Chapter 12: Ang Ibang babae ng asawa ko

46 2 0
                                    


"Magandang umaga sa lahat."
 
"Magandang umaga rin, sir."
 
Late dumating si Jester sa opisina at naobserbahan lamang siya sa lingguhang pagtitipon ng mga corporate officer. Nanatiling malumanay ang kaniyang ekspresyon, na para bang pagod na siya matapos batiin ang kaniyang mga empleyado. Halos labinlimang minuto rin siyang hinintay ng komite, kasama ang kaniyang ama na nakaupo sa gilid ng kaniyang nakatalagang upuan.
 
"You may start the meeting, son. Nauubos na ang oras natin. Kailangan na nating magmadali. May mga kliyente pa tayong tatagpuin," utos ng kaniyang ama, ang may-ari ng kumpanya.
 
"Yes, dad. Helen, please show us our monthly marketing statements and sales."
 
Si Helen Amber, ang pinuno ng marketing, ay nagbigay ng pangkalahatang-ideya ng buwanang benta ng kumpanya at mga plano sa hinaharap. Ang buong talakayan ay tumagal ng sampung minuto. Masigla ang pangkalahatang tono ng presentasyon na pinahahalagahan ng presidente ng kumpanya ang halos lahat ng mga detalye.
 
"Congratulations guys, Keep up the good work. Jester, just continue the good strategies developed by your team. Good job everyone, and let's clap ourselves," sabi ng ama ni Jester habang pinapalakpakan ang lahat. 
Sa malawak na lugar ng Estados Unidos, nahirapan si Jane na hanapin ang lokasyon ng kaniyang mister. Maliban sa unang pagkakataon niyang nakatuntong sa bansang iyon, hindi niya alam ang pasikot-sikot doon. Kahit may guide map siya, nahirapan pa rin siyang sundan ito.
 
Binasa niya ang mga karatula at nagtanong sa mga taong nagtatrabaho roon hanggang sa matagpuan niya ang kumpanya ng pamilyang Helson. Nabigla siya sa nakita niyang malaki, matayog at glass-tinted na istraktura. Habang ang dalawang mata ay malikot na nakatutok, sinubukan niyang pumasok sa entrance ng kumpanya baka sakaling makita roon ang asawa.
 
Tumayo siyang matuwid, sinasadyang humakbang patungo sa pasukan ng mga empleyado, na parang isa siya sa kanila. Akala niya ay malulusutan niya ang guwardiya sa pamamagitan ng pagpapakita ng identification card, ngunit sa kasamaang palad ay natuklasan ng bantay na ang card na ipinakita niya ay hindi awtorisado para sa mga tauhang tulad niya.
 
"I'm sorry, Ms. Jane, pero hindi kami basta-bastang nagpapapasok ng mga estranghero rito, lalong-lalo na kapag walang appointment sa sinumang empleyado ng kumpanya," sabi ng guwardiya na humarang sa kaniya.
 
"Ganoon ba? Kahit magkaparehas kami ng apelyido ng amo mo?" paglilinaw niya.
 
Tiningnan nang mabuti ng guwardiya ang identification card ng babae at nalaman na isa rin itong Helson bilang apelyido nito. Nasa rules ng kumpanya na ang sinumang kamag-anak ng may-ari ay maaring pumasok kahit walang pahintulot ng kanilang mga nakatataas basta may maipakitang katibayan ng pagkakakilanlan.
 
"Sige, pwede ka nang pumasok," sabi ng guard sa kaniya.
 
Nagtataka siya kung bakit biglang nagbago ang isip ng guard. Pagkatapos ay ipinalagay niya na maaaring kilala siya nito noong nakita ng lalalki ang kaniyang apelyido, na Helson. Pagkapasok ay dumiretso agad siya sa information desk at tinanong ang clerk tungkol sa kaniyang pakay.
 
"Hi, I'm Mrs. Helson. Can you take a look at my husband's appointment for this day?"
 
Kakaiba ang reaksyon ng klerk sa kaniya. Nataranta iyon, parang hindi alam kung sino ang hahanapin sa system ng decice na kaharap niyang iyon.
 
"Please excuse me, madam, but could you please tell me what your husband's full name is? Ang dami mo kasing ka-apelyido rito. I just want to verify."
 
"You... your bo—" Napahinto siya at napabuntonghininga, nag-iisip ng paraan para hindi agad ma-expose ang sarili sa asawa. "Di bale na lang Miss, nagkamali lang pala ako sa building na pinasukan ko. Thanks, I gotta go outside," she added.
 
Ayaw niyang mabigo ang kaniyang plano, kaya minabuti niyang bantayan ang lalaki niya sa labas ng gusali kung sakaling may kasama itong ibang babae. Nakaupo lang siya sa café sa tabi ng gusali ng kumpanyang Helson at maghapong naghihintay sa asawa. Nakatulog na lang siya nang bigla niyang na-miss makita ang mukha ni Jester na lumabas sa gusaling iyon. Kahit nakaalis na ang mga empleyado ay hindi pa rin nagpapakita ang lalaki.
 
Nag-aalala na si Jane kung nasaan ba talaga ang asawa niya. Ang dami niyang iniisip, kaya nagpasya siyang magpahinga muna at mag-check in sa hotel.
 
Makalipas ang dalawang araw, hindi pa rin nagtatrabaho ang lalaki. Hindi siya nagsasawang maghintay kung sino man ang lalabas-masok sa gusaling iyon. Ngunit, sa ikatlong araw, habang pauwi siya sa hotel na kaniyang pansamantalang tinutuluyan, narinig niya mula sa dalawang lalaking nagbubulungan ang pangalang Jester.
 
"Uy, birthday ni Ivan ngayon. Nangako si Sir Jester sa kaniya na i-treat niya tayong lahat sa bar para mag-inuman para magsaya si Ivan. Alam mo naman, mahilig sa chicks ang birthday boy natin hahaha."
 
"Oo, ano ang pangalan ng bar na madalas niyang pinuntahan?"
 
"Holex Bar."
 
"Saan iyon?"
 
"Malapit lang sa Vinzi Shop. Katabi ang rest house ni Deo Nithan. You understand what I mean—"
 
Pumwesto sa likuran nila si Jane, nakikinig nang mabuti sa pagtawa ng dalawa. Maaliwalas ang panahon at handa na para mamasyal sa gabi ang lokasyong pinaghandaan niya para sa bar na naisip niyang puntahan. Nakasuot siya ng maikling damit at naglagay ng mga kolorete sa kaniyang mukha upang magmukhang kaakit-akit sa gabing iyon. Ang kaniyang kagandahan ay nakakuha ng atensyon sa maraming lalaki noong gabing iyon.
 
Alas siyete ng gabi, nang pumasok siya sa naturang bar. Nakatagpo siya ng maraming tao na karamihan ay mula sa mayamang klase, na nagpi-party doon. Nakaupo lang siya sa gilid, sa isang tagong sulok ng bar. She intended to be there para hindi siya madaling makita ng mga taong pumapasok sa bar. Maya-maya, dumating ang isang mayamang grupo na may mga kasosyo sa kanilang panig.
 
Habang umiinom si Jane ng alak, nakita niya ang lalaking nasa likod ng counter na pamilyar sa kaniya. Hinintay niyang humarap sa kaniya ang lalaki sa harapan niya hanggang sa makita niya ito nang malinaw. Iyon ay ang mukha ng kaniyang asawa. Kinabahan siya nang biglang may lumapit na babae at hinawakan ang kanang braso ng lalaki. Ang sweet nila habang nakaupo ang babae sa tabi ng upuan ng lalaki habang nakikipagkuwentuhan sila sa barkada. Hindi malinaw kay Jane ang mukha ng babae, ngunit pakiramdam niya ay ibang babae ito ng kaniyang asawa.
 
"Kaya pala hindi kita mahanap sa opisina kasi nandito ka lang nakipaglandian sa babae mo," bulong niya sa sarili.
 
Tatayo na sana siya para lapitan ang asawa nang mapansin niyang kailangan niyang pumunta sa banyo. Nagpaalam na ang ibang babae ni Jester at sabay na pumunta sa restroom. Kahit magkakilala, magkasunod silang pumasok sa banyo.
 
Pagkatapos umihi ni Jane, nagmamadali siyang lumayo nang nakayuko. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nabangga niya ang isang babae na abala rin sa paghahanap ng kung ano sa kaniyang bag.
 
"Hey, I'm so sorry, Ms. I didn't mean to hit you," sabi ni Jane habang tinutulungan ang babae sa pamumulot ng nahulog na mga bagay sa sahig.
 
"Okay lang, I'm fine. Hindi man lang ako tumitingin sa daanan ko," sagot ng babae.
 
Nang magtama ang kanilang mga paningin ay nanlaki ang kanilang mga mata sa isa't isa dahil...

My Wife Is My Mistress( Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon