Chapter 17: Ang Pagkamatay ng kaniyang ina

38 0 0
                                    

"Open the door!" Jane made a loud shout while knocking outside Mae's house.

Hindi nagpakita sa harap niya ang ginang ni buksan siya ng pinto dahil nasa labas na iyon ng bayan. Oo, siya nga, sa pag-alis nina Jester at baby Jason, nag-aapurang sumabay nang alis ng bansa rin ang mayamang babaeng iyon. Umaga sana raw ang planong paglipad ng may-ari ng bahay sa labas ng bansa, ang kaso ayaw niyang makita muli ang mukha ni Jane, kaya nagmadali siyang lumipad papuntang Hawaii para sa isang company meeting.

Kinalampag ni Jane ang pinto at nag-doorbell ng maraming beses, ngunit walang sumasagot. Sumilip siya sa gilid ng mga bakod ng bahay, ngunit tahimik ang lahat. Dumiretso muna siya kasama ang kaibigan sa katabing convenience store dahil uhaw na uhaw na sila. Pagbalik nila, nakita nilang bukas na ang gate, kaya tumakbo sila sa pag-asang maabutan ang pananatiling bukas nito.

Malakas ang ingay ng tick tack ng kaniyang murang sandal habang sinusundan ni Lila ang kaniyang mga yapak. Paglapit niya sa guard, isasara na  sana nito ang gate ay hinarangan siya ni Jane.

"Sir guard, papasukin mo na ako. Kailangan ko lang makita ang anak ko. Alam kong nasa loob siya," pakiusap niya.

Bumuntong-hininga ang lalaki at sumagot, "I'm sorry, but our bosses are not here. Umalis siya kagabi kasama ang pamangkin niya, and I'm not sure, pero parang may kasama silang baby."

Labis na nag-aalala, tinanong ni Jane ang lalaki kung ano ang hitsura nila. Napagtanto niya si Jester at Jason ang itinutukoy ng nagsalaysay base sa paglalarawan nito. Walang pagdadalawang-isip na napaatras si Jane sa kaniyang kinatatayuan dahil may pag-aalinlangan siya sa binatang iyon. Magkakatugma kasi ang lahat ng sinabi niya kay Jane kaya kung pipilitin pa niyang pumasok sa loob ng bahay ay baka wala pa rin siyang mapapala roon.
 
Kaya, bumalik ang dalawang magkakaibigan sa kanilang tinutuluyan at doon nagpatuloy sa pagmumuni-muni. Sinuri ni Jane ang laman ng kaniyang pitaka, ngunit mukhang mayroon pa siyang kaunting pera na lang. Nagbalance inquire din siya sa kaniyang cash deposit, partikular sa kanilang pinagsamang account ng mag-asawa, ngunit lahat ay naka-lock. Hindi alam ng kawawang ina ang gagawin kung lalaban pa ba siya o hindi na, dahil nauubusan na siya ng pera. Gayunpaman, tinulungan pa rin siya ni Lila at binayaran ang tiket niya pauwi ng Pilipinas.
***

Nanatili si Jane sa kaniyang silid ng tatlong araw. Hindi siya kumain at uminom lamang siya ng tubig. Labis ang pag-aalala ng kaniyang ina, kaya kinausap niya ang kaniyang anak kahit na nasa labas lang siya ng pinto nagsasalita.

"Jane, anak, mahal ka ng mama mo. Hinding-hindi ako susuko sa pag-aalaga sa iyo. Tandaan mo, dapat ganoon ka rin sa anak mo. Kumain ka at magpalakas para pagdating ng araw, may lakas ka  para ibalik ang anak mo sa taong kumuha nito sa iyo."

Naantig ang puso ng babae nang marinig ang simpleng payo ng kaniyang ina. Iyon ay karaniwang mga pangungusap, ngunit dahil mahal na mahal niya ang kaniyang ina, naiiyak siya sa sobrang awa. Kaya naman, binuksan niya ang pinto at pumunta sa kusina. Kumain siya nang kumain hanggang sa mabusog siya kinalaunan. Masayang pinagmamasdan lang siya ng kaniyang ina habang kumakain.

Kinabukasan, naggising si Jane sa tahol ng kaniyang aso, na tinawag niyang Jay-Jay. Noong pinagbubuntis niya si Jason, siya ang nag-aalaga sa asong iyon, at pinangalanan pa niya. Lumabas siya ng kwarto at sumilip sa labas kung may bisita sila, pero tahimik ang paligid at parang walang tao roon.

Pumunta siya sa kuwarto ng kaniyang ina. Tiningnan niya kung gising iyon ngunit nakita niyang tulog pa rin ito. Nagtataka siya kung bakit hindi naggising nang maaga ang kaniyang ina. Gayunpaman, sinubukan na niya iyong gisingin.

Hinawakan niya ang mga kamay ng kaniyang ina at nadama ang kasing lamig ng yelo. Sumigaw siya ng, "Wake up mom!" ngunit walang tugon ang katawan ng kaniyang ina. Ang mukha nito ay maputla at nakapikit ang mga mata. Nang nakita niya ang mga iyon, sinubukan niyang suriin ang tibok ng puso at pulso, ngunit tila wala na talaga. Patay na ang kaniyang pinakamamahal na ina.

"Mom, please be awake. Don't leave me alone. How can I? Moooom... Moooom... huhuhu," mangiyak-ngiyak niyang sabi habang nakaharap sa walang buhay na ina.

Niyakap niya ang katawan ng kaniyang ina at umiyak nang umiyak habang sumisigaw ng "Ma?". Nagulat ang kasambahay nila sa kabilang kuwarto sa lakas ng sigaw ni Jane kaya agad itong pumunta sa pinanggalingan ng ingay.

"Ma'am Jane, anong nangyari?" pagtatanong ng babae na may pag-aalalang mukha.

Iyak lang nang iyak si Jane na parang hindi narinig ang tanong ng babae. Ang kaniyang mga luha ay nabalot ng matinding sakit na tila walang hangganan. Nilapitan siya ng kaniyang assistant na kinakabahan hanggang sa malaman ng babae na patay na ang kaniyang amo.

Ang babae ay nagdial kaagad ng emergency number ng ospital. Agad namang dumating sa tahanan nila ang mga awtoridad at kinuha ang bangkay ng babae upang matukoy kung totoong patay na ito at malaman ang sanhi ng pagkamatay nito. Ipinagpaliban pa ni Jane ang paglilibing sa bangkay ng ina hanggang sa matapos ang pagsusuri. Pagkatapos, dumating ang mga resulta pagkaraan ng tatlong araw, at ang kaniyang ina ay na-diagnose na may dementia at acute leukemia bago pumanaw.

Dahil sa sobrang abala sa paghahanap sa kaniyang anak, hindi man lang niya nadala ang kaniyang ina sa eksperto para i-check up ang kalagayan nito sa mga nakaraang araw. She was so hopeless dahil iyon na lang ang natitirang magulang niya. Ang nakababata niyang kapatid ay kasama ng kaniyang tiyahin, kapatid ng kaniyang ama, dahil nag-aaral pa ito, kaya hindi siya masyadong nakakasama.

Sa araw ng libing ng kaniyang ina, ipinangako niya na anuman ang mangyari, hahanapin niya ang kinaroroonan ng kaniyang sanggol para sa kaligayahan ng kaniyang mga yumaong magulang. Masakit isipin ang mga nangyayari, ngunit pinalakas niya nag kaniyang ang loob at nagsimulang baguhin ang sarili.

May nag-alok sa kaniya ng trabaho sa isang lalaking namamahala sa gobyerno. Gusto niyang ipasok siya bilang special agent ng NBI. Tinanggap ng babae ang alok na iyon at sinubukang pasukin ang bagong mundo.

"Welcome to the team, Jane," sabi ng kaniyang mga kasamahan, na nagbigay sa kaniya ng kaunting party habang tinatanggap siya sa grupo.

Masayang-masaya siya kahit papaano dahil natupad ang kaniyang hangarin na maglingkod sa bayan. Ilang taon niyang tiniis na hindi nakasama ang anak. Isinantabi niya ang pera at lakas para pagdating ng panahon ay handa na siyang lumaban. Hindi rin siya pinabayaan ng mga malalapit niyang kaibigan. Nagtabi rin sila ng pera bawat buwan para pondohan ang kanilang plano na hanapin ang anak ni Jane at iuwi ito, at para lakbayin ang Estados Unidos para gawin iyon.

Makalipas ang tatlong taon, nakabuo si Jane ng maraming pagsisikap. Bumili siya ng kotse, inayos ang bahay at inayos ang sarili. Siya ay sexy at kaakit-akit tingnan sa mga mata ng tao. Sikat din siya sa kanilang bansa dahil pinarangalan siya bilang isang magiting na tagapagtanggol ng taon. May anak siyang naligtas mula sa muntikang pagkahulog sa isang gusali sa kamay ng isang kidnapper.

Bibigyan sana siya ng kanilang ahensya ng promosyon, ngunit hindi niya tinanggap ang malaking responsibilidad na iyon. Naisip niyang malabong maggampanan niya iyon sa pag-upo ng ganoong posisyon at hindi makagalaw nang malaya sa pag-asang maisakatuparan ang kaniyang mga plano. Bukod sa kaniyang trabaho, nagtayo rin siya ng maliit na negosyo para matalo ang masa.

Mula sa isang maliit na negosyo ay naging isang pandaigdigang negosyo. May ilang order siya mula sa ibang bansa sa kaniyang negosyong alahas at accessories na mula sa pinahiram ni Lila ng puhunan. Sa mabilis na pagtaas ng kaniyang negosyo, unti-unti niyang binabayaran ang kaniyang utang sa kaniyang kaibigan.


My Wife Is My Mistress( Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon