"Yumi okay ka lang ba?" Tanong saakin ni Faye. Tumango nalang ako nasa canteen kami ngayon pero wala akong gana dahil hindi ako makakain ilang araw na akong ganito.
Hindi na kami nakakapag usap ni Akihiro. Tatlong linggo na hindi ko akalain na matitiis nya ako na hindi kausapin. Nagkikita naman kami tuwing magkakasama ang barkada pero hindi nya ako pinapansin at kinakausap. Nagtatry naman ako na kausapin sya pero papalapit palang ako umiiwas na sya. Sinusubukan din ng barkada na pag usapin kami ni Akihiro pero ayaw nya talaga madalas nagwawalk uot sya. Hindi ko na alam ang gagawin ko kay Akihiro gusto kong magkaayos kami pero parang ayaw naman nya. Ni ayaw nya akong tignan at kausapin. Madalas sa gabi umiiyak nalang ako kapag nasa loob ako ng classroom palaging lumilipad ang utak ko hindi narin ako nakikinig sa klase dahil nasa isip ko lang ay kung paano ba namin aayusin to ni Akihiro medyo bumababa narin ang mga score ko sa test at periodical namin dahil hindi ako nakapagreview ng maayos.
"Hay. Ang tagal nyo ng hindi nag uusap." Sabi ni Ayane. Nalulungkot rin sila sa nangyayari saamin ni Akihiro alam rin nila na napag awayan din namin yung kay Kevin.
"Kayo pa ba?" Tanong saakin ni Angie. Napabuntong hininga ako sa tanong ni Angie at tinigil ang pagkain wala talaga akong ganang kumain.
"Sabi nya oo kami pa pero pakiramdam ko hindi na." Malungkot na sabi ko sakanila.
Nararamdaman ko na ang mga luha ko sa mata kaya tumingala ako para mawala. Ayoko na kasing umiyak masakit na sa mata. Tumingin ako sakanila pati tuloy sila malungkot dahil saakin. Hindi si Akihiro ang nagsabi saakin na kami pa si Ryan ang nagsabi saakin tuwing magtatanong daw siya kay Akihiro kung kami pa daw ang sagot lang ni Akihiro ay 'Oo'. Madalas kinakausap ako ng barkada alam kong nililibang nila ako para hindi na ako masyadong mag isip pero kahit anong gawin nila hindi mawala sa isip ko si Akihiro. Gustong gusto ko na talagang maayos dahil isang bwan nalang graduation na namin at miss na miss ko na sya kahit na nakikita ko sya pero parang ang layo nya.
"Tatawagan ko nga si Akihiro..." Pagkasabi ni Angie napatingin ako bigla sakanya hawak hawak na nya ang cellphone nya.
"Angie wa--" Hindi ko na sya napigilan dahil itinapat nya sa mukha ko ang screen ng cellphone nya. Sumagot si Akihiro. Nakaramdam ako ng lungkot dahil tuwing ako ang tumatawag sakanya hindi sya sumasagot hindi rin sya nagrereply sa text at chat ko. Kapag pumupunta ako sa bahay nila palagi syang wala.
[Hello?]
Rinig kong sabi ni Akihiro namiss ko sya bigla. Hindi ko na kasi naririnig ang boses nya. Ngayon nalang ulit. Naka loud speaker kaya naririnig namin.
[Akihiro may itatanong ako sayo? Tungkol sainyo ni Yumi...]
Sabi ni Angie habang nakatingin saakin umiling naman ako para pigilan ang balak nya.
[Kung kasama mo si Yumi lumayo ka muna sakanya baka marinig nya ang pag uusapan natin.]
Napayuko naman ako sa sinabi ni Akihiro. Pati ba naman sa cellphone ayaw nya akong makausap. Hinihintay kong umalis si Angie pero hindi sya tumatayo.
[Wala si Yumi dito nasa cr. Itatanong ko lang sana kung kayo pa ni Yumi?]
Gusto siguro ni Angie na malaman ko yung pag uusapan nila kaya hindi sya umalis. Tahimik lang kaming nakikinig sakanila.
[Oo. Wala akong balak makipag hiwalay.]
Napangiti naman ako sa sinabi ni Akihiro kahit paano hindi sya nag iisip na makipag hiwalay saakin. Napangiti rin sila Faye. Gumaan ng kaunti ang loob ko.

BINABASA MO ANG
When I'm in High School (Completed)
Genel KurguSimula High School Means... Life. Fun. Memories. Love. Ang sarap balikan ng High School Life. Isa sa pinaka masaya at challenging na bahagi ng buhay ng isang tao. Mula sa unang pagtibok ng puso. "Haaaay! Ang cute nya talaga!" Sa mga hindi papaawat...