Chapter 14: Ang Pag-alis ng asawa ni Jane at ang kaniyang anak

45 2 0
                                    

Si Henry ang dumating sa bahay ng bilyonaryo. Isang bakla na pinayagan ng kan'yang kaibigang si Jane na pumasok sa bahay at tingnan ang mga aso kung kumain sila nang maayos. Parang walang pakialam ang mukha ni Jester sa kanilang pagkikita dahil hindi niya nadatnan sa bahay ang kan'yang pamilya. Nang makita niya na bading pala ang nasa harapan niya, tinanong niya iyon.
 
"Alam mo ba kung saan iniwan ni Jane ang baby namin? Don't try to lie to me. Alam ko na ang secret plan ng kaibigan mo. So, tell me, where is Jason's whereabouts?"
 
Natakot si Henry na mawalan ng trabaho dahil inirekomenda siya ng management ni Helson bilang pinuno ng mga bodyguard ng kumpanya at pamilya. Gayunpaman, naisip niya ang isang posibleng resulta na maaaring ang kaniyang kaibigan ay nawalan ng isang anak mula sa kaniyang malamya na desisyon. Kaya, mas pinili niyang magsabi ng totoo kaysa makita ang sariling pamilya niya na namamatay sa gutom.
 
"Sa lumang bahay ni Jane, makikita mo siya roon kasama ang biyenan mo. Hindi ka ba natatakot na kunin ang iyong anak sa kamay ng iyong pangalawang ina?"
 
"Hindi. At saka, it's none of your business," sagot niya.
 
Habang naglalakbay, hindi mapakali si Henry at gustong makipag-ugnayan sa kaniyang kaibigan tungkol sa nangyari sa kanila kamakailan. Ngunit, sa kasamaang palad, ang kaniyang telepono ay naubusan ng baterya. Kaya naman, sinamahan na lang niya ang lalaking patungo sa lumang tahanan ni Jane.
 
Pagdating nila, hindi sila kumatok sa pinto, sa halip ay itinuro silang pumasok sa bahay at hanapin ang kanilang pakay. Hindi nagtagal, natagpuan nila ang sekretong silid, kung saan inalagaan si Jason. Inagaw ni Jester ang kaniyang anak, hinarass ang kasambahay na karga-karga ang bata noong mga oras na iyon.
 
"Jester, bakit bigla ka na lang—? ang random na pagtatanong ng biyenan niya.
 
"There's no need to talk about that mom. I need to get my son and let him live with me in the States. Don't worry, I will take care of him and I will talk to Jane about this."
 
Pagkatapos makipag-usap, inutusan niya ang kaniyang abogado na ibigay ang isang form ng diborsyo at mother's consent sa kaniyang pangalawang ina. Sa sobrang pagkabigla, hindi nakaimik ang nanay ni Jane nang mga sandaling iyon.
 
"Nay, kung sakaling babalik si Jane sa inyo, pakipirmahan niya ang ating divorce paper at ang ibang form."
 
Habang hawak ang papel ay bumagsak ang mga luha ng nanay ni Jane. Naramdaman niya ang sakit sa loob niya nang mapagtanto kung gaano kabastos si Jester sa kaniyang anak. Tumango lang siya bilang reaksyon sa pinagdaanan sa lalaki at natigilan saglit.
 
"Jester, wait. You don't have to bring my grandson without the consent of his mother. I warned you. Don't leave this house with Jason," sabi ng ina ni Jane.
 
Ngumiti lang sa kaniya ang lalaki at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa sasakyan. Sinigawan siya ng matandang babae na huwag pahirapan ang mga bagay na magdudulot ng gulo sa pamilya. Gayunpaman, isang sigaw ng isang sanggol ang narinig, hindi isang tugon mula sa lalaki.
 
Pagkaraan ng ilang oras, bumalik sa Pilipinas ang napakagandang ina, kung saan nahanap niya ang lokasyon ng kaniyang anak. Nalaman ni Jane ang suliranin ng kaniyang pamilya sa pamamagitan ng matalik na kaibigang si Lila. Ipinakita ng kaniyang asawang si Jester ang kaniyang tunay na kulay nang wala si Jane. Pagdating niya sa dati niyang bahay, nakita niya ang kaniyang ina na umiiyak sa sulok, may hawak na tela, na isa sa mga gamit ni Jason.
 
"Ma, nasaan si Jason?" pagtatanong ni Jane na halatang mabilis ang paghinga niya ng mga sandaling iyon.
 
"Wala na siya. Dinala siya ni Jester at iniwan ang bagay na ito."
 
Ang ina ni Jane ay nagpakita ng isang piraso ng makapal na papel at ibinigay ito sa kaniyang anak na babae. Tiningnan ito ng ginang, saka binasa nang maigi ang nakasulat sa mga papel. Namumula ang kaniyang mga mata nang magsimulang pumatak ang kaniyang mga luha sa kaniyang pisngi.
 
"I will never sign this kind of trash! Jester, you must give back my child before I use my training from my course on you!" sabi niya.
 
Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Nagmamadali siyang pumunta sa kanilang mansyon, inusisa kung dinala ba ni Jester ang sanggol doon. Gayunpaman, ang tanging nakikita niya ay mga aso. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang umalis. Maaaring ipagpalagay niya na ang mag-ama ay papunta na sa States, kaya't i-double check niya muna ang mga rekord ng airline.
 
"Miss, paki-check ulit ang flight ng asawa ko. Kilala mo naman ako 'di ba? Please oh, urgent lang kasi kinuha niya ang anak ko nang walang pahintulot ko," nagmamadaling pakiusap nito sa attendant.
 
"Sige po ma'am. Nag-aaway na naman ba kayo ng asawa mo?" pagtatanong ng babae sa kaniya.
 
"Don't ask any questions now. Nagmamadali ako. Hanapin mo ang schedule niya diyan sa system mo."
 
Hindi mapakali si Jane. Parang lalong tumindi ang kaba niya nang humarap siya sa attendant. Habang naghihintay ng mga detalye, luminga-linga siya sa paligid, umaasang hindi pa nakaalis ang kaniyang anak.
 
"Ma'am Jane, wala pong flight record ang asawa niyo sa system namin as for this day's schedule. Baka nasa Pinas pa siya, or if you think nakaalis na siya, maraming transportation options. Baka sumakay sila ng private jet o barko," paliwanag ng attendant.
 
"Sige, salamat," sabi ni Jane na nagmamadaling umalis at naghahanap ng taxi sa labas ng airport.
 
Tiningnan niya ang itinerary ng transit ng barko at ang mga pasahero para sa araw na iyon, ngunit wala sa listahan ang pangalan ni Jester. Ayon sa crew, malabong sumakay sa naturang sasakyan ang isang mayamang lalaki habang karga ang isang sanggol. Pagkatapos ay tumuloy siya sa private jet terminal. Nang tumingin siya sa runway, napansin niya ang isang private jet na papaalis.
 
Tumakbo siya palapit dito, ngunit hindi niya ito maabot. Nagulat ang isang staff ng istasyon, kaya nilapitan siya nito at kinausap.
 
"Ma'am, sasakay po ba kayo? Last trip na 'yon papuntang Canada. Balik na lang kayo bukas."
 
"Hindi," sagot niya nang pagbagsak.
 
"Ano?" tanong ulit ng lalaki.
 
"Ah... I mean. Hindi ako sasakay. Can I see your list of passengers from that last trip?"
 
Tumango ang lalaki at pumunta sila sa station attendant. Ipinakita sa kaniya ang listahan ng mga sumakay sa private jet. Nanlaki ang mata niya sa nabasa niya...
 

My Wife Is My Mistress( Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon