Nasa classroom ako ngayon nagbabasa ng libro. Hindi ako masyadong close sa mga kaklase ko kaya hindi ako nakikipagdaldalan sakanila. Tahimik lang ako palagi sa classroom nag uusap usap naman kami minsan ng mga kaklase ko yun nga lang hindi lang talaga ako close sakanila. Kinakausap naman nila ako pero dahil may pagka mahiyain ako hindi ako gaanong nagsasalita. Sinarado ko na ang libro ko dahil dumating na ang Prof namin sa english last na klase na namin to at makakauwi na ko nakapagfinals na kami kahapon may aayusin nalang ngayon kaya pumapasok pa kami."Wow. Ang sweet naman po nang boyfriend nyo Ma'am." Sabi ng kaklase ko na si Marie kay Ma'am Claire may dala kasing bulaklak si Ma'am.
"Oo sweet talaga siya." Nakangiting sabi ni Ma'am Claire saamin habang tinitignan ang bulaklak na hawak nya naalala ko tuloy si Akihiro.
Namimiss ko na sya isang linggo na kaming hindi nagkikita at hindi rin sya nagpaparamdam. Hindi ko naman alam kung bakit. Maayos naman kami nung nagpaalam sya na uuwi na sya pero bigla nalang syang hindi nagparamdam at hindi nagtetext kapag tinatawagan ko sya hindi sya sumasagot.
Tinanong ko ang barkada kung anong ginagawa ni Akihiro at bakit hindi sya nagpaparamdam saakin. Ang sabi lang nila hindi nila alam lahat sila pare pareho ng sinasabi pati sila Tita Aiko pinagtanungan ko na ang sabi lang nila hindi nila alam ganun din sila Mama pati narin si Ate Akira at Ate Aira. Naiinis ako dahil wala akong matinong sagot na nakukuha. Nakakainis dahil bigla nalang syang hindi magpaparamdam. Masakit at nahihirapan ako sa ganito ang layo namin sa isa't isa at ang hirap ayusin ng problema kung meron man.
"Sakanya po ba galing yan Ma'am?" Tanong ni Joshua.
"No..." Sabi ni Ma'am Claire bigla naman nagbulong bulungan ang mga kaklase ko.
"Eh kanino po Ma'am?" Tanong ni Dana.
"Sa lalaking gwapo dun sa labas pinakiusapan nya akong ibigay to kay Ms. Alcantara." Napanganga naman ako sa sinabi ni Ma'am lumapit sya saakin at inabot ang bulaklak. Kanino galing to? Nakakahiya! Pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko hindi ako sanay dahil nakakailang. Ang mga kaklase kong babae kinikilig.
"Wow! Angeline baka galing nayan kay Terrence diba may gusto sayo yun?" Sabi ni Marie katabi ko kasi sya. Nasa unahan kami nakapwesto dahil medyo malabo ang mata ko.
Angeline ang tawag nila sakin dito medyo nasasanay narin ako pero mas sanay ako sa Yumi eh. Kay terrence nga ba galing to? Si Terrence ang lalaki sa kabilang section ang sabi nila may gusto daw saakin yun dahil palagi akong pinupuntahan dito sa classroom pero hindi ko nalang pinapansin dahil may boyfriend na ako syempre kung may gusto nga yun saakin lalayo na ako. Ayoko naman na magkagulo pa diba dahil madalas sa mga ganung pangyayari nagsisimula ang problema kaya iniwasan ko na.
"Ha? Ah. Eh hindi ko a-alam..." Nahihiyang sabi ko sakanila hawak ko parin ang bulaklak. Gusto kong itakip sa mukha ko to dahil sigurado akong namumula ang mukha ko.
"Teka papasukin ko ha? Para makilala mo kung sino." Sabi ni Ma'am Claire biglang tinambol ng malakas ang dibdib ko sa kaba! Ano ba yan kinakabahan ako sa kung sinong nagbigay ng bulaklak. Wala akong idea kung sino!
"Whaaa! Angeline kung kay Terrence yan ang swerte mo! Ang gwapo pa naman nun." Sabi ni Dana crush kasi nila si Terrence kaya kapag nagpupunta si Terrence dito tuwing english namin palagi silang nakadikit saakin.
"Bago ko papasukin ang nagbigay ng bulakbak takpan nyo muna yung mata ni Ms. Alcantara." Sabi ni Ma'am Claire lalo naman akong kinabahan ano ba tong nangyayari. Nakakahiya na.
Tinakpan ng kaklase ko ang mata ko. Kinakabahan ako ng sobra sobra sino ba tong nagbigay ng bulaklak saakin babatukan ko dahil nahihiya na ako kinakabahan pa ko! Pero nagpapasalamat parin ako kung sino man ang nagbigay parang ang special ko sakanya. Nagulat ako nung tumili ang mga kaklase ko mukhang pumasok na ang nagbigay ng bulaklak saakin.
BINABASA MO ANG
When I'm in High School (Completed)
Художественная прозаHigh School Means Life. Fun. Memories. Love. Ang sarap balikan ng High School Life. Mula sa unang pagtibok ng puso. "Haaaay! Ang cute nya talaga!" Sa mga hindi papaawat na kalokohan "Tara cutting tayo!" Sa gi...