Kabanata 20

2.9K 90 9
                                    


Nakahalumbaba ako habang nagsusulat ng reviewer sa reviewer notebook ko. Binabasa ko muna bago ko isukat. Nasa rooftop ako mag isa. Nakaupo ako sa maliit na bleachers na bakal at ginawang lamesa ang upuan. Iniwan ko na muna sila Yuki at Ayane sa classroom. Umalis rin ako doon dahil maingay. Malapit na ang second grading namin kaya kailangan ko ng gumawa ng mga reviewers.

Napalingon ako nung bumukas ang pintuan ng rooftop hudyat na may pumasok. Pagtingin ko ay si Akihiro pala. Nagulat sya ng makita ko.

"Bakit mag isa ka?" Tanong nya saakin. Naglalakad sya papunta sa pwedto ko habang nakapamulsa.

"Gumagawa ako ng reviewer malapit na kasi ang second grading." Sabi ko sakanya.

Binaling ko narin ang atensyon ko sa ginagawa ko pero nadidistract ako dahil nararamdaman ko ang paninitig nya. Na naman. Bakit kaya ang hilig nyang tumingin ng matagal o tumitig? Huminto ako at nilingon sya.

"Bakit?" Tanong ko sakanya. Alam nya naman siguro kung anong sinasabo ko dahil bigla syang nag iwas ng tingin at umupo sa bleacher sa tabi ko. Sa tabi ko mismo.

"May itatanong ako..." Sabi ni Akihiro saakin. Hindi na sya nakatingin saakin. Sa papel ko nalang sya tumingin.

"Ano?" Tanong ko sakanya.

"What if.....wala." Sabi ni Akihiro at umiling. Nagkibit balikat nalang ako.

Pinagpatuloy ko na talaga ang ginagawa ko at sya ay nakaupo lang sa tabi ko buong oras hanggang sa matapos ako.

Nakikinig ako sa teacher namin na naglesson tungkol sa history. Maraming dinidiscuss sa history kaya todo sulat ako sa notes ko. Baka magkaroon ng surprise quiz mahirap na baka kaunti lang ang masagot ko. Hindi ko sinasabi kila Ayane at Yuki yung ginawa sakin nila ate Hazel na pangbubully ayokong magkaroon ng away. Tuwing maglalakad ako naiisip ko na baka bigla nalang akong ibully nila Ate Hazel. Natatakot ako at kinakabahan kapag mag isa lang ako.

"Yes uwian na!" Masayang sabi ni Ayane. Nagtinginan yung mga kaklase namin sakanya.

"Hehe peace!" Sabi niya. Hinila nya kaming dalawa ni Yuki palabas ng classroom.

"Ang lakas talaga ng boses mo pwede kang microphone." Natatawang sabi ni Yuki kay Ayane. Natawa di ako.

"Heh! Bwiset ka!" Hinampas ni Ayane si Yuki sa braso.

"Mahal mo naman." Sabi ni Yuki kay Ayane.

"Hala! Ayane namumula ka." Sabi ko kay Ayane. Nagblush si Ayane. Hinawakan niya agad yung pisngi niya.

"A-anong na m-mula! Mainit lang tara na nga ng makauwi na!" Sabi ni Ayane. Tinawanan namin si ni Yuki. Nauna na siyang maglakad saamin kaya sumunod na kami nakahawak parin sya sa pisngi niya.

"Nakakatawa talaga si Ayane." Sabi ni Yuki. Papalabas na kami ng gate ng school. Si Ayane nauna parin maglakad nakahinto na nga siya sa tapat ng gate eh.

"Buti hindi naiinis sayo si Ayane?" Tanong ko kay Yuki.

"Mahal nya kasi ako." Sabi ni Yuko. Tumawa ako. Taas noo talaga sya ha? Proud boyfriend.

"Sige Yumi uwi na kami ingat kayo. Text ka kapag nakauwi kana." Sabi ni Yuki. Inakbayan niya si Ayane kaya namula na naman sya.

When I'm in High School (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon