Pagpasok namin sa carnival maingay na marami narin tao dahil mag gagabi narin huminto kami sa tapat ng roller coaster.
"Sakay tayo dun!" Turo ni Jeff sa roller coaster.
"Hindi pwede si Yumi dyan baka mahilo sya." Sabi ni Yuki. Tumingin naman sila saakin.
"Hindi. Sige kayo nalang hintayin ko nalang kayo dito." Sabi ko sakanila. Ayoko naman mg dahil lang saakin hindi sila makakasakay sa gusto nilang sakyan.
"Sure ka?" Tanong ni Ayane tumango naman ako. Pinipilit ni Ryan na samahan nalang nya ako dito pero pinigilan ko sya sinabi ko okay lang ako dito. Pumayag naman sya gusto nya rin naman sumakay dun.
"Enjoy!" Sabi ko sakanila nung nakita ko ng sila na ang sasakay.
"Whooooo!" Sigaw nila nung umandar na ang roller coaster. Hanggang dito rinig ko parin yung tili ni Ayane at Patty.
"Ang saya grabe!" Sabi ni Jessica pagbaba nila ng roller coaster.
"Nabingi ako sa tili nyo." Sabi ni Daniel habang nakalagay ang hintuturo nya sa tenga.
"Ako din ang lakas palang tumili ng mga babae sumakit talaga tenga ko." Sabi din ni Rio nakatanggap sila ng batok kila Ayane.
"Tara dun naman tayo!" Sabi ni angie sabay hila samin sakin sa carousel.
"Pwede na siguro si Yumi dyan hindi naman sya mahihilo dyan." Sabi ni Yuki tumango tango naman sila.
"Oo. Tara na." Sabi ni Ayane. Hinila na ulit nila ako pero papunta sa carousel bigla akong napahawak sa ulo ko.
"Bakit?" Nag aalalang tanong nila Faye at Yuki. Nagkatinginan pa sila at nataranta.
*Flashback*
Sumakay kami sa mga rides kahit na nakakahilo at nakakatakot sumasakay parin kami. Tawa nga ako ng tawa dahil parang kaunti nalang susuka na si Akihiro kaya tumigil na kami sa pagsakay kawawa naman sya namumutla na. Hindi siya sumisigaw kapag simasakay kami sa mga rides kaya ayun nahilo nakaupo kami ngayon sa bench malapit sa carousel.
"Nahihilo ka pa ba?" Tanong ko sakanya. Nakapatong na ang ulo nya sa balikat ko para bang pagod na pagod na sya. gusto na nyang natulog. Hindi siya sumagot.
"Bibili lang ako ng inumin may gamit ako dito sa bag ko." Sabi ko. Tatanggalin ko nasana yung kamay nya sa kamay ko pero hinigpitan nya pa ang pagkakahawak.
"Dito ka lang." Pabulong na sabi niya.
*End of flashback*
"Yumi, okay ka lang?" Nag aalalang tanong ni Ryan. Napatingin ako sa barkada lahat sila nakatingin saakin.
"Okay lang. Tara sakay na tayo." Sabi ko sakanila at nauna ng maglakad papunta sa carousel.
Habang nagsusulat ako ng mga lecture ko kanina pa magvivibrte ang cellphone ko. Kanina pa text ng text si Akihiro. Ayoko naman replyan sya dahil gusto kong matapos ngayong gabi ang pagsusulat ko ng lecture marami rami rin ito dahil sinusulat ko ang mga lecture na hindi ko nakuha noong absent ako sa lahat ng subject ko kaya kailangan kong maisulat to lahat. Kanina pa simula pag uwi ko sa bahay nagsusulat na ako ng lecture mabuti nalang pinahiram ako ni Yuki ng mga notebook nya.
"Yumi, magreply ka daw kahit isang beses lang sabi ni Akihiro." Napalingon ako kay Ate Akira ng magsalita sya. Nakatalikod ako sakanya dahil nasa study table ako habang sya nakahiga na sa kama nya. Napabuntong hininga nalang ako at tumango.
Tinalikuran ko na si Ate at ibinaba ang ballpen na hawak ko. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa lamesa. May 18 message at 5 missed calls sya saakin.

BINABASA MO ANG
When I'm in High School (Completed)
Ficción GeneralSimula High School Means... Life. Fun. Memories. Love. Ang sarap balikan ng High School Life. Isa sa pinaka masaya at challenging na bahagi ng buhay ng isang tao. Mula sa unang pagtibok ng puso. "Haaaay! Ang cute nya talaga!" Sa mga hindi papaawat...