Nanlaki ang mga mata nila nang mapagtantong kilala nila ang pangalan ng isa't isa nang magkakilala sila.
"Kate?"
"Oh my God! Jane, ikaw ba 'yan?"
"Yeah," sabi ni Jane, na may pekeng ngiti habang tinitignan ang babaeng nasa harapan niya mula ulo hanggang paa.
Nagtataka siya kung bakit sa parehong bar niya nakilala ang sekretarya ng ina ng kaniyang asawa. Baka binabantayan siya ni Jester o di kaya'y nagse-celebrate na siya kasama ang kapwa niya birthday boy. Aalis na sana si Kate para bumalik sa upuan niya, nang biglang humarang si Jane sa dinadaanan niya.
"Teka. Pwede bang humingi ng favor sayo?"
Sabay kurap ng mata ni Kate at ngumiti sa dalaga na napatigil sa pagsasalita at napabuntonghininga.
"Ano iyon?" sagot niya.
Nagkasundo ang dalawa sa pabor na hiningi ni Jane sa magandang ginang. Nakiusap si Jane na huwag sabihin kahit kanino, lalo na ang kaniyang asawa, na bigla siyang pupunta sa U. S. Iminungkahi din niya na kung magkita sila muli, magpanggap silang estranghero para hindi mahalata ng kaniyang asawa na sinusundan siya nito.
Pagbalik ni Jane sa kan'yang upuan, natuklasan niyang umalis na pala si Jester. Nilibot niya ang paningin sa buong club at napayuko dahil hindi na niya talaga nakita ang asawa. Nandoon pa rin ang mga kaibigan ng lalaki, pero bakit parang siya lang ang nawala?
Napansin niyang kausap ni Kate ang isang gentleman malapit sa counter. Gusto niyang tanungin ang babae, ngunit naalala niya ang kanilang kasunduan na hindi na nila dapat pansinin ang isa't-isa kapag nagkita silang muli.
Kinabukasan, nakita niya ang dalawang Helson na sabay na pumasok sa entrance ng gate. Nasa abot-tanaw na niya, ngunit hindi pa rin niya magawang lapitan ang kaniyang minamahal. Gusto sana niyang magtanong tungkol sa biglaang pagkawala sa bar, ngunit natatakot siyang magalit ito dahil palihim niyang sinusundan ang asawa.
Habang nanonood lang siya sa kabilang building ay tumawag on the phone ang kaniyang ina kasama ang kaniyang mga kaibigan. Nakipag-ugnayan sila sa pamamagitan ng mga video call sa Messenger.
"Hello beshy, kumusta ka riyan? Malamig ba riyan o mainit? Haha," pabirong tanong ng kaibigan niyang bading.
"Heto, okay lang pero hindi ko pa rin nasundan nang maayos ang asawa ko. Bigla siyang nawala, eh," dismayadong sagot ni Jane.
May ipinakita si Henry na nakakaintriga sa kaniya. Isang device na lubos na kapaki-pakinabang sa kanila sa paghahanap ng kinaroroonan ng isang tao. Isa itong GPS tracking device o address locator sa bawat destinasyon ng target. Iyon ang magandang ideya na nagbigay inspirasyon sa babae na ituloy ang sarili niyang imbestigasyon sa mga ginagawa ng kaniyang asawa sa likod niya.
"Salamat Besh. Lila, alagaan mo ang mag-ina ko riyan, ok? I trust you both. Pagpasensyahan mo na lang, malalaman ko rin sa tamang panahon ang pinakamadilim na sikreto ng asawa ko."
"Just go beshy. Kaya mo 'yan. Kami na ang magbabantay sa pamilyang naiwan mo rito sa Pilipinas."
Ang sitwasyon ay nalutas nang maayos ng magkakaibigan. Nagkaroon ng sapat na lakas si Jane para ipagpatuloy ang kaniyang trabaho. Binili niya ang mga kagamitan na kailangan niya sa kaniyang plano para sundan ang kaniyang asawa sa isang katabing tindahan. At sa kabutihang palad, matagumpay niyang ikinabit ang tracker sa sasakyan ng lalaki.
Napansin niyang lumipat ang device mula sa orihinal nitong posisyon noong 12 p.m. sa parehong araw. Dahil dito, umalis ang kaniyang asawa sa opisina at pumunta sa ibang lokasyon. Si Jane naman ay pumunta lang sa tinuro ng tracker niya.
Inikot niya ang paligid hanggang sa napagtanto niyang may mali sa kaniyang monitor.
"What's wrong with this? Is the device really accurate? Kanina pa ako pabalik-balik dito. Mukhang pinaglalaruan ako ng oras. I'll check."
Bumaba siya ng sasakyan at tumuloy sa lokasyon kung saan itinigil ang galaw. Nakaparada ang sasakyan ng kaniyang asawa sa harap ng isang restaurant at napansin niya iyon. Sinilip niya ang sasakyan at walang nakitang kakaiba.
Pumasok siya sa loob ng building, umupo sa likod ng restaurant, at nag-order para sa kaniyang sarili. Habang naghihintay ng kaniyang order, tiningnan niya ang kaniyang mga email upang makita kung ang kaniyang asawa ay nagpadala ng mensahe sa kaniya, ngunit wala. Lalo siyang pinanghinaan nang loob dahil pakiramdam niya ay inabandona na siya at talagang nag-iisa siya malayo sa piling ng mahal niya.
"Jester, paano mo natiis na hindi kumustahin ang pamilya mo? Nagbago ka na ba talaga o busy ka lang?" bulong niya sa sarili.
Makalipas ang isang minuto, inihain sa kaniya ang menu na napili niyang kainin. Kinain niya lahat dahil nakaramdam siya nang gutom. Habang umiinom siya ng tubig, narinig niya ang isang pamilyar na boses mula sa kaniyang likuran na naglalakad palapit sa kaniya. Agad niyang tinakpan ang mukha niya ng sombrero para itago ang sarili.
Sa harap niya, may dalawang lalaki ang dumaan. Dahan-dahang tumawid siya sa barrier, at sa kaniyang peripheral vision, napansin niya si Mr. Helson na lumabas ng restaurant kasama ang isang lalaking negosyante na kausap niya.
Dahil sa kaniyang curiosity, sinundan niya ang kaniyang biyenan na papasok na sana sa sasakyan nito. Laking gulat niya sa nakita, dahil ang kotseng sinusundan niya ay minamaneho ng ama ni Jester. Galit at pagkadismaya ang nararamdaman ni Jane sa sarili sa mga oras na iyon.
"You're so idiot, Jane. Nalusutan ka na naman ng asawa mo. Tsk... as always," sabi niya sa sarili.
"Teka, paano nalaman ng asawa ko na naglagay ako ng tracker sa kotse niya? Alam na ba niyang nandito ako sa U. S.? she added.
Si Jester naman ay papunta sa airport. Sumakay siya ng eroplano papuntang Pilipinas kasama ang kaniyang abogado at isa pang aide. Walang clue si Jane na ang lalaking hinahanap niya ay bumalik sa kanilang sariling bayan upang kunin ang kanilang anak at wakasan ang kanilang relasyon.
Sabado ng umaga, nang dumating si Jester sa kanilang bahay sa Pilipinas. Nakita niyang walang laman ang bahay at hindi maayos ang mga bagay sa loob nito. Pumunta siya sa iba't ibang sulok ng bahay, ngunit tatlong aso lang ang sumalubong sa kaniya.
"Wala po sila, sir," sabi ng kaniyang katulong na kakaikot lang sa mga kuwarto ng bahay.
"What the fu*k! Saan mo itinago ang anak ko, Jane?" sabi ng lalaki na noo'y hindi mapakali sa susunod na gagawin.
Maya-maya ay tumahol ang mga aso, pahiwatig na may bisita silang darating sa bahay. Inasahan ng lalaki na baka dinala ng ina ni Jane ang kaniyang anak. Gayunpaman, nagkamali lang siya. Ang taong pumasok sa kanilang bahay ay...
BINABASA MO ANG
My Wife Is My Mistress( Filipino Version)
RomanceAng kasal ay isang sagradong biyayang ibinibigay sa mag-asawang nagmamahalan, na bumubuo ng isang pamilya. Hindi layunin nito ang isang perpektong pagsasama, ngunit sa halip ay isang magandang relasyon na hindi maihahambing sa iba. Alinmang kailanga...