Kabanata 32

2.7K 76 7
                                    


May pasok na ulit kami masaya naman yung naging outing namin kahit na medyo nagkaroon ng hindi magandang pangyayari. Mas madami parin naman nangyari na masaya. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na mahal ako ni Akihiro. Wala naman nagbago yun nga lang ngayon alam ko na may nararamdaman saakin si Akihiro. Ganun parin siya Masungit, Snob at Matampuhin.

"Okay class bukas na ang laban ng mga escort ng iba't ibang school kaya dapat lahat tayo sumuporta kay Yuki ha? Lalo na ang section natin. Kaklase nyo si Yuki kaya dapat tayo ang pinaka maingay at pinakamalas mag suporta kay Yuki." Sabi ng homeroom teacher namin na Ma'am Kristel.

"Oo naman Ma'am! Sa boses palang ni Ayane walang wala na yung ibang school!" Sabi ni Jeff. Back to normal na kami.

"Oo nga! Mas malakas pa sa microphone!" Sabi ni Daniel.
Naghigh five sila ni Jeff. Malakas talaga yung boses ni Ayane kaya alam na alam ng buong klase.

"Oy! Grabe kayo!" Sabi ni Ayane kila Jeff.

"Gwapo na naman yung boyfriend mo. Bukas marami ka na naman kaagaw." Sabi ni Angie.

Last year kasi kahit hindi namin ka schoolmate nagchi-cheer kay Yuki malaki rin kasi ang percent ng audience impact kaya napang 1st place kami nun.

"Oo nga eh pero okay lang baka manalo pa tayo ng dahil sakanila!" Sabi ni Ayane kay Angie.

"Huh? Bakit?" Takang tanong ng iba naming kaklase.

"Kasi diba madalas kung sino yung pinaka maraming cheer siya yung nakakakuha ng mataas na points?" Paliwanag ni Ayane sa mga kaklase namin.

"ma'am! Gagawa tayong banner?" Tanong ni Faye.

"Oo nga po Ma'am wala naman po kaming klase pagkayari nitong subject nyo eh." Sabi naman ni Jessica.

"Osige. May mga gamit ba kayo?" Tanong ni Ma'am Kristel saamin. Nagtinginan si Jeff at Daniel bago magsalita.

"Kami pa ba mam? Syempre wala! Hahaha." Sabay na sabi ni Jeff at Daniel. Napailing nalang si Ma'am. Loko loko talaga eh sila eh.

"Kayo talaga! Osige bumili kayo ng gamit 10 mins lang bawal ang maingay sa labas may mga nagkaklase pa." Sabi ni Ma'am Kristel.

"Ma'am pwedeng bumili ng pagkain?" Tanong ni Patty.

"Ang hilig mo talagang kumain patty kaya tumataba ka eh." Sabi ni Maica. Chubby cheeks kasi si Patty mahilig talaga siyang kumain.

"Aray!" Sabi ni Maica kinurot kasi siya ni Patty sa pisngi.

"Oo sige basta wag kayong sisigaw dyan sa labas makakaistorbo kayo sa ibang section." Sabi ni Ma'am Kristel.

"Yes Ma'am!" Sagot nilang dalawa.

"Tara Yumi bili tayo ng gamit gawa tayong banne." Sabi ni Ayane. Tumango ako at tumayo. Lumapit sakin si Ayane at kumapit sa braso ko.

"Excited na ako para bukas." Sabi ko. Lumabas na kami ng room yung iba nasa labas narin.

"Kinakabahan ako." Sabi ni Ayane habang naglalakad kami.

"Bakit naman?"

"Baka kasi magkamali siya o kaya mahiya sya alam mo naman yun may pagka mahiyain din minsan lalo na kapag kinakabahan." Sabi ni Ayane.

"Kaya nya yan! Pangalawang beses nya na to diba? At isa pa nagpractice kaya sya kaya nya yan!" Sabi ko. Kaya ng bestfriend ko yun.

"Dalawang white cartolina nga po." Sabi ko sa tindera. Yung mga kaklase ko nakabili na nauna kasi sila saming bumili.

When I'm in High School (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon