Hope na nanliliit ang mata.
Niyugyog ni Luisa si Hope. "Don't be so masipag, labas tayo!"
Bumuntong hininga si Hope at sinara ang libro niya. Matatawa na lang talaga ang makakakita sa kanila, lumapit si Amethyst kay Hope at agad na inakbayan ito.
"We're going to find some pogi sa labas." Kinuha ni Amethyst kay Hope ang libro at itinago ito sa bag ni Hope.
Hope rolled her eyes and looked at me.
"Mag-group study tayo mamaya," mahina niyang sabi na ikinasangayon namin.
Tumayo kami at sumabay sa mga kaklase naming nagsisilabasan na kanina pa. Pero pag-labas lang namin ay may humapit sa bewang ni Luisa.
"Hi babe."
Anak ng pating.
Ngumiti si Luisa sa lalaki at hinalikan ito sa pisngi. Anak ka ng lahat, pang-ilan na 'yang lalaking 'yan?
"Sumbong na lang natin kay Acel," bulong ni Amethyst sa'kin.
Hinila ako nila Hope paalis kay Luisa na malaki ang ngiti habang nakikipag-usap sa lalaking tumawag sa kanya ng babe. Sumulyap pa sa'min si Luisa at nilabas ang dila para mang-asar.
Napailing na lang ako at sumilip sa classroom nila Ackley at nakita silang lima na nakikinig sa kanilang guro. Kami lang ata ang laging walang teacher sa di malamang dahilan.
"Let's go." Hinila na nila ulit ako papunta sa food court.
Umupo kami sa upuan at agad naman nilang nilabas ang baon nila na sandwich, nilabas ko din ang akin na sandwich din na gawa ko. Bago ko pa man buksan ang sandwich ko ay hinarap ko sila.
Hindi ko mapigilan ang magtanong.
"Bakit paiba-iba kasama ni Luisa?" I asked out of my curiosity.
Napatigil sila sa pagkain nila. Hope sighed heavily, habang si Amethyst ay umiling.
"I'm sorry Nathalie, we trust you but kay Luisa mo na lang itanong 'yan. Baka kasi–" I cut her and smiled.
"Okay lang, naiintindihan ko naman."
Ngumiti sila sa'kin. "G*ga! Ang drama niyo." sigaw pa ni Amethyst na ikinatawa namin.
"Anong ma-drama 'don? Mag-review na lang tayo–"
"Ay Nathalie! Do you know why our professor Richard is always absent?" agad na putol ni Amethyst kay Hope.
I chuckled. "Hindi pa eh, bakit?"
Tumingin ako kay Hope na nakangusong kumakain ng tinapay niya. Binalik ko ang tingin ko kay Amethyst na nakapa-halumbaba.
"May asawa na pala si Sir! And you know what? His wife is pregnant!"
BINABASA MO ANG
Loving The Moon (COMPLETED)
RomanceIf you're already tired on loving me, I won't get tired on loving you." - Ackley Zaire Hampton. "Kapag sumang-ayon ba ulit ang panahon, sasang-ayon ka pa ba?" - Nathalie Dionne Crawford / Bezella Jemisha Reina Cobra. Started: 03/02/22