"Tara na?" Tanong ko kila Angie at Patty.
Inaya nila akong gumala ngayon wala daw kasi silang magawa sa bahay ganun din naman ako kaya pumayag na ako. Kaming tatlo lang ang magkasama ngayon may kanya kanyang lakad ang barkada.
"Hay. Kawawa naman tayong tatlo wala tayong boyfriend." Sabi ni Patty habang naglakakad kami.
"Tayong lang dalawa gaga may boyfriend kaya si Yumi." Sabi naman sakanya ni Angie. Ito talagang dalawang to parang walang problema minsan ko lang sila makita na tahimik at malungkot pero madalas mahilig silang magpatawa at mag ingay.
"Ay oo nga pala kasi naman tatlong araw na kaya silang hindi nag uusap." Sabi ni Patty. Napabuntong hininga naman ako. Tama si Patty tatlong araw na kaming hindi nag uusap ni Akihiro. Nagtetext sya saakin kapag magpapaalam lang sya tapos wala na.
"Nagkakausap pa ba kayo ni Akihiro?" Tanong ni Angie. Umiling naman ako.
"Hay nako kasi naman ayaw pang pumayag ni Akihiro." Sabi ni Patty sinipa pa nya amg bato sa daan. Alam ko naiinis si Patty sa ginagawa ni Akihiro na hindi pagpansin saakin pero sinabi ko sakanya na hayaan muna namin si Akihiro na mag isip.
"Ano ka ba syempre ayaw lang malayo ni Akihiro no!" Sabi sakanya ni Angie bumaling naman sya ng tingin saakin.
"Nasaan nga pala si Akihiro?" Tanong ni Angie.
"Nagpunta daw sa bahay ni Lolo Hero nandun daw kasi yung mga pinsan nya." Sabi ko. Nagpaalam naman sya saakin kanina yun nga lang hindi na sya nagreply nung nagtext ako sakanya.
"Hay basta wag na nga natin pag usapan yan. Magpakasaya rin tayong tatlo." Sabi ni Patty huminto naman sya sa paglalakad kaya huminto narin kami nasa kanto na pala kami.
"Sakay!" Tawag ni Angie at Patty sa mga tricycle driver na nakapila malapit sa kanto namin.
"Sa grocery store po manong." Sabi ni Patty kay manong sya kasi ang nasa maliit na upuan mas maliit kasi saamin ni Angie si Patty kaya dun sya umupo. Nagsimula ng magdrive si manong.
"Bakit sa grocery store tayo pupunta?" Tanong namin ni Angie.
"Nakakasawa na yung palagi nalang tayo sa mall. Para maiba naman pumunta tayong grocery store para bumili ng pagkain magluluto tayo tapos manunuod tayo ng movie!" Sabi ni Patty halatang excited sya sa naisip nya ang lapad ng ngiti at hyper.
"Pagkain talaga nasa isip mo Patty? Mabuti nalang hindi ka tumataba masyado." Natatawang sabi ni Angie.
"Masarap kayang kumain!" Sabi ni Patty hinampas pa nya si Angie sa braso.
"Ang sabihin mo wala ka lang boyfriend kaya ka kain ng kain." Sabi ulit ni Angie. Inirapan siya ni Patty natawa naman sakanya si Angie. Nakikitawa nalang ako sakanila. Ang kukulit.
Pagdating namin sa grocery store kumuha kaagad ng cart si Patty mukhang maraming pera ngayon si Patty ang dami nyang inilalagay sa cart. Bumili rin kami ng pancake yun daw ang lulutuin namin akala ko ba naman magluluto kami ng adobo o sinigang mga ganung luto pero pancake lang pala.
Nung nabili na namin lahat ng gusto naming bilhin binayaran na namin syempre si Patty na ang nagbayad ang dami nga nyang pera. Nagpadala daw kasi ng pera yung Papa nya. Buhat buhat na namin ngayon ang tatlong malalaking plastic bag tigi tigisa kami nila Patty at Angie ang dami kasing binili ni Patty. Ang hirap magbuhat ang bigat!
"Kaninong bahay tayo pupunta?" Tanong ko sakanila hindi naman pwede sa bahay bamin dahil wala akong dalang susi aalis pa naman si Mama at hindi ko alam kung saan pupunta.
"Sa bahay namin. Tara na maglakad na tayo." Sabi ni Patty napanganga naman ako. Kung lalakarin namin simula dito hanggang sa bahay nila Patty siguro 2 hours kaming naglakakad malayo yun kung lalakarin lang namin.

BINABASA MO ANG
When I'm in High School (Completed)
General FictionSimula High School Means... Life. Fun. Memories. Love. Ang sarap balikan ng High School Life. Isa sa pinaka masaya at challenging na bahagi ng buhay ng isang tao. Mula sa unang pagtibok ng puso. "Haaaay! Ang cute nya talaga!" Sa mga hindi papaawat...