"Tara slide tayo!" Sigaw ni Maica.Nasa gilid lang ako ng pool pinapanuod silang mag swimmin. Kaunti lang yung tao ngayon dito sa resort ng Tito ni Faye kaya naman malayang nakakasigaw si Maica. Hapon na kami nagswimming para hindi mainit.
"Yumi tara!" Hinila ako ni Angie patayo at hinila papunta sa hagdanan ng slide. Medyo mataas kaya nakakapagod umakyat kaming mga babae lang yung umakyat para magslide.
"Mauna ka Maica tutal ikaw nag aya saamin." Natatawang sabi ni Ate Ria nag okay sign naman si Maica.
Magkakasunod kami sa slide si Maica yung nasa unahan nasa likod niya si Angie, Ate Shanen, Ate Akira, Patty , Ate Ria, Ayane, Jessica, Ate Wynona, Ako at Faye.
"Ready?" Tanong ni Maica kaya naman nag simula na kaming magslide mahaba habang slide to.
Habang nagslide kami tawa lang kami ng tawa bawat liliko kami sa slide sumisigaw kami. Tanaw namin mula dito sa itaas na nakatingin saamin yung mga lalaki at tawa ng tawa saamin.
Malapit na kaming bumagsak sa pool. Sunod sunod kaming bumagsak sa pool kahit na nagkatamaan na kami tawa parin kami ng tawa.
"Isa pa!" Sabi ni Ate Ria nung nakaahon na sya sa tubig.
"Ayoko na nakakapagod umakyat!" Sabi ni Ate Shanen.
Umupo muna kaming lahat sa gilid ng pool maya maya may dumaan na apat na babae sa gilid namin. Tinignan ko yung mga mukha nila Ayane halatang naiinis sila dahil inagaw nila yung atensyon nila Yuki nakatingin din kasi sila sa apat na babae na dumaan sa gilid namin. Mga naka bikini kasi sila syempre makikita nila yun sa gilid namin dumaan eh. Huminto yung apat na babae at nag pacute kila Akihiro. Sila naman ang lalapad ng ngiti naririnig ko pang bumubulong si Jeff at Daniel ng sexy nag high five naman si Rio at Kuya Owen at sabay na sinabing maganda. Napatingin kami kay Jeff at Daniel na lumapit sa mga babae nakipag usap sila at nagtawanan. Nagulat kami ng halikan nung dalawang babae si Jeff at Daniel sa labi. Lahat kami nanlaki ang mata. Ang bilis kasi ng pangyayari. Nakipag usap lang hinalikan kaagad.
"Yung mata mo Shin! Tatanggalin ko yan!" Sigaw ni Ate Wynona nagulat naman ni si Kuya Shin kaya kaagad nyang nilambing si Ate Wynona pero hindi sya pinapansin.
"Nakakita lang kayo ng sexy halos dumikit na yung mata nyo sakanila. Ano gusto mo rin mahalikan?" Sabi naman ni Ate Akira sabay pingot sa tenga ni Kuya Adrie.
"Ikaw Yuki! Baka gusto mo rin makatikim ng kiss galing sakanila? Go!" Sabi ni Ayane. Nakahakukipkip nyang sabi kay Yuki.
"Maganda pala ha?" Pinandilatan ng mata ni Faye si Rio. First time mag aaway tong sila Faye at Rio.
Kakausapin sana si Kuya Owen si Jessica kaya lang hindi siya pinansin kinausap lang ni Jessica si Maica na nakatabi nya. Hindi na nakapag salita yung mga lalaki dahil sa puro sermon ang inabot nila dahil sa pagtingin nila sa apat na babae.
Tinignan ko si Akihiro napapailing nalang siya sa mga kaibigan namin. Sya kaya tumingin sa mga babae? Hindi ko kasi nakita.
"Ikaw anong tingin mo dun sa apat na babae?" Sabi ko. Hindi ko na napigilan na magtanong curious ako.
"Maganda at sexy..." Sabi ni Akohiro. Nakapoker face na sabi nya. Tumango nalang ako hindi iyon ang ineexpect kong sagot nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/29749464-288-k350349.jpg)
BINABASA MO ANG
When I'm in High School (Completed)
Ficción GeneralSimula High School Means... Life. Fun. Memories. Love. Ang sarap balikan ng High School Life. Isa sa pinaka masaya at challenging na bahagi ng buhay ng isang tao. Mula sa unang pagtibok ng puso. "Haaaay! Ang cute nya talaga!" Sa mga hindi papaawat...