Nandito kami sa bahay nila Akihiro sinama ako ni Ate Akira. Pagdating namin ni Ate nandito ang buong barkada ang ingay nga namin dito sa bahay nila nakakahiya naman sa Mama nya."Uy! Photo album oh!" Turo ni Ayane sa photo album na nakalagay sa ilalim ng center table. Nakaupo kami sa sofa nila na paikot kaya nakita nya yung photo album na nakalagay sa ilalim ng center table.
"Kunin mo dali hangga't wala si Akihiro!" Sabi ni Ate Shanen. Tumingin pa sya sa itaas namdion si Akihiro naliligo daw sabi ng Mama nya.
Kinuha ni Ayane yung photo album sa ilalim ng center table at nagsimula ng magtingin ng mga pictures."Wow. Bata palang sya gwapo na sya." Sabi ni Jessica habang nakatingin sa photo album kaya lumapit kami para makita yung tinitignan nila.
"Sino tong kasama nya sa picture?" Tanong ni Faye tinuro nya yung batang babae sa picture.
"Yung pinsan yata nila yan." Sabi ni Ate Shanen. Tumango tango kami.
"Oo nga ang cute nya dito." Turo ni Angie sa picture ni Akihiro na nakasakay sa kabayo mukhang nasa field trip sya sa picture suot nya kasi ang PE uniform ng school nila.
"Saan sya nakatingin dito? Hahaha. Stolen lang ang peg nya dito." Sabi ni Ate Ria. Tinuro nya ang picture ni Akihiro na nakatingin sa kaliwa sa harap ng horror house.
"Hahaha. Baka naghahanap ng chicks!" Natatawang sabi ni Kuya Shin.
"Baliw! Hindi babaero si Akihiro. Wag mo syang igaya sayo." Sabi ni Ate Wynona sabay pingot sa tenga ni Kuya Shin. Natawa naman kami sa kanilang dalawa.
"Huy! Wag kayong maingay baka marinig kayo ni Akihiro ayaw nyang pinapakita yung photo album na yan!" Saway ni Ate Akira samin. Tawa kasi kami ng tawa.
"Anong tinitignan nyo?" Bigla napatigil sa pagbuklat ng photo si Jessica ng narinig nya yung boses ni Akihiro. Dahan dahan pa silang lumingon.
"Tinitignan nila yung photo album mo." Sabi ni Kuya Owen. Tinignan sya ng masama ni Jessica. Biglang nanlaki ang mata nya at inagaw ang photo album kay Jessica sabay tago sa likod nya.
"Nakita nyo lahat?" Tanong ni Akihiro.
"Hindi. Bakit ano bang meron sa photo album na yan?" Takang tanong ni Jessica. Yung itsura ni Akihiro parang kinabahan.
"Wala. Tara na?" Tanong nya saamin.
"Let's go!" Sabi nila Ate Ria at Ate Shanen. Pupunta kami ulit sa carnival. Nainggit daw kasi sila Ate Shanen sa picture namin last week nung nagpunta kami sa carnival nakita nila facebook na inupload ni Angie. Ngayon kami pupunta dahil linggo hindi sila pwede nung sabado last week dahil may pasok sila.
Nag commute nalang kami halos mapuno na ang jeep nung sumakay kami buong barkada kasama. Sa kanang upuan ng jee sila Ate akira, Kuya Adrie, Ate Shanen, Ate Ria, Yuki, Ayane, Rio, Faye, Angie, Patty sa kaliwang upuan naman Ryan, Ako, Akihiro, Kuya Shin, Ate Wynona, Jessica, Kuya Owen, Jeff at Daniel.
BINABASA MO ANG
When I'm in High School (Completed)
Художественная прозаHigh School Means Life. Fun. Memories. Love. Ang sarap balikan ng High School Life. Mula sa unang pagtibok ng puso. "Haaaay! Ang cute nya talaga!" Sa mga hindi papaawat na kalokohan "Tara cutting tayo!" Sa gi...