Kabanata 13

3.5K 97 7
                                    


Mabuti nalang hindi yung dating player nila ang nakakalaban ko kanina kunghindi talo kami. Hindi pala ganun karunong magbadminton si Kaila yung nakalaban ko kanina nalaman ko lang yung pangalan nya nung nagcheer sakanya yung mga kaklase nya.

Napilitan lang daw yung mga kaklase niya na paglaruin si Kaila kanina kasi nanunuod daw yung mommy nya. Yun ang rinig ko kila Patty kanina nung natapos ang game. Nanalo kami sa badminton hindi ko nga inaasahan na mananalo ako kasi hindi naman ako masyadong magaling sa badminton. Nung nalaman kong nanalo kami kagaya ni Jeff natulala din ako kasi nakakagulat. Hindi naman ako talaga magaling magbadminton pero nanalo parin kami.

Sa sabrang saya nila natulak at nahamps pa nila ako kanina. Maraming bumati saakin ng conratulations bukod sa mga kaklase ko at kateam namin. Binati rin ako ni Ate Akira at ng mga kaibigan nya.

Ang sarap sa pakiramdam na nakapanalo ako ng game bukod sa nag enjoy ako nanalo pa kami. Sobrang saya ko kasi may naitulong ako sa team namin. Sobrang sarap sa pakiramdam parang gusto ko na tuloy ulit sumali sa mga game kapag intrams. Gusto ko naman matuto ng volleyball hindi kasi ako marunong. Nakikinuod lang ako palagi kila Ayane kapag naglalaro sila kapag PE.

Tapos na yung mga game ngayon. Bukas naman yung event ng Mr. And Ms. Intramurals ng school. Nanalo yung section nila Ate Akira sa basketball at badmenton pero sa volleyball girls talo sila kasi malalakas yung kalaban nila Ate Akira. Papalabas na kami ng school ni Ayane at Yuki kaya lang biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya tumakbo kami para makasilong sa may lilim ng puno.

"Umulan na naman." Sabi ni Yuki. Kahapon din ng hapon umulan dahil siguro sa init.

"Si Kuya Akihiro oh." Sabi ni Ayane. Tinuro nya si Akihiro na tumatakbo sa ulan.

"Akihiro!" Tawag ko sakanya. Tumingin siya saamin at tumakbo palapit sa pwesto namin.

"Bakit nagpapaulan ka?" Tanong ko kay Akihiro. Basang basa na siya.

"Hinahanap ka ng Ate mo baka daw kasi nagpaulan ka na naman." Sabi ni Akihiro. Bigla akong nakaramdam ng hiya nagpaulan pa siya para lang hanapin ako.

"Nasaan ba si Ate?"

"Kasama si Adrie may date sila dala yung sasakyan nyo kaya sakin ka muna sasabay. Ihahatid kita sainyo." Sabi ni Akihiro. May date sila Ate. Okay na kaya sila? Wala na kayang problema?

"Ehem. Eeksena muna kami ha? Yumi uwi na kami. Mag gagabi narin kasi mahina narin naman yung ulan kaya alis na kami." Sabi ni Ayane. Tumingin ako sa harapan namin. Hindi na nga malakas ang ulan.

"Sige ingat kayo." Sabi ko sakanila.

Nagkatinginan kami ni Yuki yung tingin na nagsasabing 'aalis na ko look' kaya tinanguan ko sya. Tinignan muna ako ni Ayane nginitian nya ako yung ngiting mapangloko. Napailing nalang ako. Kulit talaga ni Ayane.

Bago sila naglakad inilagay muna ni Yuki ang polo niya kay Ayane para hindi siya mabasa. Take note kinuha pa ni Yuki sa bag nya yung polo.

"Ingat kayo. Babye." Sabi ko sakanilang dalawa.

"Text mo ko kapag nakauwi kana. Ingat ka." Sabi ni Yuki saakin. Nakangiti akong tumango.

Tumingin ako kay Akihiro. Nakakunot noo syang nakatingin saakin.

"Tara na." Sabi ni Akihiro. Tumango nalang ako.

When I'm in High School (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon