Lakad takbo ang ginawa ko para mahanap ko si Akihiro pero hindi ko na siya naabutan. Nagpunta ako sa classroom nila pero wala siya. Hinanap ko siya sa rooftop ng building namin pero wala din. Hindi ko siya makita. Nasaan na sya? Lakad takbo parin ang ginagawa ko kahit na madilim na ang dinadaanan ko hindi ko parin siya makita. Gusto ko syang makausap. Nakakapagtaka kasi na galit sya. Wala kaming kaalam alam kung bakit.Sinubukan kong pumunta sa garden pero habang tumatakbo ako natapilok ako. Naka high heels pa nga pala ako. Napaupo ako sa may damuhan nasa loob na ako ng garden nasa gilid ako ng gate nakaupo.
"Ang sakit." Sabi ko. Hinawakan ko ang paa ko. Naiiyak ako sa sakit hindi pa ganoon kagaling yung paa ko kahapon kaya lalong sumakit nung natapilok na naman ako. Naipitan na yata ako ng ugat sa paa. Ang taas pa naman ng high heels na suot ko. Kinakagat ko nalang ang ibabang labi ko para hindi umiyak. Masakit kasi talaga.
Humawak ako sa may gate ng garden para tumayo pero may dalawang kamay na tumulung saakin na makatayo. Sila Ayane at Yuki nagtinginan silang dalawa.
"Dadalhin ka namin sa clinic." Sabi ni Yuki. Nag aalala yung mukha nya. Pinag alala ko na naman ang bestfriend ko. Binuhat nya ako na parang bagong kasal. Hinuhad ni Ayane ang heels na suot ko. Hindi ako naiilang sa ginawa nya. Kung may lalaki man akong pagkakatiwalaan si Yuki yon. Simula pagkabata magkaibigan na kaming dalawa. Magkasama na kaming dalawa.
"Thank you sainyo." Sabi ko sakanilang dalawa. Nginitian ako ni Ayane pero halata sa mukha nya ang pag aalala. Si Yuki naman seryoso ang mukha habang buhat ako. Galit sya.
Nasa clinic na kami ngayon. Nilagyan ng nurse ng benda ang paa ko dahil sa pagkakatapilok ko na naman masakit kapag ginagalaw.
Nandito parin sila Ayane at Yuki sa clinic hinihintay daw nilang makarating dito si Mama para sunduin ako.
"Paano nyo ako nakita?" Tanong ko sakanilang dalawa. Ang tahimik nila hindi ako sanay.
"Hinanap ka namin para y congratulate ka, kayo ang nanalo ni Akihiro. Hinahanap din sya ng mga kaibigan nya. Nasaan ba sya?" Sabi ni Yuki. Nagulat ako sa sinabi nya. Napaawang ang labi ko. Kami ang nanalo? Wow.
"Nagpunta kaming backstage pero wala kayo, kaya hinanap ka namin hinahanap din kayo ng MC eh. Nagpaliwanag yung mentor nyo." Sabi ni Ayane. Si Alvin ang tinutukoy nyang mentor.
Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako. Masaya ako kasi hindi nasayang ang effort ng mga taong sumusuporta samin at yung effort namin. Masaya ako kasi kahit na nahihiya ako nanalo kami. Malungkot kasi nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan saamin nila Akihiro.
Pumasok si Mama sa loob ng clinic. Kaagad syang umupo sa upuan sa tabi ng kama na inuupuan ko.
"Ayos kana ba?" Tanong ni Mama saakin. Halatang nagmadali sila Mama sa paglalakad hinihingal sya. Dahan dahan akong tumango.
"Yumi anak pasensya na hindi kita nasuportahan alam mo naman may sakit ang Ate mo ngayon." Hinawakan ni Mama ang kamay ko.
"Okay lang Ma, hindi naman ako nagtatampo sayo. Naiintindihan ko po." Nginitian ko si Mama para mawala yung pag aalala sa mukha nya at isa pa hindi naman ito ang pinakamalaking event sa buhay ko para magtampo ako.
"Salamat anak. Congratulation sainyo ni Akihiro ang galing ng anak ko!" Sabi ni Mama. Natawa kami sa sinabi ni Mama. Kinuha nya yung costume ko na hinubad ko kanina. Pinagpalit ako ng nurse damit kanina.
Nakauwi na kami sa bahay kasama si Mama. Nagpasalamat si Mama kay Ayane at Yuki sa pagdala sakin sa clinic. Mabuti nalang hinanap nila ako kunghindi baka nandoon parin ako namimilipit sa sakit. Pero bago kami umuwi kanina pinuntahan ako ng homeroom teacher namin sa clinic. Binati nya rin ako ng congratulations. Pinaliwag ko rin yung nangyari kung bakit hindi kami naka akyat ng stage.
![](https://img.wattpad.com/cover/29749464-288-k350349.jpg)
BINABASA MO ANG
When I'm in High School (Completed)
General FictionSimula High School Means... Life. Fun. Memories. Love. Ang sarap balikan ng High School Life. Isa sa pinaka masaya at challenging na bahagi ng buhay ng isang tao. Mula sa unang pagtibok ng puso. "Haaaay! Ang cute nya talaga!" Sa mga hindi papaawat...