"Ayoko na kayo naman ang mag kwento palagi nalang ako!" Sabi ni Jeff.
Tatlong araw na akong nasa hospital gusto ko ng umuwi sa bahay namin. Kahapon buong araw nandito sila Yuki palagi silang nangkukwento saakin. Gusto ko silang makilala paunti unti sa ngayon ang alam ko palang kila Jessica yung pangalan nila, mga kaibigan ko sila at kaklase. Nung una ko silang nakasama tahimik lang ako. Hindi ako masyadong nagsasalita nung naiwan sila kasama ko dito sa hospital pero nung nagkwento na sila medyo nalilinawan ako pero hindi ko parin sila matandaan.
Nandito sila Ayane, Faye, Rio, Ryan, Yuki, Ayane, Angie, Jeff at Daniel sa hospital dinalaw ulit nila ako. Kanina pa sila nagkukwento ng mga nakakatawa kaya sobrang ingay namin mabuti nalang binisita ulit nila ako naiinip na rin kasi ako dito.
"Sige ako naman!" Sabi ni Daniel.
"Isang araw nasa bahay ako ako lang mag isa biglang may kumatok sa pinto ng bahay namin ilang beses syang kumatok tumingin ako sa bintana pero wala akong makita kaya natakot ako dahan dahan kong binuksan yung pinto pagbukas ko...." Huminto si Daniel sa pagkukwento nakakatakot na ang kwento nya ang tahimik pala namin naging interesado kami sa kwento nya.
"Bakit ka huminto?" Tanong ni Ayane.
"Ituloy mo nga!" Sabi ni Patty.
"Pagbukas ko yung inorder ko palang pizza." Sabi ni Daniel. Bigla kaming natawa sa sinabi niya akala namin nakakatakot na yung kwento nya hindi pala.
"Bwisit ka. Akala ko pa naman nakakatakot na!" Sabi ni Ayane hinampas nya pa si Daniel ng unan.
"Galing mo talagang magkwento! Akala ko totoo na." Sabi ni Ryan.
"Syempre ako pa..." Sabi ni Daniel nagpogi post pa sya natawa kami sakanya.
"Yabang." Bulong ni Angie at umirap.
"Uy~Muling ibalik!" Tukso nila Ayane kay Angie.
"Wag na no!" Sabi ni Angie sabay irap kay Daniel. Alam ko ang tungkol sakanila kwinento saakin nila Ayane kahapon.
"Bitter mo pa rin Babe." Sabi ni Daniel at tumawa.
"Baby mo mukha mo!" Sabi ni Angie sabay kurot sa braso ni Daniel.
"Oh wala na ba magkukwento?" Tanong ni Yuki.
"Ako meron..."
Napatingin kami sa nagsalita nung nakita nila ang pumasok napatingin sila saakin.
"Akihiro ikaw pala. Kanina ka pa dyan?" Tanong ni Jessica.
"Hindi naman kararating ko lang." Sabi nya at nilapag ang dala nyang paper bag.
"Kamusta na?" Tanong ni Akihiro saakin.
"Okay naman." Simpleng sagot ko sakanya. Hindi naman sa hindi ko sya gustong makausap naguguluhan ako kapag nakikita ko sya. Kahapon buong gabi nya akong binantayan kaninang umaga lang sya umuwi para maligo at kumain.
"Labas muna kami." Paalam nila Ayane. Ngayon kaming dalawa nalang ni Kuya Akihiro ang naiwan. Ang awkward naman.
"Hindi mo naman ako kailangan bantayan Kuya." Sabi ko sakanya. Napakagat ako bigla sa labi ko dahil nakalimutan ko na ayaw nya palang tinatawag ko syang Kuya.
"Tss. Hindi mo nga ako Kuya boyfriend mo ko." Sabi nya. Alam ko naiinis na sya saakin dahil ang kulit ko pero bakit pinipilit nyang boyfriend ko sya? Bakit hindi ko alam yun? Paano ko ba sya naging boyfriend nagtataka kasi ako.
"Pag naalala mo na ko sabihin mo sakin ha? Hindi ako aalis sa tabi mo dito lang ako Yumi kahit na nahihirapan ako dito lang ako sa tabi mo." Sabi ni Akihiro. habang nagsasalita sya tumutulo ang luha nya kaagad nyang pinunasan ang mata nya. Hinawakan nya ang kamay ko pinagsalikop nya pa.

BINABASA MO ANG
When I'm in High School (Completed)
General FictionSimula High School Means... Life. Fun. Memories. Love. Ang sarap balikan ng High School Life. Isa sa pinaka masaya at challenging na bahagi ng buhay ng isang tao. Mula sa unang pagtibok ng puso. "Haaaay! Ang cute nya talaga!" Sa mga hindi papaawat...