Chapter 22

126 9 7
                                    

Nathalie's POV

"Mag-ligpit ka ng pinggan!"

Tumingin ako kay Mama at pinakita ang mga notes ko at libro. Tinaasan niya lang ako ng kilay at nagpameywang.

"Ma, nag-aaral po ako–" she cut me.

"Aba't wala akong pakialam! Maghugas ka'na at magluluto ka pa!" sigaw sa'kin ni Mama, nagulat na lang ako ng kunin niya ang papers ko na nakasulat doon ang notes ko.

"Ma h'wag!"

Hinarap niya sa'kin ang papel at galit na tinignan ako. Napayuko na lang ako nang sabunutan niya ako patayo at hinarap sa kanya. I bit my lower lip to stop myself from sobbing.

"Anong klaseng sulat ito?! Napaka-baboy!" galit niyang sigaw sa'kin.

Naluha na lang ako nang punitin niyang ang papel sa harapan ko at hinampas pa sa mukha ko ang natirang papel.

"Wala ka talagang kwenta! Ang b*bo mo na nga, tamad ka pa!" Pagkatapos akong sigawan ni Mama ay piningot pa niya ako bago ako iniwan at umakyat sa taas.

Yumuko ako at lumuhod para kunin ang mga papel na punit-punit na. Pinaghirapan ko itong sulatin eh, nang-hiram pa ako ng notes ki'la Luisa para lang maka-kopya ako ng notes. Pero mapupunit din pala.

Umiiyak akong napabuntong hininga at pinigilan ang sarili na umiyak. Baka mahirapan na naman akong makahinga dahil sa kakaiyak.

Nandito na ako ki'la Mama, sa bahay ng lalaki niya. Hindi ako ang pumunta dito, kinaladkad ako ni Mama at pilit na sinama.

Sandali akong napatingin sa hagdan at nakita si Mama na nakabihis pang-alis. Umiwas kaagad ako ng tingin at pinunasan ang aking luha.

"Aalis ako, pag-uwi ko at madumi ang bahay, mayayari ka sa'kin Nathalie! H'wag mo akong aartehan!" sigaw ni Mama at lumabas na siya.

I sighed at tinapon na ang mga papel na pinunit ni Mama sa basurahan. Wala akong kwarto dito dahil para daw sa bisita at anak niya lang ang mga kwarto.

Anak din naman niya ako…

Binuksan ko ang cellphone ko, mabuti na lang at na-picture-an ko ang notes kaya makokopya ko pa ito. Nagsimula na ulit akong magsulat nang may mag-door bell.

Tumayo ako at sumilip sa bintana, nang makita kung sino ay huminga ako nang malalim at pinagbuksan siya ng pinto.

He smiled at me, ginulo din niya ang buhok ko.

"Is it really okay with you to stay here?" tanong pa niya at pumasok.

Ngumiti ako at tumango kahit labag sa kalooban ko. Siya ang tinutukoy kong anak ni Mama sa lalaki niya, matagal na palang may lalaki si Mama dahil mas matanda pa sa'kin ng ilang taon ang anak niya.

He's Joshua Zeil Fernandez, my step brother.

"O-Okay lang po J-Josh–" he cut me.

"You can call me Kuya," he said and smiled.

Napatitig ako sa kanya ng ilang segundo at ngumiti.

"K-Kuya."

He pinched my cheeks at umupo sa sofa, nahiya naman ako dahil sobrang kalat ng lamesa ko doon. Puro notes at books ang nandoon na kaagad napansin ni Josh–Kuya.

"Anong grade mo na pala?" he asked while looking at my notes.

Lumapit ako sa kanya at umupo medyo malayo sa kanya.

"Grade 10 po," I said while fixing my things.

Nagulat naman ako nang kunin niya ang natitirang paper na notes din ang nakalagay. Inaagaw ko ito sa kanya pero hindi niya ito binigay pabalik sa'kin.

Loving The Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon