Nagdusa si Kate ng trauma matapos makaranas ng mga hindi pangkaraniwang pangyayari sa mga nakaraang araw. Actually, hindi naman siya inatake ng mga taong nagligtas kay Jane sa tirahan ni Jester. Sa halip, tumakas lang sila mula sa kanila at nasabi sa kaniyang, "Huwag mong ipagpalagay ang iyong sarili bilang isang orihinal na asawa dahil napakalayo mo sa kaniya. Tandaan mong palaging nasa hinaharap nag karma, hindi sa nakaraan o sa ngayon."
Gayunpaman, hindi tinanggap ng babae ang kaniyang pagkatalo sa halip ay naghangad ng paghihiganti. Kaya naman gumawa siya ng set-up para sa sarili at iyon ày pagloloko sa mga taong nasa paligid niya na bilang nawalan siya ng pag-iisip. Kaya naman, hinanap ni Jester ang hustisya at itinulak si Jane na isuko ang kanilang marriage license sa batas.
Habang pinapakain ni Jester ang babae sa oras ng meryenda, ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ni Jane ay ibinunyag ni Kate.
"Hon, she's alive," she said.
"Who?" Jester said in an abrupt manner, while continuing to feed her.
The woman drank water and sighed once before answering, "Your... wife."
Nataranta ang lalaki, hindi siya naniwala sa sinabi ng babae sa kaniya. Ipinahayag niya ang lahat ng mga eksena kung saan itinanim niya ang kaso sa kaniyang isip, kahit na si Jane ay hindi patay. Sinabi sa kaniya ni Kate ang buong kuwento, na binago ang bawat totoong kaganapan sa isang likong statements. Ang mga pahayag ay mukhang kapani-paniwala, ngunit ang lalaki ay nangangailangan ng kumpirmasyon dahil siya ay nagplano ng lahat.
Nang malaman ni Jester ang tungkol sa paghihiganti ng kaniyang asawa, nagpasya siyang umuwi. Nilinis niya ang kalat, inayos ang kaniyang kuwarto, at ibinalik sa orihinal nitong anyo. Hindi niya sinubukang kainin ang kaniyang hapunan dahil sa distraction na pakana ng kaniyang asawa. May kakaibang estolo ng pintig sa kaniyang puso; natakot siya sa mukha ng paghihiganti ni Jane. Ngunit ang tanging naiisip niyang solusyon ay ang kausapin ang kaniyang mga magulang at hayaan ang mga ito upang tipunin ang kanilang mga tauhan, dahil sa kaniyang kawalan ng kakayahang hulihin ang misteryosong babae na kamakailan pang nananakot sa kaniya.
Kinaumagahan, naghahanda si Jane na lumipat sa isang tirahan kasama ang kaniyang mga kaibigan, kapatid, at anak. Lahat sila ay abala sa pag-iimpake ng mga gamit sa pagmamadali nang marinig nila mula sa isang audio recording na ang mga tauhan ni Helson ay sasalakay sa kanilang lugar. Nag-install si Jane ng audio recorder sa closet ni Jester bilang back-up device kung sakaling may nasira sa kaniyang CCTV installment. Dahil natagpuan ni Jester ang mga camera na iyon, tanging ang audio lang ang hindi nakita na natuklasan ni Jane at ng kaniyang mga kasama ang plano ni Helson sa pamamagitan ng kanilang pag-uusap sa telepono.
Iyon ang dahilan kung bakit sila tumalon sa kanilang susunod na plano. Nang matapos silang mag-impake ay agad silang umalis sa lugar, umaasang matagumpay silang makatakas. Gayunpaman, naharang sila sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay. Naabutan sila ni Jester, nang makilala niya ang sasakyan na pagmamay-ari ni Lila, ang matalik na kaibigan ni Jane.
"Wala kang mapupuntahan, Jane. Isuko mo na lang ang sarili mo sa amin at baka kami na ang humawak sa mga kasong isinampa namin para sa mga kaibigan mo," sigaw ni Jester gamit ang megaphone.
Walang magawa si Jane kundi sundin ang utos ng asawa. Bumaba siya ng sasakyan kasama ang kaniyang mga kaibigan at naiwan ang kaniyang anak, na umiiyak sa loob. Isang nakaunipormeng lalaki ang inutusan ng mayaman na kunin ang kaniyang anak, at gayon pa man, si Jason ay nasa kamay ng kaniyang ama. Nang makita ni Jane na lumingon ito sa kaniya, may luha sa kaniyang mga mata, hindi napigilan ng ina ang kaniyang damdamin bagkus ay napasigaw siya nang malakas sabay nang paghikbi.
"Hindi! Jason... bitawan mo ang anak ko. Please?" pakiusap ng babae sa lalaki na buhatin ang bata, at saka umikot at lumuhod sa harapan ng asawa.
"Jester, he is my son. I can't live without him. Don't do this to me," sabi niya habang umiiyak nang sobra. Walang awa sa kaniya ang lalaki. Isang beses niyang sinipa ng kaniyang asawa at idiniin ang mga kamay sa kaniyang mga panga.
"I don't see a reason for you to be deserved as his mother. Nagpapanggap ka na patay na para lang ilayo sa akin ang anak ko? Naku, ang sarap sabihin nang nabigo ang plano mo. So, stop making a mess of me or else I... WILL... WILL... YOU," malupit niyang sabi.
Namula ang mga mata ni Jane at napatikom siyang mahigpit sa mga kamao matapos alisin ng malupit na asawa ang kamay nito sa kaniyang panga. Ang kaniyang katapangan ay nababalot nang kawalan ng kakayahan na labanan ang mga lalaking nakapaligid sa kanila. Kahit na wala siyang sugat, at hindi man siya nakulong, subalit nawala sa pangangalaga niya ang nag-iisang anak na lalaki na matagal niyang iniingatan.
Tumunog ang kanilang sasakyan, at saka nagsimulang tumakbo. Sinundan ng babae ang kotse, humihingal, at tumatakbo habang walang katapusang umiiyak. Noong una, pinaglaruan siya ni Jester. Binagalan niya ang pagmamaneho nang makita niyang nakabuntot sa kaniya ang asawa. May narinig pa siyang sigaw mula rito, "Jason, susunduin kita mula riyan. Uuwi na tayo."
Nakangiting tinukso siya ng lalaki, tumalikod, at pinabilis ang sasakyan, dahilan para hindi na sila masundan pa ng ni Jane. Wala siyang awa, kahit kaunti, at kahit isang maliit na pag-aalala ay wala sa lahat. Ang babae ay umalis sa kalsada, halos sa isang maikling hininga, nakarinig ng isang hindi pangkaraniwang ingay sa paligid, ay inaliw ng kaniyang mga kasamahan, na agad siyang napatahimik.
"I failed to protect him. I lost him twice. How do I get him from his stupid father?" sabi ng humihibik na ina.
Si Lila, Henry at Arianna ay bumuo ng isang cirkulo at niyakap si Jane nang mahigpit. Nasaktan din sila nang makita ang kanilang kaibigan na nahaharap sa isang mahirap na sitwasyon. At kaya, silang lahat ay napaluha, napatingin sa langit, na naglalayon para sa isang mahusay at malakas na paghihiganti.
Sabi ni Henry, "Huwag kang mag-alala Jane, sasamahan ka namin sa lahat ng paraan. Bahagi lang ito ng mga paghihirap na maaari mong harapin, ngunit dapat nating ipagpatuloy ang ating mga plano hanggang sa tuluyan mong makuha ang mga gusto mo."
Pinunasan nang umiiyak na ina ang kaniyang luha at panay ang tingin sa langit habang malalim ang iniisip. Naalala niyang hindi pa pala siya divorced kaya na-link pa rin sa kaniya ang apelyidong Helson.
"Yeah, I already started my first step and I will continue my plans no matter what. Jester, babayaran mo 'to. At lalo pang maghihirap ang kabet mo. I pledged for that," ani niya, habang nakatikom ang mga kamao nang mahigpit.
Makalipas ang tatlong araw, nagroving si Jester sa production area. Sinuri niya ang kaniyang mga empleyado na nagsisikap na tapusin ang kanilang mga order. Lahat sila ay may disiplina, hindi gaya ng dati. Ang rate ng pagmamanupaktura ay tumaas nang mas mabilis kaysa sa quota nito. Ibig sabihin, maayos silang pinamahalaan ng lead roving personnel na si Jenny.
Paglingon niya sa ibang lugar, hindi niya nakita ang presensya ng babae. Tinanong niya isa-isang nakakasalubong na tao kung nasaan ang babae, ngunit walang nakakaalam kung nasaan ito. Umagaw sa kaniyang atensyon ang ingay mula sa labas. May mga empleyadong nagtsitsismisan sa bawat sulok. May itatanong sana siya sa mga ito, ngunit sa halip ay pinagsermonan niya ang mga empleyado na umalis sa kanilang puwesto.
"Nagtatrabaho ka ba o hindi? Bumalik ka na sa assigned department mo," aniya niya.
Mabilis na nakinig sa kaniya ang mga iyon. Gayunpaman, nagpatuloy silang nagbulong-bulungan habang naglalakad patungo sa kani-kanilang upuan. Ipinagpalagay ng lalaking nasa likod nila na narinig niya ang pangalang "Jenny", na nagkataon namang nakita niya mula sa malayo na may kasamang ibang lalaki na nakikipaglandian sa isa't isa. Tumaas ang presyon ng kaniyang dugo sa pagdiin ng kaniyang mga ngipin gamit ang kaniyang bibig habang nakatingin dito.
Siya nga pala ay nakaramdam nang selos, dahil wala siyang dapat i-react kundi...
BINABASA MO ANG
My Wife Is My Mistress( Filipino Version)
Roman d'amourAng kasal ay isang sagradong biyayang ibinibigay sa mag-asawang nagmamahalan, na bumubuo ng isang pamilya. Hindi layunin nito ang isang perpektong pagsasama, ngunit sa halip ay isang magandang relasyon na hindi maihahambing sa iba. Alinmang kailanga...