"Umayos ka nga ng upo!" Sabi ni Ate Wynona kay Kuya Shin nandito sila sa bahay namin.
Paggising ko nalang kaninang umaga nandito na sila Kuya Owen, Kuya Shin, Kuya Adrie, Jeff, Ate Wynona, Jessica at Ate Shanen wala yung iba dahil nagbabaksyon pa.
"Ang tahimik naman wala kasi si Maica at Ria dito para mag ingay." Malungkot na sabi ni Ate Shanen.
"Wag na nga kayong magdrama." Sabi ni Kuya Owen kaya nabatukan sya nila Jessica. Si Kuya Owen ang taong ayaw sa drama.
"Sakit ha?" Sabi ni Kuya Owen habang nakahawak sa batok nya dinilaan lang siya ni Jessica.
Tahimik lang kaming nakaupo at nanunuod ng movie katabi ko sila Ate Wynona at Jessica. Kung hinahanap nyo si Akihiro wala siya dito. Galit ako sakanya may karapatan naman ako diba? Nag effort ako pero hindi sya dumating sya mismo nagsabi saakin na pupunta sya tapos hindi naman pala sya pupunta. Sana hindi nya nalang sinabi. Sana hindi ako nag effort at umasa.
"Hello? Oo. Nandito. Bakit? Sige sasabihin ko. Bye." Sabi ni Ate Akira sa kausap nya sa cellphone habang papunta dito sa pwesto namin.
"Sino yun?" Tanong ni Kuya Adrie. Umusog sya ng upo dahil tatabi sakanya si Ate.
"Si Akihiro. Yumi may pinapasabi sya sayo pupunta daw sya ngayon dito." Sabi ni Ate ko. Tumango nalang ako.
Magtatanong ako sakanya kung bakit hindi sya nakapunta. Galit ako oo pero gusto kong malaman ang dahilan. Hindi rin siya ngtext saakin kagabi kahit isang text wala. Ang huling text nya lang saakin iyong text nya kahapon ng umaga. Nagulat kami sa pagpasok ni Akihiro. Bakit pawis na pawis sya?
"Bakit ganyan itsura mo?" Takang tanong ni Kuya Shin kay Akihiro na pabagsak na umupo sa sofa at isinandal ang ulo nya.
"Tumakbo...ako." Hinihingal hingal na sinabi nya. Bakit naman sya tumakbo?
"Bakit saan ka ba galing?" Tanong ni Kuya Owen.
"Sa bahay nila Kharl. Hayop na Kharl yun kaya pala kanina lang ako nagising...pinainom ako ng pampatulog kahapon para isama sa outing nila tumakas lang ako." Inis na sabi nya. Bakit ba pinipilit nilang isama si Akihiro?
"Oo ako rin inaaya niya hindi ako pinayagan ni Daddy alam mo naman si Kharl gago yun kaya hindi ako pinayagan sumama. Bakit tumakbo ka hindi ka sumakay?" Sabi ni Ate Wynona.
"Wala akong dalang pera cellphone lang." Sabi ni Akihiro. Tumango tango naman sila. Tumayo ako at lumapit sa may center table kung saan nakalagay ang pitcher at baso. Pinaglagay ko sya ng juice. Lumapit ako sakanya at inabutan sya ng tubig. Tumingin sya saakin bago kinuha ang juice. Bumalik ako sa pwesto ko sa tabi nila Jessica.
"Yumi sorry hindi ako nakapunta kahapon." Sabi ni Akihiro. Nagulat ako ng sabihin nya yun sa harap ng mga kaibigan namin.
"Sayang hindi mo natikman ang lutong sisig ni Yumi ang sarap." Sabi ni Ate Akira. Natikman nya pala ang luto ko hindi kasi namin naubos ni Ate Aira kaya ngtabi kami.
"Meron pa ba?" Tanong ni Akihiro.
"Wala na inubos ko na nagutom ako kagabi eh." Sabi ni Ate Akira napakamot pa si Ate sa ulo nya.
"Magkaaway kayo?" Tanong ni Kuya Shin saamin.
"Puyat ka ba Yumi? Bakit ang laki ng eyebags mo?" Tanong ni Jessica. Napansin nya pala puyat talaga ako kagabi hindi ako nakatulog sa kaiisip kung bakit hindi nakapunta si Akihiro.
"Anong puyat umiyak kaya yan kagabi." Sabi ni Ate Akira kaya napatingin sila saakin.
"Bakit?" Tanong ni Akihiro bago tumingin saakin. Nag iwas ako katapat ko lang sya ng upo pero malayo kami sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
When I'm in High School (Completed)
Художественная прозаHigh School Means Life. Fun. Memories. Love. Ang sarap balikan ng High School Life. Mula sa unang pagtibok ng puso. "Haaaay! Ang cute nya talaga!" Sa mga hindi papaawat na kalokohan "Tara cutting tayo!" Sa gi...