Ang bilis talaga ng panahon graduation na ngayon nila Ate Akira. Nakakainis naman maiiwan na ako sa school namin aalis narin dito yung mga kaibigan ni Ate na naging kaibigan ko na din pati narin si Akihiro hindi ko na sila madalas makikita."Congrats Ate!" Masayang bati namin ni Jerome kay Ate Akira pagbaba nya ng stage dumiretso siya kaagad saamin nila Mama. Si Papa ang umakyat sa stage kasama nya.
"Salamat Yumi, Jerome!" Sabi ni Ate. Niyakap namin si Ate. Nakakatuwa papunta na si Ate sa future nya magka- college na siya!
"Anak bumalik ka na sa pwesto mo hindi pa tapos ang graduation." Natatawang sabi ni Mama kay Ate Akira.
Humiwalay na kami kay Ate para makabalik na siya sa upuan niya.
Natapos na ang graduation ceremony nila Ate Akira. Nakita ko na magkakasama sila Ate Akira pati sila Ate Shanen, Ate Ria, Kuya Owen, Kuya Shin at Akihiro. Mukhang mamimiss nila ang isa't isa hindi sila mapaghiwalay kapag mag kakasama sila. Saksi din ako sa pagkakaibigan nila kahit na nagkakaroon ng away nagpapatawaran parin sila.
Lumapit ako sakanila para batiin din sila ng congratulations. Naging kaibigan din naman kasi nila ako.
"Congrats mga Ate, Kuya." Sabi ko sakanila nginitian naman nila ako lalo na si Akihiro.
"Group hug!" Sigaw ni Ate Ria kaya naman nag group hug kami ang saya talaga nilang maging kaibigan.
"Congrats." Bati ko kay Akihiro at nginitian sya.
"Thank you." Sabi nya. Ginulo naman nya ang buhok ko kaya kinurot ko sya sa tagiliran.
"Akira hiramin ko muna si Yumi." Sabi ni Akihiro. Napatingin silang lahat samin ni Akihiro.
"Sige basta babalik mo!" Sabi ni Ate Akira kaya nagtawanan sila.
"Oo naman hindi ko naman siya itatanan." Sabi ni Akihiro. Pinamulahan ako ng pisngi sa sinabi ni Akihiro. Pinagttripan na naman ako nito. Tumango nalang si Ate kaya tinangay na ako ni Akihiro. Ang weird nilang ngumiti.
"San ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Akihiro habang naglalakad kami.
"Magtatanan." Sabi nya. Napatingon ako kaagad kay Akihiro madalas pinagttripan na ko nyan close na close na kasi kami kaya ayan madalas trip nya ako. Nalaman nya lang na may gusto ako sakanya kung ano ano ng sinasabi.
"Baliw! San nga?" Sabi ko sakanya.
"Joke lang. Kay Mama." Sabi ni Akihiro. Tumango nalang ako.
"Ma!" Tawag ni Akihiro nung nakita namin si Tita Aiko hawak si Aidan.
"Oh Akihiro nasabi mo na?" Masayang tanong ni Tita Aiko kay Akihiro. Tumingin saakin si Tita Aiko nginitian niya ako.
"Hindi pa Ma." Sabi ni Akihiro.
"Ang bagal bagal mo naman jusko. Congratulations matanda kana." Sabi ni Ate Aira niyakap nya sandali si Akihiro. Inirapan lang siya ni Akihiro.
"Akala ko nasabi mo na makahawak ka naman kasi sa kamay ni Yumi." Sabi ni Tita Aiko. Bigla akong nahiya sa sinabi ni Tita. Binitawan ko kaagad ang kamay ni Akihiro. Nakakahiya nakita pa ni Tita Aiko na hawak ni Akihiro ang kamay ko.
"Good evening po Tita." Bato ko kay Tita Aiko. Nakakahiya talaga. Nginitian ako ni Tita Aiko yung ngiting ngiti pati si Ate Aira. Weird naman nila ngayon.
"Ma mauna ka ng umuwi susunod nalang ako." Sabi ni Akihiro kay Tita Aiko.
"Sige anak good luck!" Sabi ni Tita Aiko.
"Good luck brother!" Sabi ni Ate Aira bago sila lumabas ng school.
"Tara Yumi." Sabi ni Akihiro. Hinawakan niya ulit ako sa kamay at saka kami naglakad.

BINABASA MO ANG
When I'm in High School (Completed)
General FictionSimula High School Means... Life. Fun. Memories. Love. Ang sarap balikan ng High School Life. Isa sa pinaka masaya at challenging na bahagi ng buhay ng isang tao. Mula sa unang pagtibok ng puso. "Haaaay! Ang cute nya talaga!" Sa mga hindi papaawat...