Kabanata 45

2.2K 59 1
                                    


Nasa gilid kami ng photobooth naghihintay na matapos ang mga studyante na nagpapapicture sa photobooth. Kasama namin ang buong barkada. Habang naghihintay kami kanina pa kami picture ng picture sa cellphone ni Angie. Dahil nga mahilig sa selfie si Angie sya ang palagi naming kasama sa picture may picture kami ni Angie na kaming dalawa lang, may picture rin kaming tatlo nila Akihiro, may picture rin kami nila Angie na puro babae lang tapos group selfie na ang iba. Malamang ilalagay na naman nya iyon sa album namin. Kung nangangailangan kami ng picture para sa project sa facebook lang kami ni Angie pupunta dahil sya lang naman ang pinakamahilig magtake ng picture. Stolen man yan meron kami panigurado.

"Next..." Sabi ng photographer para sa photobooth.

Kaagad kaming pumwesto sa harapan ng photobooth. Kumuha sila ng mga props na gagamitin yung mga wigs, shades, flowers at marami pang iba na pwedeng isama sa picture. Katabi ko si Akihiro habang nagpapapicture kami sa photobooth. May normal at wacky pictures kami. Tapos mga mga girls and boys photo kami. Meron ring couple photo.

Pagkayari namin magpapicture bumalik na kami sa table namin. Party music ang tumutugtog kaya pagkarating namin sa pwesto namin nakalahati na kami dahil sila Daniel, Rio, Jeff, Kuya Shin, Kuya Owen, Jessica, Angie, Patty, Maica, Ate Shanen at Ayane nasa dance floor na nagsasayaw. Naiwan kami nila Faye, Ate Akira, Ayane, Ate Ria, Kuya Adrie, Yuki at Akihiro dito sa pwesto namin.

Pinapanuod namin silang magsayaw sa dance floor. Ang kulit kulit nilang sumayaw kaya natatawa kami sakanila.

"Parang tuod sumayaw si Jeff. Katigas ng katawan nagsexy dance pa." Sabi ni Kuya Adrie at tumawa. Hindi marunong sumayaw si Jeff kaya natatawa kami matigas talaga ang katawan nya.

"Tignan mo naman daw si Maica. Para ng baliw kaiikot ng ulo magulo na buhok nya." Sabi ni Ate Akira at tumawa. Habang sumasayaw si Maica tumatalon sya at iniikot ang ulo nya. Ang hyper nya talaga.

Tawa kami ng tawa habang nanunuod sakanila sa dance floor hanggang sa matapos na silang sumayaw dahil sa pagod.

"Nakakapagod sumayaw. Kasakit ng biniti ko." Sabi ni Patty. Umupo sya sa pwesto nya at uminom ng tubig.

"Oo ako rin ang sakit ng paa ko my goodness." Sabi ni Ate Shanen. Nakaheels kasi kami kaya malamang sasakit ang paa nila.

"Mamaya na ulit tayo sumayaw. Ang sakit talaga sa binti. Heels pa more." Sabi ni Ayane. Napailing naman si Yuki sa sinabi nya.

"Sabi ko sayo magflat sandals ka nalang eh." Sabi ni Yuki kay Ayane.

"Duh! Ang pangit kaya kung flat. Mas bagay ang heels." Sabi ni Ayane at humigop ng juice.

"Gusto pa nahihirapan eh." Sabi ni Yuki sakanya. Umiling iling lang si Ayane.

"Oh baka naman mag away pa kayo nyan." Sabi ni Ate Akira sakanilang dalawa. Natahimik silang pareho hindi naman sila nag away natural na sakanila yan.

Love song na ang background music. May mga sumasayaw pa naman kaya lang marami narin ang nakaupo. Siguro napagod sa party music kanina.

"Gutom kana?" Tanong ni Akihiro saakin. Tumango ako. Nakakagutom na tatlong oras na kaming nandito at nagsasayaw 9 PM narin.

"Akira hindi pa sila magseserve?" Tanong ni Akihiro kay Ate Akira. Tumingin si Ate sakanya.

"Wait itatanong ko sa principal." Sabi ni Ate Akira. Tumayo na siya at naglakad papunta sa principal na nasa stage kasama nya si Kuya Adrie.

"Oo nga nakakagutom na. Wala na akong energy." Sabi ni Ate Ria. Natawa naman kami sa sinabi nya.

"Baka maghanap ka pa ng extra rice nyan? Sila magseserve." Sabi ni Kuya Owen sakanya. Binato ni Ate Ria ng wallet si Kuya Owen.

When I'm in High School (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon