Note: Ang chapter po na ito ay medyo SPG.
--
Nasa resort house na kami para kumain ng tanghalian. hindi parin nagpapansinan sila Angie at Daniel at sila ate Shanen at Jeff. Hindi rin ako pinapansin ni Akihiro kapag tumitingin ako sakanya seryoso lang sya hindi sya tumitingin saakin. Galit ba sya? Mag sorry na kaya ako? Hindi kasi ako mapakali hindi ko din alam kung bakit ako naiinis kanina pero nawala din naman kaagad. Magsosorry talaga ako.
Nasa sala kami nagmomovie marathon ulit. Hhindi na kami makalabas masyado ng mainit sa labas hindi naman horror yung pinapanuod namin comedy na yung pinapanuod namin. Pagkayari ng movie nagstay lang kami sa sala mainit parin kasi sa labas.
"Bakit hindi kayo nag uusap ni Daniel?" Tanong ni Ate Akira kay Angie na nakaupo sa sofa. Napatingin kami kila Daniel at Angie na nasa magkabilang dulo ng sofa.
"Mamaya na kayo magdate dyan." Sabi ni Ate Ria kila Rio at Faye nasa gitna kasi sila nakaupo nila Daniel at Angie. Si Daniel katabi si Rio katabi naman ni Faye si Angie. Umalis na sa sofa sila Rio dalawa nalang sila Daniel at Angie ang nasa sofa.
"Mag kaaway ba kayo?" Tanong ni Ate Akira sakanilang dalawa pero hindi sila sumasagot.
"Daniel tara kausapin kita." Sabi ni Kuya Adrie. Tumayo namain si Daniel at sumunod kay Kuya Adrie sa kusina.
"Angie bakit?" Tanong ni Ate Akira umupo siya sa tabi ni Angie.
"Galit lang ako Daniel dahil sa nangyari kahapon." Sabi ni Angie hindi siyang nakatingin saamin nakatungo lang sya.
"Kayo ba? Wala kaming alam eh." Tanong ni Patty. Nag angat ng tingin saamin si Angie dahan dahan syang tumango.
"Totoo pala yung sinabi ni Daniel na girlfriend ka nya akala ko joke lang kasi madalas kayong nag aasaran eh." Sabi ni Maica.
"Alam mo?" Tanong ni Ayane kay Maica tumango naman siya.
Hindi kami nagagalit kapag hindi nila sinasabi saamin na Sila Na dahil nasanay kasi sa school na patago yung relationship kasi ayaw nilang ipagsabi. Kinausap nila Ate ko si Angie na mag usap daw sila para maayos nila yung problema nila. Nagalit daw si Angie dahil nagpahalik daw si Daniel dun sa babae. Kahit ako naman magagalit ako kay Daniel syempre nagkaaway lang kayo pero nagpahalik kana sa ibang babae lalo na hindi mo pa kilala. Nagalit din sya dahil hindi manlang daw nagsorry si Angie kay Daniel. Bago pa daw kami pumunta dito sa resort magka away na daw sila lalo pa daw silang nag away dahil dun sa nangyari kahapon. Wala kaming alam kaya nakakagukat na may ganoon palang pangyayari sakanilang dalawa.
"Angie." Napatingin kami kay Daniel nung tinawag nya si Angie. Pinunasan ni Angie yung luha nya bago tumingin kay Daniel.
"Sorry na." Pagkasabi ni Daniel umupo siya sa tabi Angie pinunasan nya yung luha ni Angie sa mukha. Yung mga katabi ko naman dito kanina pa naghahamapasan sa kilig.
"Babe sorry na." Sabi ni Daniel sabay hawak sa kamay ni Angie. Nakakakilig naman. Napapangiti tuloy ako.
"Babe daw!" Sigaw nila Maica, at Patty. Napailing nalang sila Ate Akira sakanila.
"Kinikilig ako!" Sabi ni Jessica sabay hampas kay Kuya Owen.
"Wag ka na ngang kiligin sakanila satin lang." Nakangiting sabi ni Kuya Owen kay Jessica.
BINABASA MO ANG
When I'm in High School (Completed)
Aktuelle LiteraturHigh School Means Life. Fun. Memories. Love. Ang sarap balikan ng High School Life. Mula sa unang pagtibok ng puso. "Haaaay! Ang cute nya talaga!" Sa mga hindi papaawat na kalokohan "Tara cutting tayo!" Sa gi...