Kabanata 73

1.6K 48 4
                                    

"Na mimiss ko na si Maica. Dalawang araw na syang hindi tumatawag sa skype." Sabi ni Patty habang nakahalumbaba sa armchair.

"Oo nga hindi rin sya nagchachat sa group chat natin." Sabi naman ni Ayane habang nilalaro ang ballpen nya.

"Baka naman busy?" Tanong ni Faye. Tumango naman kami siguro nga busy lang si Maica. Sayang hindi namin nakita ng personal si Maica at Khalil nung kasal nila.

Nakakatuwa dahil sya ang kauna unahang ikinasal saamin at sa edad na 17 years old sabagay arrange marriage sila at chinese.

"Oo nga pala saan kayo mag aaral ng college?" Tanong ni Ryan saamin. Hay malapit narin kaming gumraduate ang bilis talaga ng panahon ilang months nalang aalis na kami dito sa school ang saya pa naman maging high school student.

"Sa Clark University para magkasama na ulit kami sa iisang school ni Owen." Sabi ni Jessica habang nakatingin sa cellphone nya.

"Syempre kami ni Faye clark university din." Sabi ni Rio habang nilalaro ang buhok ni Faye.

"Ako din Clark university lang din kasi nandun si Kuya." Sabi naman ni Jeff. Mukhang ako lang yata ang malalayo sakanila. Nakaramdam naman ako ng lungkot.

"Me too. Clark university din para kasama ko kayo sa iisang school!" Sabi ni Angie with matching taas pa ng kamay ang taas talaga ng energy ni Angie.

"Ako sa Winston University para daw kasama ko sila Kuya ko." Malungkot na sabi ni Patty. Ang Winston university dito lang din sa lugar namin medyo malayo lang ng kaunti mga 1 hour ang byahe pa punta duon.

Mas nakakalungkot pala na magkakahiwalay hiwalay kaming barkada pero ganon talaga dumarating ang panahon na magkakahiwalay na kayo pero alam ko darating ang araw magkakasama sama ulit kaming lahat.

"Mukhang magkakalayo layo tayo ako sa LA na mag aaral isasama na ako ng Mama ko." Sabi ni Daniel napatingin naman siya kay Angie pati narin kami napatingin kay Angie. Biglang nawala ang ngiti nya kanina.

"Hay magkakalayo layo pala tayo! Dito nalang kasi kayo!" Sabi ni Angie.

"Kung pwede lang..." Sabay na sagot nila Patty at Daniel napabuntong hininga naman sila Jessica.

"Ikaw ryan saan ka mag aaral?" Tanong ni Yuki kay Ryan na nakaupo sa armchair.

"Sa clark university din dun nag aaral si Ate Melissa eh." Sabi naman ni Ryan. Tumango tango naman sila.

"Wag na natin tanungin si Yumi sure ako sa clark university din sya." Sabi ni Jeff. Nakaramdam ako ng lungkot dahil nag eexpect sila na dun din ako mag aaral.

"Oo nga nandun si Akihiro eh malamang hindi rin sila maghihiwalay ng school kagaya nila Jessica at Owen." Sabi naman ni Rio naghigh five pa sila ni Jessica. Napabuntong hininga nalang ako.

"Hindi ako sa clark mag aaral..." Napatigil sila sa mga ginagawa nila at tumingin saakin.

"Saan?" Tanong ni Faye at Patty. Napatingin ako kay Yuki hindi na sya nagtataka kung bakit duon ako mag aaral dahil nga bestfriend ko si Yuki alam nya na pangarap kong mag aral sa Maryland.

"Sa Maryland university..." Sabi ko sakanila.

"Ang layo!" Sabay sabay na sabi nila maliban kay Yuki. Napahampas pa sila sa armchair.

"Bakit duon pa? Pwede naman sa Clark nalang nandun naman Ate mo at si Akihiro." Sabi ni Jeff.

"Napag usapan na namin ni Akihiro ang tungkol dun. Nung elementary pa ako pangarap ko ng duon ako mag aaral ng college gusto kong tuparin." Sabi ko sakanila.

"Paano yan magkakalayo kayo ni Akihiro?" Tanong ni Angie.

"Siguro oo kung hindi sya papayagan ng Mama nya. Alam nyo naman si Akihiro may pagka makulit din minsan gusto nyang lumipat din ng school. Sasama sya saakin." Sabi ko at napabunting hininga.

When I'm in High School (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon