Nasa bahay na ako ngayon hinatid ako ni Akihiro kaninang umaga. Doon narin ako nag almusal sakanila. Nakakahiya nga eh nakitulog pa ako sa ibang bahay.Nasa sala ako nagbabasa lang ng pocketbook. Nalowbatt yung cellphone ko kagabi kaya ngayon lang ako nakapagcharge ang dami ngang nagtetext yung iba group message lang ng mga kaklase ko. Nagtext din sakin si Khalil at Janus na nagpunta sila dito kahapon wala naman ako kaya umuwi nalang daw sila.
Oo nga pala tatawagan ko nga pala si Khalil. Hinugot ko na yung charger ng cellphone ko sa saksakan at hinanap ang number ni Khalil siguro naman gising na yun.
Calling Khalil....
[Hello.]
[Khalil.]
[Yumi napatawag ka?]
[Bakit nga pala kayo nagpunta kahapon?]
[Aayain ka sana namin maglaro ng badminton ni Janus.]
[Ah ganun ba? Punta nalang kayo dito ngayon kung wala kayong ginagawa.]
[Sige yayayai ko muna si Janus. Text nalang kita.]
[Sige.]
Nasa labas ako ng bahay namin hinihintay ko sila Khalil. Wala aa bahay si Ate umalis wala din sila Mama nag pacheck up kasama si Papa at Jerome kaya walang tatawag sakin kapag dumating sila mag isa lang tuloy ako dito sa bahay.
Natatanaw ko na sila. Nakabike lang sila papunta dito. Malapit lang kasi yung bahay nila samin sa kabilang kanto lang.
"Good Morning." Masayang bati ni Khalil at Janus pagkababa nila ng bike nila.
"Good Morning din. Pasok kayo." Sabi ko. Niluwagan ko ang bukas ng gate. pumasok na kami sa loob ng bahay tinabi nila yung bike nila sa may gilid ng gate namin.
"Ang saya nyo ata ngayon?" Tanong sa dalawa. Nakatingin lang sila saakin habang nagsasalita ako nakangiti silang nakatingin sakin kaya napatanong ako
"Masaya lang ako dahil nahingi ko na yung number ni Patty kay Maica." Sabi ni Janus sabay labas ng cellphone nya. Magkakilala na pala sila ni Maica sabagay lagi naman nakatambay si Janus sa bahay nila Khalil kaya malamamg makilala nya si Maica. Nakakatuwa naman magkaka love life na si Patty wala pa daw kasi siyang nagiging boyfriend kasi mapili daw sya sa lalaki pero sana pumasa si Janus.
"Crush na crush mo si Patty ah." Sabi ko sakanya.
"Oo cute nya kasi kaya lang maingay." Sabi niya habang abala na sa katitingin sa cellphone nya. Magkatext kaya sila ni Patty? Pagnakita ko talaga si Patty lolokohin ko sya.
"Pareho sila ni Maica ang sakit sa tenga." Sabi ni Khalil feeling ko gusto din ni Khalil si Maica dahil kung naiinis sya kay Maica hindi naman nya babanggitin yung pangalan nya pero nakakatuwa na okay naman sila sa isa't isa.
"Uy! Kayo ha. Lumalove life kayo!" Sabi ko. Hinampas ko sila pareho sa braso natutuwa talaga ako. Makikita ko na sila na may kasamang babae madalas kasi sila lang dalawa ang palaging magkasama.
"Oo naman Yumi mapapasagot ko din yung kaibigan mo." Sabi ni Janus.
"Talaga lang ha?" Sabi ko. Mabuti naman hindi na nya ako tinatawag na babe mas okay kung Yumi nalang.
"Ikaw ba balita ko may manliligaw ka daw?" Tanong ni Janus. Wala naman sinabi saakin na manliligaw si Akihiro kaya hindi ko alam yung isasagot ko ngumiti nalang ako.
"Ay! Oo nga pala ipaghahanda ko kayo ng pagkain wait lang." Sabi ko. tumakbo ako papasok ng kusina gusto kong ipatikim sakanila yung binake ko kanina.
BINABASA MO ANG
When I'm in High School (Completed)
General FictionHigh School Means Life. Fun. Memories. Love. Ang sarap balikan ng High School Life. Mula sa unang pagtibok ng puso. "Haaaay! Ang cute nya talaga!" Sa mga hindi papaawat na kalokohan "Tara cutting tayo!" Sa gi...