Chapter 35

106 7 1
                                    

Nathalie's POV

"Nadi, kain ka donuts oh."

Nakatulala akong nakatingin sa mga batang naglalaro sa parke. Kasama ko sila Luisa, Hope, Amethyst, Acel, Amitel at Gab. Kanina pa nila ako pinapakain at kinakausap pero wala akong masabi at tanging tango, iling at ngiti lang ang ginagawa ko.

"Want some snow bear Nadi?"

Napatingin ako kay Acel nang sabihin niya iyon. Agad akong ngumiti at kinuha sa kanya ang snow bear.

"T-Thank you," sabi ko at sinubo ang candy.

"I'm the one who will give it to her eh! Epal hmp!" rinig kong pagta-tantrums ni Luisa.

Acel chuckled. "Ako nauna eh."

Paano nila nalaman na snow bear ang paborito ko? Hindi ko naman iyon sinabi sa kanila dahil nahihiya akong sabihin na snow bear ang paborito ko.

Tumingin ako sa kanila. Kumakain na sila ng donuts pero napa-iwas ako ng tingin nang mahuling nakatingin sa'kin si Hope.

"P-Paano niyo nalaman paborito ko?" tanong ko.

"We saw it on your bag, ang daming snow bear and lagi ka din naming nakikita na kumakain ng snow bear." Nagulat ako sa sinabi ni Amethyst.

Napapansin pala nila 'yon? Eh ako nga hindi ko na napapansin na nauubos ko na pala ang snow bear.

"Wag kang mag-alala Nadi, Azi will be back... hindi tayo 'non papaasahin," natatawang sabi ni Gab pero napatigil nang siya lang ang tumatawa.

Napahinga na lang ako nang malalim.

"Tara na–"

"Nathalie."

Napatigil kami sa pag-alis nang may tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko ito at nanlumo sa aking nakita. Butas-butas na ang mga damit niya, magulo ang buhok at may plastic na dala.

"M-Mama..."

Napaluha ako nang umiyak siyang bigla at lumuhod sa harapan ko. Agad ko siyang nilapitan at naiiyak na pilit siyang pinapatayo pero hindi siya nakinig at lumuhod lang sa maraming tao.

"A-Anak sorry, sorry sa mga g-ginawa ko. P-Patawad anak, patawad kung h-hindi ako naging mabuting i-ina sa'yo... p-patawad dahil hindi k-kita pinaniwalaan–" pinutol ko siya.

"M-Ma, anong n-nangyari–"

Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko. Umiiyak niyang binigay sa'kin ang plastic at ngumiti. Tinignan ko ang laman nito at napaiyak na lang.

"P-Patawad anak, alam kong hindi s-sapat ang paghihingi ko ng t-tawad sa'yo pero... m-mahal na mahal kita anak," nanginginig na sabi ni Mama.

Hindi matigil ang luha ko at nanginginig na hinawakan ang kamay niya.

"P-Pinapatawa–"

"You're under arrest!"

Napatigil ako at hindi nakagalaw. Ngumiti sa'kin si Mama at hahawakan na sana ang kamay ko nang hilahin na siya ng mga pulis.

"Wag! W-Wag niyo siyang i-ikulong!" sigaw ko at lumuluhang tumakbo palapit kay Mama pero may pumigil sa'kin at niyakap ako.

"H-Hindi! Wag!"

Sinakay nila si Mama sa sasakyan at pinosasan. Pilit akong kumakawala sa may hawak sa'kin at pilit na nilalapitan si Mama. Hindi, bakit siya ikukulong?!

Sa huling pagkakataon, ngumiti siya kasabay ng pagtulo ng kanyang luha.

"MAMA!"

Agad kong hinarap sila Amitel at nakiusap.

"P-Please, pumunta tayong p-presinto," pagmamakaawa ko.

Agad silang tumango at hinila na ako sa van na dala nila. Habang nasa biyahe ay panay ang pag-tahan nila sa'kin pero hindi pa rin matigil ang pag-iyak ko.

Bakit nila kinulong si Mama? Meron pa ba akong hindi alam? Ang dapat na makulong ay yung lalaki niya pero bakit siya ang nakukulong?

Nakarating kami sa presinto at agad akong lumapit sa pulis na nasa desktop.

"Noreen Diana Crawford?" deretsahan kong tanong.

Kaagad nilang tinignan sa isang papel ang pangalan ni Mama at napatingin sa'kin. Agad akong nanlumo nang umiling-iling ang babaeng pulis.

"Bawal po siyang lumabas," seryosong sabi ng pulis.

"K-Kakausapin ko lang po–"

"Nathalie wag na."

Napatigil ako at napatingin sa likod namin. Lumapit sa'min si Tita Christy, kasama niya si Ate Maria.

"Sa bahay na lang natin pag-usapan ijha," malumanay na sabi ni Tita at ngumiti ki'la Luisa.

"N-Nasaan 'yong isa niyong kasama?" Napatingin ako kay Ate Maria nang tanungin niya iyon. Ngumiti lang siya sa'kin at tumingin ki'la Amitel na seryoso ang tingin sa kanya.

"He's on Canada," seryosong sabi ni Acel.

Ngumiti si Ate sa kanila habang ako ay kanina pa nagtataka sa kanya. Tumingin ako kay Tita.

"Umuwi na po tayo, gusto kong malaman kung bakit nakulong si Mama," pagmamakaawa ko.

Huminga nang malalim si Tita at ngumiti nang malungkot sa'kin. Hinawakan niya ako sa kamay at lalabas na sana nang makita ko ang lalaking kina-iinisan ko.

"Nandito ka pala–ano masaya ka'na?! Makukulong na ako malandi ka!"

Nanginig ang kamay ko nang sigawan niya ako. Hinila ako palayo nila Ate Maria sa lalaking iyon at tinago sa likuran nila. Hinawakan ni Hope ang kamay ko at pinakalma ako.

At paano ako naging malandi? Siya ang nambaboy sa'kin! Siya ang humahawak sa'kin tapos ako pa ang malandi?! Hayop ka!

"Hindi naman kasi rape ang ginawa ko–"

"EH BOBO KA PALA EH!"

Nagulat kami nang suntukin ni Amitel ang lalaki kaya agad naman siyang inawat ng mga pulis. Galit na galit ang mukha nila Gab, Acel at Amitel na nakatingin sa lalaking nakangisi lang. Tumingin ito sa'kin na ikinaiwas ko ng tingin.

"Pinagtatanggol niyo 'yan? Baka landiin kayo–"

"SHUT THE FUCK UP ASSHOLE!"

Isang suntok ang natanggap ng lalaki galing kay Acel. Pero tumawa lang ito na parang baliw at sinamaan sila ng tingin.

"Tumigil!" sigaw ng pulis.

Lumapit si Gab sa pulis at hinarap ito. "Isang sapak lang oh, officer."

Pinanliitan siya ng mata ng pulis at nagdadalawang-isip na tumango. Kaagad namang ngumisi si Gab at sinuntok nang sobrang lakas ang lalaki na ikina-tumba nito.

"Pasalamat ka at wala siya dito, hmm sasabihin ko na lang sa kanya para naman hindi lang tayo ang makasuntok... right Bro's?" nakangising sabi ni Gab ki'la Amitel at Acel.

"M-Malandi 'yan–" pinutol ni Amitel ang lalaki.

"Isa pang malandi, puputulin ko 'yang dila mo."

Umalis na kami sa presinto at pumunta sa harap ng sasakyan nila Tita Christy. Nag-usap silang lahat pero ako ay agad na pumasok sa kotse nila Tita at tumulala.

Dahil ba sa pananakit ni Mama sa'kin kaya siya nakulong? Pero bakit ayaw nila sa'kin ipakita si Mama? Gusto ko siyang makausap nang maayos! Ang pananakit niya lang naman sa'kin ang pwedeng maging dahilan para makulong siya, pero...

Baka may hindi pa ako alam.

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon