AKIHIRO POV
Nagpunta ako sa bahay nila Yumi kanina pero ang sabi ng Mama nya natutulog na daw si Yumi kaya hindi ko na siya pinagising. Hinayaan ko nalang siyang matulog pagod lang siguro sya. Pero bakit ganito yung pakiramdam ko na galit sya saakin? Alam ko sa sarili ko na hindi ko sya kinakausap dahil kinakabahan ako. May ibibigay sana ako sakanya pero hindi ko maibigay bigay. Valentines pa naman ngayon pero wala manlang akong nagawa para maging special tong araw na to para sakanya. Noon para saakin wala lang tong araw na to. Tss. Wrong timing naman kasi si Aira dumating. Nawala tuloy sa isip ko na may ibibigay ako kay Yumi. Naexcite ako kay Aira dahil ngayon nalang sya umuwi pagkatapos ng sampong taon.
"Iniwan nyo ko sa school nyo." Sabi ni Kharl. Nandito sila sa bahay namin kasama si Wynona. Gabi na nag iingay pa sila natutulog na sila Mama at Aidan. Tapos na daw silang makipagdate kaya sila nandito. Tss.
Nagpunta sila sa school namin kanina. Papasok na sana ako nun pero nakita ko sila na naglalakad sa school namin kaya tinawag ko sila. Open ang school namin kapag may mga program.
"Bigla bigla ka kayang nawala!" Sabi ni Aira sabay bato ng throwpillow kay Kharl.
"Nakakainis naman. Hindi ako nakasama sainyo. Ayaw akong paalisin nila Jiny kanina eh. Hindi ko tuloy kasama si Shin." Sabi ni Wynona may program din sa school nila Wynona kasali yung kaklase nila kaya hindi siya nakaalis pero itong si Kharl sadyang pasaway hindi pumasok para lang samahan tong si Aira na puntahan ako pati sila Owen sa school namin.
"Ay oo nga pala! Akihiro may papakita ako sayo!" Sabi ni Kharl at nilabas ang cellphone nya.
"Siya ba si Yumi?" Tanong ni Kharl. Kumunot ang noo ko. Tinapat nya sakin ang screen ng cellphone nya. May picture sya ni Yumi na nasa graden at nakaharap saamin ni Aira! Sh*t! Baka narinig nya yung sinabi ni Aira?
"Sabi sayo Kharl maganda si Yumi eh! 200 ko?" Sabi ni Wynona sabay lahad ng palad nya kay Kharl. Tss. Pinagpustahan pa ng mga pinsan ko si Yumi. Tss.
"Nakakainis ka. Hindi mo ko pinakilala!" Binatukan na naman ako ni Aira. Nakakailan na to! Pasalamat sya mas matanda sya sakin hindi ko sya pinapatulan.
"Bakit may picture ka ni Yumi?" Tanong ko kay Kharl. Bigla syang tumawa.
"Hindi lang picture! May number pa ako! HAHAHA! Actually tumawag pa nga ako sakanya kanina kaya sya nagpunta sa garden." Sabi ni Kharl. Biglang nag init ang dugo ko sa sinabi nya. Bakit nya tinawagan si Yumi? May gusto ba sya kay Yumi. Tss. May girlfriend na babaero pa.
"Kanino mo nakuha number nya?" Tanong ko sakanya.
"Kay Wynona." Pagkasabi nya tinignan ko ng masama si Wynona.
"Hehe peace!" Sabi ni Wynona. Napailing nalang ako. Mga isip bata talaga tong mga to.
"Wag na wag mo na siyang itetext at tatawagan. Amina na yang cellphone mo idedelete ko number nya." Sabi ko. Inagaw ko sakanya ang cellphone nya pero kaaagad nyang itinago sya likod nya.
"Ayoko nga. May plano pa ako! Wag mo kong paselosan hahaha loyal ako kay Valerie!" Sabi ni Kharl. Ayan na naman sya sa plano nya. Napapahamak lang ako kapag gumagawa ng plano si Kharl. Buti naman wala siyang gusto kay Yumi napanatag na loob ko.
"Tss. Ano?" Tanong ko sakanya. Ngumiti sya ng nakakaloko. Parang hindi ko yata gusto ang plano nya.
"Pagselosin natin si Yumi?" Sabi ni Kharl. Hinampas pa nya ang center table namin dito sa sala. Napaka ingay talaga nito sabi ng may natutulog.

BINABASA MO ANG
When I'm in High School (Completed)
Fiksi UmumSimula High School Means... Life. Fun. Memories. Love. Ang sarap balikan ng High School Life. Isa sa pinaka masaya at challenging na bahagi ng buhay ng isang tao. Mula sa unang pagtibok ng puso. "Haaaay! Ang cute nya talaga!" Sa mga hindi papaawat...