Kabanata 31

2.5K 79 5
                                    

YUMI POV

"Guys uuwi na tayo bukas ang daming nangyari sa outing natin na to." Malungkot na sabi ni Ayane.

Nasa kusina kami kumakain kami ng hapunan. Medyo naging okay na ako pero natatakot parin ako baka pag lumabas ako makasalubong ko si Kenzo. Natatakot talaga ako buti nalang dumating na sila bago pa mangyari ang hindi dapat mangyari. Feeling ko natrauma ako. Paggising ko kanina umiyak ulit ako.

"Oo nga eh una yung apat na malanding babae tapos kanina yung manyak na lalaki naman." Sabi ni Maica. Lahat sila tumingin saakin.

"Sorry." Sabi ni Maica. Siguro nag aalala sila saakin kapag binanggit nila yung nangyari kanina.

"Okay lang. Okay naman na ako." Sabi ko sakanila at ngumiti kahit na pilit para hindi narin sila mag alala.

"Hay nakoo! Wag muna natin isipin yung mga ganyan! Dapat mag saya tayo ngayon kaya nga tayo nandito diba?" Sabi ni Ate Wynona.

"Oo nga at isa pa wala naman nangyari diba? Diba?" Sabi ni Kuya Shin.

Alam kong pinapagaan lang nila yung loob ko yung loob namin para hindi na masyadong mag isip ng mga hindi magandang nangyari saamin.

Kumain lang kami ng kumain yung mga lalaki na ang nagprisinta na maghugas ng pinagkainan namin. Naligo na din kami pagkatapos. Nahihiya ako sa nangyari kanina mabuti nalang nandyan sila para i-comfort ako.

"Yuki! Bumaba kayo dito!" Sigaw ni Ayane mula dito sa sala nanunuod ng tv. Lumabas naman ng kwarto si Yuki at bumaba ng hagdanan.

"Namimiss mo naman ako kaagad." Sabi ni Yuki sabay lapit kay Ayane.

"Heh! Umupo ka dyan." Sabi ni Ayane.

"Opo boss." Sabi ni Yuki. nagsalute pa sya kay Ayane ang cute talaga nilang tignan.

"Under!" Sabay sabay na sabi nila Maica.

"Sinusunod ko lang sya dahil ayokong mawala to." Sabi ni Yuki sabay akbay kay Ayane.  Si Ayane namula nagtakip ng mukha gamit ang unan.

"Langgam oh!" Turo ni Angie kila Ayane at Yuki. Hyper na ulit si Angie okay na kasi sila ni Daniel.

"Shin sino kausap mo?" Tanong ni Ate Wynona kay Kuya Shin na nakatayo habang nakalagay ang cellphone sa tenga.

"Mama mo." Sagot ni Kuya Shin. Tumango tango si Ate Wynona. Sanay na siguro sya na nakakausap ni Kuya Shin ang mama nya.

"Ang sweet...." Sabi nila Maica at Patty. Tumawa pang si Ate Wynona.

"Oh nandyan na boyfriend mo." Sabi ni Patty kay Faye.

"Bakit anong meron?" Tanong ni Rio pagbaba nya sa hagdanan.

"Pa-sweetan kasi yung mga couple dito baka gusto nyong sumali?" Natatawang sabi ni Maica.

"Ganun ba? Faye umalis ka sa harap ko." Sabi ni Rio kay Faye. Nagulat kami sa sinabi ni Rio kay Faye.

"Bakit?" Takang tanong ni Faye. Nakakunot ang noo nya habang nakatingin kay Rio.

"Dito ka sa tabi ko." Sabi ni Rio. Hinawakan nya yung kamay ni Faye at dinala sa tabi nya.

When I'm in High School (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon