AYANE POVNasa classroom kami ngayon tapos na yung intrams namin. Sobrang saya kahit tatlong araw lang ginanap. 10 PM na kami umuwi kagabi.
Hindi parin nawawala yung kwentuhan tungkol sa intrams lalo na yung kwentuhan nila tungkol sa intrams party kagabi sobrang saya! Hindi na nga namin namalayan na marami na palang umuuwi dahil anong oras na tinapos pa kasi namin yung intrams party kagabi.
"Faye!" Pagpasok palang ni Maica ng room sumisigaw na sya kaagad. Binaba niya lang ang bag nya sa upuan nya pagkatapos nagpunta agad sa pwesto namin ni Faye.
"Bakit?" Tanong sakanya ni Faye.
"Totoo ba yung narinig ko o panaginip lang? May gusto sayo sayo si Rio?" Tanong ni Maica. Nagtinginan kami nila Patty, Faye at Angie.
"Oo." Sabay sabay na sagot namin.
"Ano bang nangyari kagabi?" Tanong ni Maica.
"Basta masaya nakatulog ka kasi!" Sabi ni Jeff.
"Bakit hindi nyo ako ginising?" Tanong ni Maica hinampas nya si Jeff sa braso.
"Hindi kana namin ginising sigurado kami na mangugulit ka!" Sabi ni Daniel. Tumawa sya.
"Kung nga matino ka, makulit kana paano pa kayo kung lasing ka?" Natatawang sabi ni Angie.
"Ubusin daw ba yung limang bote ng tanduay ice!" Natatawang sabi ni Patty.
"Masarap eh lasang sprite kaya ininom ko." Sabi ni Maica.
"Hi Yumi."
Bati namin kay Yumi pagpasok nya ng classroom. Late yata siyang pumasok ngayon? Maaga kasing pumapasok sila Yumi kaya nakakapagtaka na late siya ngayon.
"Hello."
Sabi nya. Matamlay yata sya? Pinanuod namin siyang maglakad. Bakit parang namumutla siya?
Lalapit na sana kami kay Yumi kaya lang dumating na si Ma'am Kristel. May sakit kaya sya?
YUMI POV
Ang sama ng pakiramdam ko pag gising ko kaninang umaga mabigat na talaga ang pakiramdam ko. Muntik pa nga kaming malate ni Ate Akira dahil saakin ayaw pa naman nya ng late pero ayokong umabsent. Kaya ko pa naman siguro.
Habang naglelesson yung mga teacher namin palagi nila akong tinatanong kung okay lang ba ako kasi daw namumutla ako sabi ko naman okay lang. Ayokong papuntahin nila ako sa clinic.
Nakadukmo ako ngayon sa arm chair ko nahihilo ako at nilalamig may aircon pa naman sa classroom namin.
"Yumi tara na recess na." Kinalabit ako ni Yuki sa balikat kaya inangat ko ang ulo ko. Nakatingin sila saakin ni Ayane.
"Dalhin ka na kaya namin sa clinic?" Tanong ni Yuki. Umiling ako.
"Gusto mo ibili ka nalang namin sa canteen?" Tanong ni Ayane.
"Hindi na sasama ako." Sabi ko.
Nagkatinginan silang dalawa. Alam ko nag aalala sila saakin pero ayoko naman na ibili pa nila ako sa canteen tapos babalik pa sila dito sa room.
![](https://img.wattpad.com/cover/29749464-288-k350349.jpg)
BINABASA MO ANG
When I'm in High School (Completed)
Художественная прозаSimula High School Means... Life. Fun. Memories. Love. Ang sarap balikan ng High School Life. Isa sa pinaka masaya at challenging na bahagi ng buhay ng isang tao. Mula sa unang pagtibok ng puso. "Haaaay! Ang cute nya talaga!" Sa mga hindi papaawat...