Kabanata 74

1.6K 49 0
                                    

"Ang tagal nila nangangawit na ko." Sabi ni Ate Ria kanina pa kami nakatayo dito sa entrance ng mall hinihintay namin sila Akihiro, Kuya Shin at Ate Wynona. Wala pa kasi sila.

Hindi kami sabay nagpunta dito ni Akihiro dahil hindi naman sya nagsabi na susunduin nya ako hindi rin sya nagpunta sa bahay namin kahapon. Napag usapan lang ng barkada na magmamall kami ngayon sa group chat maliban kay Akihiro hindi sya nagchachat palagi lang syang seen.

"Tawagan nyo na nga tanungin nyo kung nasaan na sila." Sabi ni Ate Akira.

"Tatawagan ko na si Wynona." Sabi ni Ate Shanen kinuha nya ang cellphone nya sa bag nya at nagdial.

"Hello?....Nasaan na daw kayo?...Oo nandito na lahat kayo nalang tatlo ang wala....Sige bilisan nyo nalang." Sabi ni Ate Shanen sa cellphone.

"Anong sabi?" Tanong ni Kuya Owen kay Ate Shanen pagkayari ng tawag.

"Malapit na daw sila medyo na traffic lang daw." Sabi ni Ate Shanen saamin tumango naman kami.

"Bibili lang akong maiinom." Paalam ko sakanila. Nauuhaw na ako mainit pa naman dito sa labas.

"Pabili ako Yumi..." Sabi ni Patty nag abot sya saakin ng pera.

"Pabili din ako Yumi." Sabi ni Ate Akira.

"Samahan na kita." Sabi saakin ni Yuki. Tumango naman ako naglakad na kami papasok ng mall. Pagpasok kasi ng mall food court kaagad ang makikita. Naglakad na kami sa bilihan ng mga inumin sakto walang bumibili.

"Pabili--"

"Miss ako muna!" Nagulat kami ng biglang may bumunggo saakin kaya napatabi ako sa gilid.

"Pare dahan dahan naman." Sabi ni Yuki dun sa lalaki.

"Pasendya na pare. Pabili pong mineral water isa lang." Sabi ng lalaking bumunggo saakin inabot naman kaagad nung tindera ang mineral water na binili nya inabot din nya ang bayad nya. Humarap saakin yung lalaki.

"Pasensya na miss ha? Nagmamadali kasi ako." Sabi nya. Tumango nalang ako halata ngang nagmamadali sya tumatakbo syang umalis.

"Pabili pong coke yung nakabote po." Sabi ko sa tindera inabot nya saakin yung tatlong coke inabot ko rin ang bayad.

Naglalakad na kami ni Yuki palabas ng mall ng may bumunggo na naman saamin galing sa likuran ko kaya nalaglag ang hawak kong coke. Kukuhanin ko na sana ang mga mineral water pero may pumulot na. Tumingin ako kay Yuki nakakunot na ang noo nya.

"Miss pasensya na sa kasama ko ha? Nagmamadali kasi hinahanap na kasi sya ng pinsan nya at girlfriend nya." Sabi nya habang pinupulot ang coke hindi ko sya makita dahil nakayuko sya.

"Okay lang hindi naman masakit yun." Sabi ko sakanya habang nagpupulot sya. Tumayo na sya at inabot saakin yung mga bote ng coke. Napatingin naman sya sa mukha ko habang nakakunot ang noo. Hay nako nagkalat na naman ang gwapo sa mall nagkalat rin ang matangkad. Ang tangkad at ang gwapo nya.

"Teka parang namumukaan kita? Ikaw yung kasama nung pinsan ni olives? Ang ganda mo pala sa personal." Sabi nung lalaki. Ako naman ang napakunot ang noo. Sinong Oliver?

"Sino ba yung pinsan nya?" Tanong ko sa lalaki.

"Si Ate Shanen." Napanganga naman ako sa sinabi nya ang liit talaga ng mall nakabungguan ko pa ang pinsan ni Ate Shanen.

"Ah. Oo kaibigan kami ni Ate Shanen." Sabi ko sakanya. Baka nakita nya ako sa facebook kaya kilala nya ako.

"Anong pangalan mo?" Tanong nya saakin.

"Yumi Alcantara." Sabi ko sakanya.

"Kevin Lopez..." Sabi nya saamin ni Yuki makipagshakehands sya saamin.

When I'm in High School (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon