"Besh, what's our next plan?" Lila asked who had become paranoid from their previous stories of lies.
Si Jane, na saglit na nakatitig sa larawan ng kaniyang kasal, ay tila nag-iisip ng isang mas mahusay na diskarte na magmamarka sa kasaysayan ng kaniyang asawa bilang napakahalaga at hindi malilimutan. Ito ay malinaw sa kaniyang maganda at kayumangging mata ang walang takot na imahe ng kaniyang mga plano sa hinaharap. Napansin nina Henry, Arianna at Lila ang hindi magandang ekspresyon ng mukha ng babae, kaya mabilis silang pumitik gamit ang kanilang mga daliri upang gisingin ang kaibigan mula sa pag-iimagine ng mga bagay-bagay.
Maya-maya, ngumiti sa kanila ang babae at sinabing, "Huwag kayong mag-alala sa aking kinabukasan, kaya ko itong mag-isa. Kaya, dapat magsipaghanda na kayo sa pinakadakilang rebolusyon ko."
Makalipas ang tatlong araw, habang isinasara ni Jester ang kurtina ng kaniyang kwarto, may narinig siyang katok sa pinto. Dahan-dahang binuksan niya ang pinto at sinilip kung sinong taong gustong pumasok sa kaniyang silid, ngunit walang tao. Bumalik ang lalaki sa loob, naisip na mali ang pagkaka-set ng alarma. Gayunpaman, patuloy siyang nakarinig ng isa pang katok.
Sa pagkakataong iyon ay sumilip siya sa kanilang CCTV camera sa labas at nakita niyang pinaglalaruan siya ng isang babae na hindi masyadong malinaw ang pagkakakilanlan niya. Muli siyang lumabas, umaasang maabutan niya ito roon, ngunit may nakita siyang mga larawan at bulaklak na nakalagay sa mesa.
"Wow! what lovely fresh flowers... and the scent is so... sweet," sabi niya habang hinihimas ang pulang rosas. "I'm sure plano na naman ni Kate ito. Siya lang naman ang mahilig magsurprise sa akin ng flowers," he added.
Ang presensya ng mga bulaklak ay lubos na nagpasaya sa kaniya. Dinala pa niya ito sa loob ng kaniyang silid at palihim na binuksan ang napakalaking sobre. Napagkamalan niyang love letter ito ng kaniyang babae, pero mga litrato pala nila ni Kate, pati na rin ang romantikong relasyon niya kay Jenny. Kahit na walang ibang nakakaalam tungkol sa kaniyang relasyon sa mga babae iyon, hindi niya mawari kung sino ang gumawa nito sa kaniya.
"Anong gusto mong iparating? Kung sino ka man, mahahanap din kita. Isa kang misteryosong babae," galit na sabi nito habang nilulukot ang isa sa mga larawang hawak niya.
Masayang pinagmamasdan ni Jane ang reaksyon ng asawa sa CCTV footage na palihim niyang ikinabit sa loob ng k'warto ni Jester. Matalino si Jane. Gaano man kadelikado ang sitwasyon, kakayanin niya ito hanggang sa makuha niya ang gusto niya. Napag-aralan na rin niya ito sa kursong natapos niya, kaya maliit na bagay lang iyon sa kan'ya.
Kinabukasan, pumasok sa trabaho si Jester. Habang naglalakad papunta sa opisina niya, napansin ng kaibigan niyang si Theo ang lungkot sa mukha niya. Hindi literal na kalungkutan, ngunit ang pagkabalisa niya para sa isang kaaway na hindi niya kilala. Sinundan lang siya ni Theo sa opisina at doon kinausap.
"Jes, what's wrong? Napansin kong parang kunot-matanda na ang mukha mo. It is unusual for you, dude, I know. Tell me, it's about your woman again?"
Umupo ang CEO sa kaniyang upuan, binuksan ang kaniyang cellphone at sinulyapan ang kaniyang kaibigan. "Hmm... as usual. Pero iba ito, Theo. Kinabahan ako kagabi. Akala ko si Kate ang may-ari ng mga bulaklak na nakalagay sa labas ng kuwarto ko, pero galing pala sa isang misteryosong babae. Nakita ko ang anino niya, and guess what she gave me? A romantic picture of my ladies and me. I felt like something was a threat."
Napansin ng kaniyang kaibigan na labis siyang nag-aalala sa mga kakaibang bagay na iyon, kaya't masigasig niyang pinayuhan ang lalaki kung ano ang gagawin kung sakaling muling pumasok ang babae sa kaniyang bahay. Nagbukas ng forum ang dalawa sa mga posibleng suspek, hanggang sa naisip nilang si Jane o si Arianna, ang kapatid ng kaniyang asawa, ay ang tanging may balak siyang paghigantihan.
Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay tumunog ang telepono ni Jester. Bigla siyang kinabahan nang mabasa niya ang number ni Jane na tumatawag sa kaniya. Nag-alinlangan siyang sagutin ang tawag, ngunit nag-ipon siya ng lakas ng loob na kumpirmahin din ang kaniyang hypothesis.
"Yes, hello. Sino ito?" tanong niya.
Naghintay siya ng isang minuto para sumagot ang nasa kabilang linya, ngunit ang tanging narinig niya ay ang pag-iyak ng sanggol. Pamilyar sa kaniya ang sigaw na iyon, kaya mas lalo siyang na-curious na alamin kung sino ang nasa likod ng kalokohan o pagbabanta na iyon. Sa sobrang galit, sumigaw siya para maalarma ang tumatawag.
"Hoy, kung sino ka man ang gumagamit ng number ni Jane, duwag ka. Ginamit mo pa ang bata para sagutin ang kabastusan mo. Huwag mo akong paglaruan ma'am, okay? dahil dadakpin kita at maghanda ka na lang para sa iyong sarili. Hahanapin kita saanmang kontinente ka naroroon o kung saan ka nakatira," malakas niyang sabi sa telepono.
Binabaan lang siya ng phone. Galit pa rin siya sa tawag na iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit lalo siyang kinabahan nang marinig ang pag-iyak ng bata. Ramdam niya ang boses ng kaniyang anak.
Naputol ang pag-uusap ng magkakaibigan nang may kumatok sa pinto. Tila paranoid ang lalaki sa katok na iyon, dahil naalala niya ang misteryosong katok kagabi. Kaya naman inutusan niya ang kaibigan na buksan ang pinto.
"Theo, pagbuksan mo ako ng pinto," utos niya sa kaibigan.
"Why me? For all I know, this is your office, and I think you're paranoid now," sagot ng lalaki, saka binuksan ang pinto.
Pumasok ang sekretarya ng CEO, sinabing may dala siyang magandang balita. Unti-unting nabawasan ang kaba ng mayamang lalaki, nang makitang empleyado lang niya iyon. Habang papalapit sa kaniya ang babae ay naiingayan siya sa mga yabag ng sapatos nito. Nainis si Jester sa tonong iyon, kaya pinagalitan niya ang babae.
"P'wede ba, Ms. Flor, dahan-dahan ka sa paglalakad? Nakakasira ng araw ko ang ingay ng sapatos mo," pangaral niya sa sekretarya.
Bumuntong-hininga ang babae at humingi ng tawad sa amo. Kahit pinagalitan siya ng CEO, ngumiti pa rin siya, dahil protocol nila iyon. Palaging ngumiti kapag may bisitang pumapasok sa kumpanya. Napansin ng lalaki ang kan'yang sekretarya, kaya hiniling niyang putulin ang kan'yang kuryusidad.
"May bisita ba? Bakit parang nakangiti ka pa rin kahit nauna pa ang sermon ko sa impormasyon mo?"
"Ah, oo boss. May bagong kliyenteng babae na gustong makipag-usap sa iyo. Mukha siyang matikas, at handa siyang maghintay kapag libre ka," sabi ng babae.
Isang magandang balita para kay Jester ang tungkol sa babaeng iyon, at least nagbago ang mukha nitong nag-aalala. Nang gusto niyang makilala ang umano'y kliyente, agad siyang lumabas para salubungin ito.
Habang papalapit siya sa babaeng nakaupo sa visitor's chair, unti-unting bumalik ang kaba sa puso niya. Nang nakita niya ang katawan lang ng babae, mukhang kilala na niya iyon. Hindi ito ang unang beses nilang pagkikita pero sa tuwing magkikita sila, talagang intimate ang kanilang spark. Lalong ngumiti sa kaniya ang babae.
Nang bigkasin ng babae ang pangalang, "Jester", sobrang gumaan ang pakiramdam ng lalaki. Para siyang dinarayo ng hangin sa sobrang saya.
![](https://img.wattpad.com/cover/299596770-288-k602081.jpg)
BINABASA MO ANG
My Wife Is My Mistress( Filipino Version)
RomanceAng kasal ay isang sagradong biyayang ibinibigay sa mag-asawang nagmamahalan, na bumubuo ng isang pamilya. Hindi layunin nito ang isang perpektong pagsasama, ngunit sa halip ay isang magandang relasyon na hindi maihahambing sa iba. Alinmang kailanga...