Nasa bahay kami nila Ate Wynona. Kinidnap nila ako kaninang umaga sa bahay namin. Nakakatawa nga eh dahil mga babae sila pero kung makahila saakin ang lakas. Mabuti nalang tumawa sila kaagad kaya nalaman kong sila iyong nangprank saakin nung pinasok na nila sa kotse namin. Oo saamin kasabwat si Ate ko. Kami lang ang nandito sa bahay nila Ate Wynona. Hindi daw nila talaga sinama sila Akihiro dahil mag uusap usap daw kami. Girl talk girl bonding daw."Nakabili na kayo ng susuotin nyo para sa JS prom?" Tanong ni Faye saamin. Oo nga pala next week na ang JS prom.
"Ako meron na kahapon lang ako nakapaghanap kasama ko si Angie." Sabi ni Patty habang pinapapak ang popcorn na niluto nila.
"Meron na rin ako. Sabay kaming bumili ni Owen para terno kami." Sabi naman ni Jessica.
"Pero Yumi nagselos ka ba Ate Aira?" Tanong ni Ate Shanen.
Nakatingin sila saakin. Nahihiya ako. Kailangan ko bang sagutin yun? Nahihiya akong mag open ng nararamdam ko. Hindi ako sanay. Dahan dahan akong tumango. Totoo naman ang tanong nya. Aaminin ko sa sarili ko nagselos nga ako. Nagpapasalamat narin ako na ginawa nila ang plano nila. Nang dahil dun nalaman ko ang nararamdaman ko para kay Akihiro.
"Sabi ko sainyo eh nagseselos sya. Nakakakilig naman!" Sabi ni Ayane naghampasan sila ni Angie, Maica at Patty.
"May gusto kana kay Akihiro?" Tanong saakin ng Ate ko. Nahihiya talaga ako sa usapan. Bakit ako ang topic? Tapos Ate ko pa ang nagtanong. Dahan dahan ulit akong tumango.
"Yumi ha. Ikaw pumapag ibig na hindi na puro libro ang love life mo." Sabi ni Jessica. Natawa ako sa sinabi nya. Oo nga eh dati puro libro lang ang inaatupag ko pero ngayon iba na may Akihiro na
"Naiimagine ko silang dalawa ni Kuya Akihiro at Yumi na magkahawak ang kamay sa personal!" Tili ni Maica. Hinampas pa nya ako sa braso.
"Ako din Yuhiro na talaga!" Tili ni Ayane. Napatakip kami sa tenga ang lakas ng boses mabuti nalang wala dito yung parents ni Ate Wynona.
"Huwag mo munang ipapaalam sakanya na gusto mo sya ha?" Sabi ni Ate Ria ngumiti sya ng nakakaloko. Nagtaka kami sa sinabi nya.
"Bakit naman?" Tanong ko kay Ate Ria.
"Tayo naman ang magpaplano?" Nakangiting sabi ni Ate Ria.
"Ayan na naman yang plano na yan baka magalit din saatin si Akihiro." Sabi ni Ate Wynona. Tama sya baka magalit din si Akihiro kagaya ko.
"Akong bahala kapag nagalit sya takot saakin si Akihiro." Sabi ni Ate Aira sabay pakita ng kamao nya. Natawa kami sakanya takot talaga sya kay Ate Aira.
"Anong plano ba yan?" Tanong ni Ate Akira. Ngumiti si Ate Ria saamin at nagsimula ng magsalita.
AKIHIRO POV
Tss. Akala nila hindi ko malalaman ang plano nila. Mga halatain sila pinapunta nila ako dito sa mall para lang pagselosin. Nakita ko si Yumi na may kasamang lakaki. Natawa ako. Lalaki nga ba? Nakita ko na yan kaklase yan ni Wynona. Kanina ko pa napapansin na nakasunod sila Ria saakin. Hindi ako magseselos sa bakla. Napapailing nalang ako sa mga pinagagawa nila kay Yumi.
"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko. Nagulat sila ng bigla akong lumingon at nagtanong kila Shanen. Para silang nakakita ng multo napahinto sila sa paglalakad. Napailing nalang ako sa reaction nila. Tinalikuran ko na sila para makalapit kay Yumi.
"Omg! Akihiro!" Sabi ng baklang kaibigan ni Wynona. Hindi ko sya pinansin tinignan ko si Yumi gulat syang nakatingin saakin. Why so cute baby?
"Kainis naman eh! Paano mo nalaman?" Tanong ni Ria. Nasa likod ko na pala sila.

BINABASA MO ANG
When I'm in High School (Completed)
Fiction généraleSimula High School Means... Life. Fun. Memories. Love. Ang sarap balikan ng High School Life. Isa sa pinaka masaya at challenging na bahagi ng buhay ng isang tao. Mula sa unang pagtibok ng puso. "Haaaay! Ang cute nya talaga!" Sa mga hindi papaawat...