Chapter 22: Ang Palabas

37 0 0
                                        


"Jenny, ikaw ba 'yan? Oh my God! I'm surprised that you reached me," ani ni Jester na awtomatikong napatayo sa tuwa.
 
Tumawag ang nasa kabilang linya para imbitahan ang lalaki sa isang party na gaganapin sa bahay ng tumatawag. Isang malambing na boses ang nagbabalik sa kaniyang isipan mula sa mga nakaraang alaala na magkasama sila. As usual, hindi siya mapakali at excited na makilala ang bago niyang crush. Pero, paano naman si Kate, ang isa pa niyang babae? May pangunahing dahilan iyon. Isang malalim at masusing pagpapaliwanag na tanging si Jester lang ang makapagsasabi.
 
The call was ended. Muli siyang humagikhik, habang hinalikan ang kaniyang telepono, at tumakbo patungo sa kaniyang sasakyan. Inayos niya ang sarili sa salamin at pinaandar nang mabilis ang sasakyan. Bago siya pumasok sa venue, isang kumikislap na lugar ang nag-akit sa kaniya para pumasok. Doon, nakita niya ang mga seksing babae na gutom sa pag-ibig, at hinila at pinalibutan siya ng mga ito habang nagtatawanan.
 
Isang babae ang nagsabi, "Available ka ba ngayong gabi, mahal kong lalaki?"
 
Nagising kaagad si Jester mula sa pagkasakal ng sarili sa kanilang kagandahan at kiliti. Lumayo siya sa kanila at umalis nang hindi sinasagot ang isa sa mga tanong nila. Hanggang sa maya-maya ay may natanggap siyang text message.
 
"Where are you? I'm already here waiting for you," ang nilalaman ng mensahe.
 
Nang mabasa niya ito, tumakbo siya patungo sa nakabukas na pinto at pumasok sa bahay. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nadatnan siya ng may-ari ng bahay na pumasok nang walang pahintulot. Pinalibutan siya ng mga guwardiya dahilan para hindi siya makalabas ng bahay. Laking gulat niya nang makita ang isang estranghero, na inaasahan niyang makikitang nagdiriwang ng isang party.
 
"Ang akala ko'y dito ang tamang lugar na papasukan ko. Pasensya na sa pang-iistorbo ko sa 'yo Madam," magalang niyang sabi.
 
Mabuti na lang at pinabayaan siya ng babae na lumbas sa kaniyang property, kahit na trespassing siya sa naturang bahay. Nakakahiya iyon para sa kaniya at naisip niyang baka siya ay dinaya ng kaniyang pinakamamahal na si Jenny. Hanggang noon, sinubukan niyang tawagan ang babae, pero out of coverage siya that time. Inis na inis siya at wala nang pag-asa sa hindi pagpakita ng babae.
Si Lila at Arianna, sa kabilang banda, ay gumagawa ng bagong diskarte para turuan si Jester at ang isa pang babae nito ng leksyon. Para makasiguro na walang nakikinig sa kanilang mga pinag-usapang sekreto, pumasok sila sa remote controlled chamber in connected to Lila's room. Ito ay sadyang nilikha ng may-ari ng bahay para sa kanilang pagtatago.
"Girls, you're here. Thank God, you visited me here after so much waiting here," sabi ng babae, habang karga-karga ang isang paslit.
 
"I'm sorry Jane for the delay, you know. We are preparing for your greatest revenge on your husband and affair. And as usual, hindi nagsasawang sundan kami ng mga tauhan niya. For sure, dahil sa anak mo," malinaw na sinaad ni Lila.
 
Tumulong sila sa pagdekorasyon ng silid para sa attraksyo ni Jason at para naman kay Jane. Tuwang-tuwa siya nang makitang hindi nagkukulang ang kaniyang mga mahal sa buhay na iligtas siya sa panahon ng mga trahedya. Pinalitan ni Arianna ang benda ni Jane sa kaniyang daliri dahil dumudugo ito dahil sa late na paggamot. Bagama't seryoso ang pamumutla ng kaniyang mukha, naggawa nilang pigilan ang pagdurugo matapos itong lagyan ng gamot.
 
Marami sa inyo ang nagtaka kung bakit at paano naligtas si Jane mula sa pagtalon sa tulay.
 
Well, the flashback started when she attempted to jump into the sea. Habang siya ay malapit nang tumalon, dumating si Henry at iniligtas siya sa pamamagitan nang paghawak sa kaniyang mga braso at sinabi sa kaniyang huwag ipagpatuloy ang pagpapakamatay. Sa totoo lang, wala siyang planong putulin ang kaniyang buhay, ngunit ito ay kaniyang plano lamang. May nakahandang magligtas din siya sa ilalim ng tulay. Si Arianna at ang boyfriend niya.
 
Bago pumunta si Jane sa tulay, naitawag na ang plano sa kapatid at kay Lila. Ngunit dahil naroon si Henry na bumibisita sa Estados Unidos, isinama niya ito sa panawagan na ihanda ang mga rescue team sakaling mabigo ang pagliligtas sa kaniyang kapatid. Ngunit, hindi pinakinggan ni Henry ang kaniyang matalik na kaibigan, pumunta lang siya kaagad sa tulay at eksakto, nang tumalon si Jane, iniligtas siya ng bading mula sa pagkahulog.
 
Natawa si Jane sa plano niya at tinukso ang kaibigan niyang bading. Gusto lang niyang maging makatotohanan ang pekeng pagpapakamatay para maniwala si Jester na patay na talaga siya. Matapos siyang iligtas ni Henry, naisip nila ang susunod na plano. Si Jane ang nagmungkahi ng makatotohanang pagkagat ng mga ngipin ng pating.
 
"Kailangan ko silang kumbinsihin na kinagat ng pating ang daliri ko. At iyon na lang ang natitira matapos kainin ang katawan ko. So, isasakripisyo ko ang ring finger ko," mungkahi niya sa mga kasama.
 
Hindi sila sang-ayon sa desisyon ni Jane. Nag-away pa sila, bago tuluyang naggawa ni Jane ang gusto niya. Ang nobyo ni Arianna, isang doktor, ay nag-inject ng anesthetics sa babae upang hindi niya maramdaman ang sakit kung saan naputol ang kaniyang daliri. Pinili niya ang kaniyang singsing dahil naniniwala siyang ang nakapulot sa kaniyang singsing ang siyang paraan upang makilala ang tunay na may-ari ng daliring iyon.
 
Pagtapon pa lang niya sa singsing ay nakita na niya kung sino ang lalaking makapulot nito. Pinili niya ang mayamang lalaki para madaling makakuha ng abogado kung aakusahan siya ng pulis bilang suspek. Nang makita niyang nagtatanong na ang lalaki sa may-ari ng singsing, pumunta siya sa tulay para pahirapan siyang mahanap nito.
 
Going back sa mga damit na nakita na lumulutang gamit ang kaniyang daliri sa dagat, binayaran niya ang lalaking namamangka upang magsumbong sa pulisya. Sa ganoong paraan, may lead ang pulis kung sino ang nagmamay-ari nito. At sa tulong ng lalaking nakapulot ng singsing, matagumpay na natapos ang lahat ng plano.
 
Inakala ni Jane na maawa sa kaniya ang kaniyang asawa, ngunit nagkamali siya. 
 
Naging mas agresibo ang kaniyang asawa sa paghahanap sa kanilang anak kaysa sa paghahanap ng hustisya para sa kaniyang gawa-gawang pagkamatay. Narinig pa niyang nag-uusap sa labas si Lila at ang kaniyang asawa tungkol sa paghahanap ng kaniyang anak.
 
"Lila, alam kong may kinalaman ka kung saan dinala ni Jane ang anak ko bago ito nagpakamatay. Kaya, ilabas mo ang bata kung ayaw mong isama kita ng kaibigan mo sa impyerno," pagbabanta ni Jester sa kaibigan ni Jane.
 
Hindi natatakot si Lila sa anumang pagbabanta ng lalaki. Gayunpaman, ilang beses siyang nagsinungaling para pagtakpan ang mga sikreto ng kaniyang kaibigan.
 
"Wala kang makukuha sa akin, Jester. Bakit ang anak mo lang ang mahalaga sa iyo? Paano si Jane? Hindi mo ba gustong imbestigahan ang nangyari sa kaniya?" pagtatanong ni Lila.
 
"Shut up! Wala na 'kong pakialam sa babaeng iyon. Anak ko na lang ang habol ko," dagdag pa ni Jester na ikinasakit ng damdamin ng asawa na nakikinig lang sa loob ng secret chamber.
 

My Wife Is My Mistress( Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon