Kabanata 48

2.3K 76 5
                                    

YUMI POV

"Kayo na!?"

Malakas na sigaw nila. Buong barkada nandito sa bahay namin mabuti nalang wala sila Mama at Papa dito nasa hospital para magpacheck up. Malaki na kasi ang tyan ng Mama ko at malaman narin daw namin kung anong gender ng baby.

"Omg!" Sabay sabay na sigaw nila Ayane. Nagulat ako ng paghahampasin at pagtitulak nila ako.

"Wag nyong itulak si Yumi. Tss." Inis na sabi ni Akihiro ko. Pati ako kinikilig.

"Sorry naman natuwa lang." Sabi nila Ate Ria.

Lumayo sila ng kaunti saakin kami lang ang nakaupo ni Akihiro sa sofa. Para nga kaming iniimbestigahan kanina tanong sila ng tanong kung bakit daw magkahawak kami ng kamy ni Akihiro. Napansin din nila yung kwintas at relo ko kahit na ang tagal tagal ng nasaakin nito.

"Anong date ba kahapon?" Tanong ni Kuya Owen. Bakit nya tinatanong?

"April 16." Sagot ni Akihiro.

"16 yung monthsary nyo. Sayang hindi pa nag 20 para pareho tayo!" Sabi ni Ate Wynona saakin. Ngumiti nalang ako.

Alam ni Akihiro ang date kahapon dapat alam ko din para hindi ko malimutan ang monthsary namin next month. First time ko ito kaya excited ako sa monthsary.

"Wag nalang. Okay na yung april 16." Sabi ni Akihiro. Nagsusungit na naman.

"Tse!" Sabi ni Ate Wynona at kumapit sa braso ni Kuya Shin.

Nakakailang silang ngumiti. Nakaharap sila saamin habang nakaupo sa carpet. Nakakahiya dahil nakikita nila iyong kamay namin ni Akihiro na magkahawak naka salikop pa.

"HAHAHAHAHA." Nagtaka ako dahil bigla silang tumawa.

"Bakit kayo tumatawa?" Takang tanong ko sakanila. Nahihiya na talaga ako! Bakit kasi saamin sila nakatingin?

"Si Akihiro namumula ang tenga." Sabi ni Rio at humagalpak ng tawa. Tinignan ko yung tenga ni Akihiro. Oo nga. Bakit namumula? Nahihiya rin sya?

"Kung tigilan nyo kami sa pagtingin tingin nyo hindi mamumula tong tenga ko." Sabi ni Akihiro sabay irap kila Kuya Shin. Tumawa sila ulit kaya napailing nalang si Akihiro.

"Ateeeee!" Bigla kaming napatingin sa labas ng may marinig kami na malakas na sigaw.

"Ateeee!" Binitawan ko na ang kamay ni Akihiro at lumabas ng bahay. Nakita namin si Jerome na nakadapa na sa semento.

"Anong nangyari?" Nag aalalang tanong ni Ate Akira. Tinayo namin sya at pinagpagan ang damit. May sugat sya sa siko at tuhod.

"Tinulak ako nung batang lalaki kanina kaya po nalaglag ako sa bike ko." Umiiyak na sabi ni Jerome. Sinong bata yun?

"Kilala mo ba?" Tanong ko sakanya pinunasan ko ang luha nya sa mata.

"Hindi po..." Umiiling iling na sabi nya.

"Tahan na." Sabi ni Ate Akira kay Jerome pero iyak pa rin sya ng iyak.

"Parekoy! Nandy--" Napalingon kami ni Ate sa nagsalita sila Kuya Owen pala nasa likod na namin sila.

When I'm in High School (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon